CHAPTER TWENTY-FOUR

1689 Words

Mom Celeste's POV May mga gabing akala mo ay panaginip lang.Mga gabing paggising mo kinabukasan, kailangan mo pang tumingin sa paligid para makasigurong nangyari nga talaga. Isa na roon ang kagabi. Nagising ako ilang minuto bago pa tumunog ang alarm. Hindi ko alam kung dahil ba sa nakasanayan na ng katawan ko ang maagang paggising o dahil hindi pa rin tuluyang humuhupa ang saya sa dibdib ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Ang unang bumungad sa akin ay ang kisame ng kwarto. Kasunod noon ang sinag ng araw na sumisilip mula sa manipis na kurtina. At pagkatapos... Ang mga alaala ng nakaraang gabi. Ang café, ang dinner, ang rooftop garden, ang kantang para sa akin at ang halik. Napangiti ako nang hindi ko namamalayan. Parang may sariling buhay ang mga labi ko sa tuwing naaalala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD