CHAPTER 1 Evil plan

1060 Words
"MAAGA akong bumangon mula sa higaan. Napatingin ako sa aking tabi pero wala na ang asawa ko. As usual maaga itong nagigising para pumasok sa opisina. Simula nang ikasal kami dalawang buwan pa lang ang nakararaan. Hindi ko pa ito naabutan na katabi ko sa umaga. Hindi rin namin ginagawa ang normal na ginagawa ng dalawang taong kasal na. Sa parte ko, Ayos lang 'yon. Naiintindihan ko naman na lagi siyang pagod galing opisina. sabe naman niya na babawi raw siya pag free ang schedule niya. Magbabakasyon daw kami sa isang isla na pagmamay-ari ng kapatid niya. Excited naman ako sa araw na 'yon. Dahil masosolo ko ang asawa ko. Susulitin namin ang araw na iyon na kaming dalawa lang. Aba, Baka matagal na akong na buryo sa relasyon namin. Na simula sa umpisa walang kasweet-sweet sa katawan si Vince. Naalala ko pa noong nililigawan niya ako. Tanging simpleng dinner-date lang 'yon. Walang flowers, Chocolate's, and everything. It's just as plain as our relationship was. Akala ko nga na baka hindi naman niya ako talaga mahal. na baka napipilitan lang siya na ligawan ako. Our parent's are friends. And business partner's, Ilang buwan after mamatay ng daddy niya.si Senyor Thomas Montebañez. ng alukin niya ako ng kasal. At first, I was hesitant to accept his sudden proposal. But i said yes, And it happen so quickly. we're married! I am now his Mrs.Ariyah Benitez Montebañez. Matapos kung gawin ang morning routine ko lumabas na ako ng silid namin ni Vince. Tinungo ko ang kusina at agad nag handa ng dadalhin ko sa asawa ko. Naisipan ko kasi na i-surprise siya mamaya. Ito pa lang ang kauna-unahang beses na pupunta ako ro'n. Iniiwasan ko kasi ang kuya ni Vince. si Yael Montebañez. bukod sa masungit kasi iyon, hindi ko feel ang presensya niya kapag nariyan lang siya sa paligid. Mabait naman daw iyon sabi ni Vince. May pinagdadaanan lang daw iyon sa babaeng mahal niya. Pinagkibit balikat ko na lang ang bagay na 'yon. "Ma'am, Ariyah. ako na ho d'yan," napabaling ako mula sa paglalagay ko ng mga pagkain na dadalhin ko kay Vince. ng pumasok si Annie. Isa sa mga kasambahay namin. "Ku, ayos lang. tapos na rin naman ako." Isa-isa ko ng nilagay sa eco-bag ang mga pagkain. Marami-rami kasi 'to. Baka lang kasi sabihin ng kuya niya na hindi ko manlang sinama siya sa budget. hmp! "Ang dami niyan ma'am, ah?" "Sana magustuhan nila. 'to," "Segurado po 'yan!" Natawa na lang ako ng tinaas pa ni Annie ang kamay niya at ng thumbs-up sa akin. Nagluto ako ng Caldereta. Especialty ko kasi 'yon. Namana ko pa sa lola ko. Buti na lang bago siya nawala, Naituro niya sa akin ang recipe. At ngayon ang unang beses na sinubukan kong lutuin.Sana lang magustuhan ng asawa ko.Malalaman ko 'yan mamaya pag natikman ng asawa ko. Sa naisip hindi ko maiwasan kiligin. I imagine this day na Ipagluluto ko siya araw-araw. Umakyat na muna ako sa silid namin para kunin ang cellphone at bag ko. Naglagay na rin ako ng konting lipstick sa labi ko. Nagwisik-wisik lang ako ng pabango. Nang makuntento sa itsura ko. lumabas na ako. Naabutan ko si Kuya mel na naglilinis ng sasakyan. Agad naman niya ako nakita at bumati. "Saan po kayo ma'am?" tanong niya. Sinarado na niya ang hood ng kotse saka ako binalingan. "Kuya, Mel, p'wede niyo po ba ako ihatid sa Montebañez corp?" Si kuya Mel na ang nag lagay ng mga dala ko sa likod ng kotse. Sumakay na ako sa backseat. Ilang minuto lang naman ang ay nakarating na kami sa building ng mga Montebañez. Matapos maiparada nang maayos ni kuya Mel ang sasakyan ay dumiritso na ako sa front desk para mag tanong. Nagtaka pa ako nang nginitian ako ng babae at lalaki na nasa front desk habang abala sila sa pag aasist ng mga kliyente. Bumaling sa akin 'yong lalaki at malapad ang ngiti. "Good morning. Mrs. Montebañez, How may i help you?" Natuwa naman ako hindi dahil sa pag bati niya. Dahil iyon sa isiping na kilala nila ako rito bukod sa anak ako ni Hector Benitez. Kilala ako bilang anak ng isang negosyante. Pero bilang asawa ni Vince Montebañez? Hindi ko naisip na ipakikilala niya ako sa mga empleyado nila. pero masaya ako. masayang-masaya. Dumiritso na ako sa opisina niya. Nasa dulong bahagi ito at magkatapat lang ito ng opisina ng kuya Yael niya. Sana lang wala siya ngayon. Malapit na ako ng matanaw ko na bahagyang bukas ang pinto ng opisina ni Vince. Akmang papasok na sana ako. pero natigilan ako ng marining ang dalawang tao na naguusap. lumakas na lang bigla ang t***k ng puso ko. Nag akyatan din bigla ang dugo ko sa ulo ko. Mga walanghiya! hindi ko na nakayanan ang mga nangyayare kaya ipinasya ko nang tigilan ang pakikinig sa kanila. Pero bago ako tumalikod nagtama ang mata namin ng lalaking kausap ng asawa ko. Bahagya itong nagulat base sa reaksyon ng mukha nito. Dahil nanatili itong nakatitig sa akin kaya napatingin din si Vince sa gawi ko. Parang natuklaw nang ahas na bigla na lang itong napatulala. Napangiti ako ng mapait bago ko sila tinalikuran. Kailangan ko gawin 'yon baka bigla na lang ako mawala sa sarili at masaktan ko sila! Mga hayop sila! Wala akong alam na dahilan na p'wede maging rason para gawin nila sa akin ang mga bagay na 'yon. Mahal ko siya, minahal ko siya! pero niloloko lang pala niya ako. Parehas sila nang kuya niya. Magsama sila ng hayop niyang kapatid. Napaka-sama niya! Kahit kailan hinding-hindi ako papayag sa mga masama niyang plano sakin! Walang tigil naman ang pag patak ng luha sa magkabila kong pisnge. wala na akong pakialam sa mga nakakakita sa kalagayan ko ngayon. Bago ako makapasok sa elevator. narinig ko pa ang pag tawag sakin ni Yael. Binilisan ko ang pagpasok para hindi niya ako abutan. uuwi ako sa mansyon. kukunin ko lahat ng gamit ko ro'n at uuwi ako sa amin. Hindi ko kayang sikmurahin ang tumira pa doon. ngayon pa, na alam ko na ang totoo. Isang sulyap pa kay Yael bago tuluyan nag sara ang lift. Kitang-kita ko sa mukha niya ang halo-halong emosyon. sinubukan pa niya pigilan ng kamay niya ang pagsasara ng lift pero nag close na 'to. kaya wala siyang nagawa kundi magmura. "F**k! D*mn it!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD