HYERI'S POV
"Miss yung coffee ko?" Tawag sakin ng customer na nakaupo sa upuan nya habang nakaharap sa laptop nya.
Agad kong binigay ang order nyang mochassino coffee, at bumalik sa counter para mag pahinga.
Nagtatrabaho ako dito sa I♥CAFÉ na pag mamay-ari nitong bestfriend ko na si Cassandra "Cassie" Aguilar, classmate ko sya since high school at sya lang yung taong matuturing ko na totoo, at mahal ako.
"Hyeri!" Tawag ni Cassie
"Hmmm?" Tanong ko
"Your mom called me last night and she asked me where you stay" sabi niya
"Hindi mo naman sinabi diba?" Tanong ko
"Of course, pero Hyeri, di ka pa nakakabayad sa apartment na tinutuluyan mo and 1 month ka ng nagsestay dun, baka palayasin ka dun sa apartment, San ka na magsestay nyan?" Tanong nya na may pag aalala.
Oh, 1 month na pala since I run away from my mom and from that f*****g arrange marriage.
"Kung papalayasin man ako, magsestay ako kahit saan, yung di nya ko makikita, tsaka, papakiusapan ko naman yung landlord ko para di mangyari na palayasin nya ko" sabi ko
"Aishhh! Hyeri naman, dun ka na lang sa bahay ko mag stay" sabi nya
"No no no" Sabi ko. Kasi pag dun ako kila Cassie mag stay, pupuntahan lang ako ng babaeng yun at kakausapin nya yung parents ni Cassie na kumbinsihin akong umuwi. Tsk!
"Aishhh kahit kelan talaga pasaway ka" inis nyang sabi
"Pero Hyeri, gusto kong sabihin sayo na humihingi yung mama mo ng favor sakin, favor na kausapin ka at pilitin ka para tanggapin na yung marriage proposal na napag-usapan nyo" dagdag ni Cassie.
"Ipapakasal nya ko sa taong di ko mahal? At di ko pa nakikita? Nababaliw na sya!" Sabi ko.
"Pero diba gusto mo ng mala fairytale love story? Ito na yung chance mo, parang nangyari sa ibang princesses na nameet lang ng isang beses yung isang prinsipe eh kasalan agad ang sunod" sabi nya then I laugh
"Iba sa real life, hindi naman pwedeng papakasalan mo yung taong never mo pang nakasama, nakita at nakilala. tsaka pano mo naman masasabing happy ending yung mangyayari sakin tulad nung kila Cinderella" Sabi ko
"Sabagay" sabi nya
"Oo gusto ko ng happy ending, pero alam ko sa sarili ko na pag tinangggap ko yung plano ni mom, di ako magiging masaya, tsaka ayoko ng pinapakelaman ang buhay ko, ayoko ng kinocontrol nya ko" sabi ko
"Sorry na" sabi nya at niyakap ako
"Whatever your decision is, I'm always here for you" sabi nya. Aww! that's why I love this girl, because she love me?.
"May customer" sabi ni Cassie
"Ako na kukuha ng order" sabi ko at dali daling lumakad para lumapit sa customer, pero mula sa paglalakad ay di ko namalayan na muntikan akong mabangga sa isang lalaki na nasa harap ko, mabuti na lang napigilan namin ang isa't-isa.
nakatingin ako sa kanya at ganun din sya sakin, napatitig ako sa kanya kasi ang gwapo nya, ang tangkad, *dugdug* ? wait my heartbeat is beating so fast. Weird ? pero I felt like I met him before
Mula sa pagtitig ko sa kanya ay napansin kong napatingin sya sa baba. Nanlaki yung mata nya bigla kaya napatingin din ako sa tinitignan nya, at mas nanlaki yung mata ko nung makita kong nakahawak ang dalawa nyang kamay sa DIBDIB KOOO?!!! ?
"Wahhhhhhhhhh" sigaw ko. agad akong napaatras at tinakpan ko ang dibdib ko gamit ang nga kamay ko
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa mga nangyayari ngayon. Lumapit ako sa kanya at pinaghahampas sya ng dalawang kamay.
"BASTOS KA! BWISET KA! WALA KANG GALANG SA BABAE!!! MANYAK KA!!!" galit na galit kong sabi habang patuloy parin ako sa pag hampas sa kanya.
"Sorry miss sorry" sabi nya habang pilit na iniiwasan ang bawat hampas ko
"SIRAULO KA! LOKO KA! MANYAK KA! BASTOS!!!!!!" Galit ko paring sabi.
"Hyeri tama na yan" awat ni Cassie at hinawakan ako.
"HOY IKAW LALAKI!!! BASTOS KA! ANG DAMING PWEDENG HAWAKAN, DIBDIB KO PA?!!!!" sigaw ko habang galit na galit
"Hoy miss grabe na yung sinasabi mo huh! Tsaka for your information hindi ako manyak!" Sabi nya at napahawak sya sa braso nya na nalamog ko?
"Bagay lang sayo yan!" Galit kong sabi
"Di mo ba alam na kung ano pwedeng mangyari kung di ko nahawakan yan" sabi nya sabay tingin sa dibdib ko na tinakpan ko ng kamay ko.
"aba g*go ka pala eh!" Sabi ko
"Kung di ko nahawakan yan, baka di ko napigilan na mabangga ka, mas masakit kung bumagsak ka" sabi nya na mas kinainis ko
"Teka!? So parang sinasabi mo na need ko pang mag thank you?" Tanong ko
"Tsk! Di naman yu-" sabi nya pero di ko na sya pinatapos dahil hahampasin ko na sana sya ulit nung bigla syang umatras.
"Okay, sorry! Di ko sinasadya!" Sabi nya at agad na lumabas.
"*Sigh* ang pogi nya" narinig kong sabi ni Cassie kaya agad akong napakunot noo at tumingin sa kanya. Sya naman ay nakatingin parin sa pinto
"Anong pogi? H-hindi ah" sabi ko, nakakainis!
"Hindi daw, sus!" Sabi ni Cassie pero di ko na lang sya pinansin dahil pumunta na ko sa kitchen, nakakahiya, ang daming nakatingin sakin.
---
Gabi na, nasa apartment na ko, nakahiga sa kama ko at iniisip yung mga pwedeng mangyari bukas. *Sigh* first day of school na pala tomorrow.
*Cellphone ringing*
Tinignan ko yung phone ko kung sino yung tumatawag, at nung makita ko kung sino, ay mas pinili kong patayin na lang ang phone ko. *Sigh*
I decided na matulog na dahil maaga pa kong gigising dahil first day of school nga, ipinikit ko na ang mata ko, pero bigla rin akong dumilat nung makarinig ako ng isang malakas na tugtugan mula sa baba nitong apartment ko, tsk! Wahhhhhhh bat ba gabi sila nagpapatugtog? Aishhh!
Nasa 3rd floor ako nitong building at nitong mga nakaraang araw napansin kong may bagong tenant sa 2nd floor, at simula nung lumipat sya dito, di na ko makatulog ng maayos?
"Gabi na, dapat natutulog na kayo!!!" Sigaw kong sabi, inis na inis na ko eh. Aishhh as if namang may makarinig sakin, tsk!
Actually 1 month pa lang akong nakatira sa apartment na 'to, I chose this because malayo sa bahay namin.
Nagsimula akong lumipat dito after I celebrated my 18th birthday, kasi nung araw nung birthday ko mismo inanunsyo ni mama yung about sa kasal ko sa anak ng bestfriend nya nung highschool na ngayon ay business partner nya sa negosyo nya.
Umalis ako sa bahay kasi I want to be alone, I want to rest, I want a freedom and I want a peaceful place na walang pwedeng kumontrol ng buhay mo. Besides, this is my life, my own life, and I'm the one who can only decide whatever I want to do, lalo na't alam kong hindi naman ako magtatagal dito sa mundo, I mean, di natin masasabi ang mga pwedeng mangyari, kaya hanggat may time ka, do what you want and live free.
---
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Agad akong bumangon at umunat. Ginawa ko na ang morning routines ko, like breakfast, maligo, at mag-ayos para sa unang araw sa college life ko.
*ring ring* naririnig kong tunog mula sa cellphone ko, kinuha ko iyon mula sa bag ko at agad na sinagot ang isang tawag.
"Good morning Hye!" Bungad agad ng iisang taong nagmamahal sakin, ang bestfriend ko.
"Mukhang excited ka Cassie huh!" Sabi ko
"Of course, kasi for sure marami akong mamimeet na boys!" Sabi nya mula sa kabilang linya.
I don't know kung paano kami naging closed ng babaeng 'to sa isa't-isa, kasi we have a lot of differences to each other, like madaldal sya, tahimik ako, extrovert sya, introvert ako but I always like to make friends, actually I'm always the one who approach others para lang makilala sila, at higit sa lahat, mahilig sya sa boys, I mean, marami na syang naging boyfriend, and ako? I'm NBSB guys!?
"Asan ka na ba huh? Nasa school na ko!" Sabi nya
"Aga huh!, Sorry, nasa apartment pa ko" sabi ko
"Huh? Ang bagal mo naman" sabi nya
"Sa pagkakaalam ko, 9:00 am po ang start ng student orientation, 7:46 am palang ho oh!" Sabi ko
"Ayy hehehe, serey!" Sabi nya
"Sige na aalis na rin naman ako, pupunta na ko dyan" sabi ko
"Sige ingat, I love you!" Sabi nya. Look how sweet she is?... that's why I love her.
"I love you too Cas" sabi ko and I ended the call.
Inayos ko na yung mga gamit ko then I doubled checked it kasi baka may malimutan ako.
---
Nasa waiting station ako dito sa kanto sa lugar ng apartment ko, I standing here while waiting sa jeep.
Maya-maya pa ay may jeep na, and nag sign yung driver sa daliri nya ng dalawa, meaning, dalawa pa yung pwedeng makasakay. Lumakad na ko papunta sa jeep, and aakyat na sana ako para sumakay nung bigla akong nagulat ng biglang inunahan ako ng isang lalaki na naka ALL BLACK? From head to toe ALL BLACK. Shirt, Bag, Shoes and etc... Sumakay na rin ako after him, nakaupo pa sya sa harapan ko,
tsk! Kala mo naman kung sino 'tong lalaki na 'to para unahan akong sumakay, aishhh! Di nya ata alam yung linyang "LADIES FIRST" tsk!. -sabi ko sa isip ko
Nakasuot si kuya ng mask, at syempre color black din, yung totoo? Is he a gangster?, never mind?.
"Bayad po, isa pong South Miranda University, studyante" sabi ko at inabot ang bayad kong 10 pesos.
Napansin kong napatingin sakin si kuya ALL BLACK after kung magbayad, at nakita ko na parang nanlaki pa mata nya na akala mo ay nakakita ng multo, pero mas nagulat ako na dahilan ng pagkatingin ko sa kanya nung makita kong nagbayad sya at sinabing...
"Bayad, South Miranda University"
So same school kami huh...
Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na ko sa tapat ng South Miranda University, sa pagbaba ko ay bumaba rin si kuya na naka ALL BLACK, nauna syang pumasok sakin sa gate at sumunod na rin ako.
Sa pagpasok ko ay namangha ako, sobrang lawak kasi ng eskwelahang ito, ang laki ng bawat building, at lahat ay puro hanggang 10th floor.
Naglakad lakad ako habang patingin tingin sa paligid ng school na 'to, ang ganda, para akong nasa isang FAIRYTALE LAND. Maraming puno sa paligid, bulaklak at mga paro-paro? Gosh mga paro-paro nga. Well di na siguro kataka taka kung bakit maraming paro-paro, sobrang sigla kasi ng mga puno at bulaklak sa paligid.
