continuation, Celeste's POV “Surprise.” At bago pa ako makapagtanong muli, mabilis na siyang naglakad palayo, iniwan akong nakatayo sa gitna ng viewing deck habang pinagmamasdan ang papalayong likod niya. Napakunot-noo ako. “Diego?” Hindi na siya lumingon. Ang kapal talaga ng mukha. Iiwan ako rito nang walang kahit anong paliwanag tapos ako pa ang mag-iisip kung ano ang surprise na sinasabi niya. Ilang segundo akong nanatili sa kinatatayuan ko, umaasang baka sakaling lumingon siya at matawa dahil pinaglololoko lang niya ako, pero nagpatuloy lamang siyang maglakad hanggang sa tuluyang mawala sa likod ng mga halamang nakapaligid sa pathway. Napabuntong-hininga ako at napailing. “Five minutes daw.” Tiningnan ko ang cellphone ko. Hindi ko naman talaga alam kung bakit kailangan kong

