Film Celeste's POV Nagising ako dahil sa init ng yakap na nakapalibot sa baywang ko. Hindi agad ako dumilat. Hinayaan ko munang manatili ang sarili sa pagitan ng panaginip at realidad habang dahan-dahang pumapasok sa isip ko ang mahinang ugong ng air conditioner at ang tunog ng mga alon na halos hindi marinig mula sa labas ng villa. May kung anong mabigat na nakapatong sa tiyan ko. Nang bahagya kong iminulat ang mga mata ko, doon ko napagtantong braso pala iyon ni Diego. Mahigpit pa rin niya akong yakap kahit mahimbing pa siyang natutulog, at ang mukha niya ay nakabaon sa pagitan ng balikat at leeg ko na para bang natatakot siyang magising na wala na ako sa tabi niya. Hindi ko napigilang mapangiti. Kung may nagsabi sa akin tatlong taon ang nakalipas na gigising ako isang araw na ganito

