Underwear Celeste's POV Unti-unti kong inilayo ang cellphone sa tainga matapos kaming magpaalaman ni Mama. "Mag-enjoy kayo, anak. Huwag kang masyadong mag-alala rito. Magpahinga ka rin." "Opo, Ma." At bago pa tuluyang maputol ang tawag ay narinig ko pa ang mahinang tawa niya. "Alam mo, mabait talaga iyang boyfriend mo." Halos mabulunan ako. "Ma!" Natawa lamang siya. "Tama na. Enjoy." Napailing na lang ako habang ibinababa ang tawag. Tahimik kong ibinaba ang cellphone sa kama. Hindi ko pa rin lubos maisip na nakausap na pala ni Diego sina Mama. Hindi lang pala simpleng paalam. Talagang tumawag siya. Ipinaliwanag ang lahat. Pinangakuang aalagaan ako. At mukhang... pumayag naman agad sila. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya. Isang mahinang katok ang narinig ko sa pinto.