This is the first time na nakita ko 'to in person. Sa online lang kasi ako nag-enrol cause I don't have much time before.
*phone ring* nung marinig kong nag ring ang phone ko ay kinuha ko iyun sa bag and at napasimangot na lang ako nung makita ko kung sino ang tumatawag. Hindi ko sinagot, hinayaan ko lang na kusang mamatay yung tawag na 'yon, at maya-maya pa ay nakatanggap ako ng text.
FROM: HER
[Samara, I've called you many times but you didn't answering my calls. Please pick it up.]
Nung mabasa ko yan ay tumawag syang muli, and this time, sinagot ko na.
"What? I mean why? Why did you call me?" Cold kong bungad sa kanya.
"Samara I really really miss you, please come back" sabi nya sa kabilang linya.
"You want me to come back home for what? To control my life? again!!!" Galit kong sabi
"I'm your mother so I have the right to do that, so give me your address then I'll pick you up there, pupunta tayo sa school na gusto ko para sayo, dun ka nababagay mag-aral kas-" I ended the call kahit di pa sya tapos mag salita, nakakainis talaga sya.
"Hyeri!" Tawag sakin ng isang familiar voice kaya tumingin tingin ako sa paligid, at napangiti ako nung makita ko syang kumakaway sakin, kumaway din ako at lumapit na sa kanya.
"Bakit ba kailangan mong isigaw pa ang name ko" sabi ko at kumunot noo sya.
"Shunga teh!? Pano mo ko maririnig? *Laugh* ano kumaway lang ako?" Sabi nya at kumaway gaya ng ginawa nya kanina, hahaha. Oo nga naman pano ko sya makikita kung kakaway lang sya.
"Bat ba ang tagal mo?" Tanong nya
"Sorry, she called me kasi" sabi ko na kinatingin nya sakin at binigyan nya ko ng isang look na MAMA-MO? at nag nod ako to say yes.
"Nangungulit lang sya na bumalik na ko sa bahay" sabi ko habang naglalakad kami.
"Tapos?" Tanong nya
"Syempre di ako pumayag, ayokong macontrol nya ang buhay ko" sabi ko
"Yan ang bestfriend ko, palabarn!" Sabi nya na may malaking ngiti sa mukha.
"San na ba tayo pupunta?" Tanong ko
"Dun tayo pupunta" sabi nya
"Anong meron dyan?" Tanong ko
"Mag fifill-up ng profile form sa course department natin" sabi nya
"Course department?" Tanong ko
"Oo, dahil Business Management ang course ko, dun ako sa Business and Related Courses Department" sabi nya
"Magkahiwalay tayo?" Tanong ko
"Oo, sa College of Education Department ka" sabi nya na kinalungkot ko, magkahiwalay kasi kami, gusto ko kasi na lagi ko syang kasama.
"Don't worry, kaya mo yan" sabi nya, I smiled at nag nod.
"Tara na!" Sabi nya.
Agad na kaming pumunta dun sa place kung saan need naming mag fill-up ng profile form, sa kada pwesto ng department ay may mga senior students na silang nagbibigay ng form sa mga freshmen. Pano ko nalamang senior sila? Nakita ko sa Id nila. SENIOR CITIZEN joke haha ?
"Hyeri! Punta muna ko dun huh! Nandun kasi yung Business and Related Courses Department" sabi ni Cassie at nag nod na lang ako.
"I'll call you later" sabi nya at umalis na.
Naglakad lakad muna ako para hanapin ang College of Education Department, sa paglalakad ko ay pakiramdam kong may mga tumitingin sakin kaya nakakaramdam ako ng hiya. Feeling ko may mali sa suot ko, or may dumi sa katawan ko. Tsk!
Nakita ko na ang College of Education Department, at agad naman akong lumapit dun.
