Chapter 1

1067 Words
Another beautiful morning has come to me. Napakanda ng paligid at sariwang hangin. Mga nag huhuni na ibon at mga kulay berde na puno. Napakagandang tanawin ang aking nakikita lalo na ang tao naiisip ko... Napakagwapo nya para syang greek god na narencarnation. Naiisip ko na ikakasal na kami at mag kakaroon ng maraming anak at magiging masaya-- "Aray! Parang ewan naman to!"galit na sabi ko. Nag mumuni muni pa ako dito tas naninira sya bwisit na to! "Buti di ka nababaliw sa pinag gagawa mo"tawang tawa nyang saad. "Hanggang kailan mo ba sya pag papantasyahan ng ganyan, alam mo naman na never ka mapapansin nun"dagdag pa nya Alam ko naman yun eh. Sa imagination na nga lang ako magiging masaya sisirain pa nya. Anyway kaibigan ko sya. Scylla Perez name nya. Naging mag kaibigan kami since high school. Nasa classroom kumakain ng chichirya break time na kaya nag aantay na lang ng next prof Pag talaga nakatulala ako at tahimik alam na alam nya na kung ano iniisip ko, kung sabagay sinasabi ko din naman at kinukwento ko din sa kanya. "Try mo kaya mag hanap ng lalaki sa malapit." "Baka lang naman matigil na yang imagination mo at maging reality ang love life mo" "Konting konti na kang mababaliw kana, may nag kakagusto naman sayo kaso hindi mo naman pinapansin, tapos ngayun sa imagination ka naghahanap ng love life mo" sabi pa nya Hindi pa kasi ako handa sa mga totoong pagibig na yan, wala naman akong alam sa totoong pagmamahal. Hindi ko nga alam kung ilang pamilya na ang nabuo ko sa imahinasyon ko. "Ayoko pa ng totohanang relasyon, hindi ko alam kung pano ko ihahandle yun. Mabilis kaya ako mag sawa" balik ko sa kanya. Totoo yun mabilis ako mag sawa lalo't na rerealise ko sa hindi ko pala talag sya gusto o mahal, at syempre ayoko bigyan ng sign ang taong may gusto sakin baka kasi umasa ed sya lang din ang kawawa sa huli. Hindi rin kasi ako marunong mag handle ng relasyon. Hindi ko kasi alam ang dapat gawin, atsaka mapride aking tao baka hindi makayanan ng magiging boyfriend ko. "Kaya ba sa utak mo pinapractice yang pakikipag relasyon mo HAHAHA" asar pa nya " Baliw."pairap na sabi ko "Ikaw kaya yun" rinig kong bulong nya. Ed wow, natawa na lang sya sa sinabi ko. Dumating na ang teacher namin sa English kaya nag ayos na kami dahil mag sisimula na ang lesson namin. "Goodmorning class."ma'am silva "Goodmorning ma'am Silva." At ayun na nga nag lesson na. . . . . . . . . . . . Natapos na ang klase namin sa buong sub kaya nag handa na kami ni Scylla para makaalis na. Parehas lang naman kami ng derekson ng bahay kaya sabay na kami umuuwi. "Ay haidy, punta muna tayo sa library." Hindi na nya ako inantay makapagsalita at hinila na papunta sa library room. "Antayin na lang kit sa labas."sabi ko sa kanya at sa labas na lang ako nagpaiwan. May iilang mga tao ang dumadaan sa harap ko, minsan tinitignan ko sila at sinusundan ng tingin. Wala lang gusto ko lang tignan may masama ba dun? Nakalimutan ko mag pakilala, I'm Haidy chloe Nascue, g12 student na ako kasama si Scylla. Habang tumitingin sa mga dumadaan nakita ko si Scylla na palabas na "Ok na?" Tanong ko. "Oo tara" Umalis na kami at lumabas na ng school. Nag antay lang kami ng jeep na masasakyan para maka uwi na. Nauna sya bumaba sa sasakyan kasi mas mauuna ang bahay nya kesa saakin, medyo mag kalayo kasi kami ng bahay kaya mauuna sya makauwi sa kanila. "Para po." pagkasabi ko nun ay huminto na ang jeep at bumaba na din ako. Nag lakad na ako papunta sa bahay namin pero bumagal ako ng nakita ko sya. Siguro aalis sya o may pupuntahan, naka porma kasi sya. Dumaan sya sa gilid ako at ako ay kunwari na walang pakealam, infernes ang bango nya palagi kyaaaaaa!!!! Nakangiti ako na nag lakad papunta sa bahay namin. Sya kasi yung crush na crush ko matagal na kaya para akong baliw na nag lalakad habang naka ngiti. . . . . . . . . . . . Nakarating na ako sa bahay namin. Hayss nakakapagod kahit hindi naman ganun kalayo ang nilakad ko. Nag tanggal na ako ng uniform at nag bihis na din, bukas sabado kaya walang pasok, pero naiisip ko padin kung saan sya pupunta Ang pogi nya talaga yieeee Hayss nababaliw na ako kailangan ko matigil sa kahibangan ko na to dahil alam ko naman na wala akong pag asa dun. Tama naman ang sinabi ng kaibigan ko never ako mapapansin Yun. Kung dati napansin nya ako, dati yun hindi na ngayon kasi malalaki na kami at may isip. Paminsan minsan kinakausap nya ako kaso d ko matagalan kasi para akong ewan na kinikilig sa loob hindi ko man lang sya matignan ng mata sa mata pag nag kakausap kami. Tapos na ako kumain at tumayo muna sa bintana namin, nagbabasakali Kasi ako na dadaan ulit sya. Nag antay ako ng ilang minuto minuto kaso wala talaga kaya naisipan ko na lang gumawa ng assignment. Sa pag gawa ko ng assignment hindi ako makafocus dahil laging may pumapasok sa ang imahinasyon ko. Hayss kaka basa ko to ng love story, ayan tuloy gumagawa na din ako ng sarili kong buhay, kaso hindi naman mang yayari yun. Kailan ko kaya matitigilan to, ayoko na din eh, feel ko mababaliw na talaga ako or baliw na talaga. . . . . . . . . . . Nang matapos na ko sa assignment ko nag selpon muna ako tamang f*******:, t****k, Call of duty. Opo, yes nag lalaro po ako ng call of duty, at sniper main ako sheshhhh!!! Dl q33 at rytec lang omiiiiii. Hindi naman sa feeling fast hand ahh pero d talaga mabilis kamay ko, engot din ako mag laro. Wala din kasi aking galaw ehehe wag nyo kong asarin gusto ko lang naman mag laro pampalipas oras kaso nag bibigay stress sakin WAHAHAHAH TINGSSS*** SCYLLA: Be pakopya ako eheheh ? Me: Lah HAHAHAHHA sige wait Me: Sent a photo. Sent a photo. Sent a photo. Sent a photo. Ayan na lahat yun Scylla: Ayan thank you bibi you're the best muwaaaa, sana mag ka jowa kana? Me: Baliw HAHHAAHHAA (React ? on your message)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD