Karaoke Celeste's POV Hindi namin namalayang tuluyan nang nagdilim ang kalangitan. Ang dating kulay kahel at rosas na bumalot sa langit ay napalitan na ng malalim na bughaw, habang ang mga bituin ay unti-unti nang nagsisilitawan sa itaas. Sa ibaba naman ay mas lalo pang luminaw ang mga ilaw ng siyudad, na para bang sinasabayan ang pagdating ng gabi. Napabuntong-hininga ako. "Ang bilis ng oras." Napatingin sa akin si Diego. "Masaya ka ba?" Ngumiti ako bago tumango. "Higit pa." Sapat na ang sagot kong iyon upang gumuhit ang isang kontentong ngiti sa labi niya. "Nagugutom ka na?" Napaisip ako. Ngayon niya lang nabanggit, saka ko lamang naramdamang kumakalam na pala ang sikmura ko. "Konti." "Tara." "Room?" "Dinner muna." Hindi na ako tumutol. Magkahawak-kamay kaming naglakad