"Good morning po, I'm Hyeri Castillo" pagpapakilala ko pero napansin kong nakatingin lang sila sakin.
"M-may problema po ba?" Nautal kong tanong.
"Huh? Ayy sorry" sabi nung isang babae. Apat silang tao dito sa College of Education Department, dalawang babae at dalawang lalaki.
"Here's your profile form, then after mong masulatan yan, pakibalik na lang dito, and this is your ID" sabi naman nung isang babae
"Thank you po" sabi ko at umalis na. Pumunta muna ko sa isang bench na nasa tabi ng isang malaking puno, at don ay nag fill-up ako ng form. Isinuot ko na rin ang ID na bigay nila kung saan nakalagay ang College of Education Department at ang word na FRESHMAN. Dahil tapos na kong mag fill-up ay lumapit ako ulit para ibigay 'tong profile form ko.
"Salamat, later magsisimula na yung student orientation, pero before yun, dun ka muna mag stay kasama yung ibang students na nasa Education Department" sabi nung isang babae sabay turo dun sa mga studyanteng nagkukumpulan. Ngumiti na lang ako sa kanya at lumakad na palapit sa tinuro nya.
Lumapit ako sa mga kadepartment ko, nakatingin lang ako sa kanila habang nagdadaldalan sila.
Sa pagtitig ko sa kanila ay bigla silang napatingin sakin, na kinagulat ko, tsk! Naramdaman siguro nilang nakatitig ako sa kanila.
"Hi!" Bati ko
"Freshman?" Tanong ng isang babae na matangkad, maputi at maganda.
"Y-yeah! I'm freshman, I'm Hyeri Castillo" nautal kong sabi sabay pakita ng ID ko.
"Welcome to College of Education Department!" Sabi nung isang babae na mahaba ang buhok, may bangs at maganda
"Secondary ka or Elem?" Tanong ng isang lalaki
"elementary major in special education" sagot ko.
"By the way I'm Suzy Estrada, I'm 1st year college student of Secondary Education major in English" pagpapakilala nung babaeng matangkad, maputi, at maganda.
"Ako naman si Chloe Villanueva, freshman also, and same with Suzy I'm taking secondary education major in english" sabi nung babaeng may bangs.
"and I'm Jerwin Lee, I'm freshman taking business management" sabi nung lalaki na nagtanong kung secondary or elem ang kinukuha ko.
"business management?" Tanong ko
"Nandito lang yan para manggulo" sabi ni Chloe
"Uyy grabe sya! Boyfriend kasi ako ni Chloe that's why I'm here" sabi ni Jerwin.
"Nga pala, magkakakilala na kami simula nung highschool kami" sabi ni Suzy
"Ahh kaya pala" sabi ko. Kaya pala close na close na sila sa isa't-isa.
"Hey guys!" Sabi ng isang lalaki na kararating lang.
"Hyeri this is Calvin Martinez kaibigan din namin and freshman din sya, at nasa Business Department sya" sabi ni Suzy
"Hello, ako si Hyeri" sabi ko
"Ang ganda nya" sabi ni Calvin na kinagulat ko, at nakatitig sya sakin.
"Oo nga eh, you know what Hyeri I envy you, ang ganda mo kasi, simple ka lang pero ang lakas ng dating" sabi ni Chloe
"Nako hindi, actually mas maganda ka" sabi ko na nahihiya pa.
Maya-maya pa ay napansin ko yung ibang student na nagdadatingan na at pati yung babaeng nagbigay sakin ng form ay pumunta sa harapan namin at meron syang dalang megaphone.
"Listen Education students, to all the freshmen, welcome to College of Education Department" bati nya at nagpalakpakan ang lahat.
"I'm your senior and department president, I'm Lara Dela Cruz, so dahil magsisimula na ang school orientation, lahat ay pinapapunta na sa theater hall"
"Guys! Follow me" sabi nung isang babae na kasama nya kanina nung kumuha ako ng form.