Hyeri's POV
Nasa café na kami ni Cassie, syempre I need to work. Yung time ko dito ay ginawa kong 5 pm to 10 pm, buti na lang pumayag si Cassie.?
"So guys here's your order" sabi ko sabay lapag ng mga order nila sa mesa. Nakapwesto sila dito sa couch.
Sa isang couch magkatabi si Chloe at Jerwin pati si Suzy, sa isang couch naman na katapat nila Chloe ay nakaupo si Calvin at Cassie.
"I love manggo graham cake" sabi ni Chloe sabay subo ng order nya.
"Is it delicious?" Tanong ko sabay upo sa tabi ni Cassie.
"Super! Ang yummy" masayang sabi ni Chloe habang may laman ang bibig.
"Wow! Your chocolate cake is so good huh!" Sabi ni Suzy na tinikman yung chocolate cake nya.
"I'm happy na nagustuhan nyo" sabi ni Cassie
"Sino gumagawa ng drinks like coffee and mga dessert nyo dito?" Tanong ni Jerwin
"I think si Hyeri, am I right?" Sabi ni Calvin at naramdaman kong tumahimik ang lahat. Napatingin ako kay Cassie and nakita ko na lumungkot ang mukha nya.
"Actually you're wrong. Si Cassie lahat ang gumagawa nyan, that's why I envy her, cause she's clever than me pagdating sa pagluluto, at sa pag manage ng negosyo" sabi ko habang nakatingin kay Calvin. At napatingin ako kay Cassie na nakangiti sakin.
"Really? You're amazing Cassie" masayang sabi ni Calvin.
"Thanks" sabi ni Cassie at naramdaman ko na parang wala syang gana sa sagot na yun.
"So Hyeri, until what time yung duty mo dito?" Tanong ni Jerwin
"Ahh, hanggang 10 pm" sabi ko
"Delikado na yung time na yun ah, nako you need to be careful" sabi ni Chloe
"Oo nga naman Hyeri, kung gusto mo ihatid kita mamaya, what do you think?" Sabi ni Calvin. Nagugulat ako sa mga lumalabas sa bibig ni Calvin kaya di ko tuloy mapigilan tanungin ang sarili ko. Why he is so nice to me?
"No thanks, kasi kaya ko naman sarili ko, and besides hinahatid ako ni Cassie using her motorcycle" sabi ko at pagmamayabang ko about Cassie. I have feeling na nagtataka rin si Cassie kasi sobrang nice sakin ni Calvin
"Wow! You know how to ride a motorcycle?" Manghang tanong ni Calvin. Gusto ni Cassie si Calvin, that's why I want to help her para mapansin sya nito. Gusto kong maging masaya ang kaibigan ko kaya gagawin ko lahat.
"Kelan ka natuto?" Tanong ni Suzy
"Nung 15 years old ako" sagot ni Cassie
"From now on Idol na kita Cassie" sabi ni Chloe na kinatuwa naman ni Cassie
"You're cool huh" sabi ni Calvin habang nakatingin sya kay Cassie.
———
Nakauwi na sila Chloe, Jerwin, Suzy at Calvin, at ganun din si Cassie. Nakarating na ko sa tapat ng building ng apartment ko. Mula sa paglalakad ay napahinto ako nung biglang lumabas mula sa room 101 ang landlord namin.
"Hyeri, magandang gabi" bati nya sakin. Ngumiti at binati ko rin sya.
"Magandang gabi din po ate Melissa"
"Buti na lang nasalubong kita, dapat pupunta na ko sa room mo eh" sabi nya
"Ahh ganun po ba, ate Melissa about po ba sa renta? Nako sorry po" sabi ko
"Hindi yun, okay lang yun ano ka ba" sabi niya
"Salamat po" sabi ko
"Hyeri, may iooffer sana ko sayo" sabi nya
"Ganun po ba? Ano po yun?" Tanong ko
"Yung anak ko kasing si Gio gusto kong bigyan ng tutor" sabi nya
"Si Gio po? Nasa grade 1 na po sya diba?" Tanong ko.
"Oo Hyeri, busy kasi ako sa work ko sa office, yung papa nya naman nasa ibang bansa para asikasuhin yung negosyo ng pamilya namin, ipapakiusap ko sana kung pwede mo syang itutor?" Sabi niya
"Okay lang po sakin" sabi ko
"Talaga? Salamat huh! Don't worry I'll pay you" sabi nya
"Wag na po" sabi ko
"Hindi pwede, kailangan kitang bayaran" sabi nya
"Salamat po, pero kelan ko ba sya itututor?" Tanong ko
"Kung pwede sana sa sabado at linggo" sabi nya
"Okay po yun sakin" sabi ko
"Salamat huh!" Sabi nya.
Mula sa pag-uusap namin ni Ate Melissa ay napalingon kami at napatingin kami sa lalaking paakyat ng hagdan, sya yung lalaking bagong lipat sa room 203 na ang lakas magpatugtog at pansin kong lagi syang nakasumbrero at may mask, at parang nakita ko na sya pero di ko matandaan kung kelan at saan.
"Ate Melissa buti po di nyo pinapalayas yung nakatira sa room 203" sabi ko
"Bakit?" Tanong nya
"Sobrang lakas po kasi magpatugtog sa gabi eh" sabi ko
"Talaga? Wala naman kaming naririnig" sabi nya
"Pero sobrang lakas po" sabi ko
"Ahh siguro kasi nasa baba ng room mo yung room 203 kaya sobrang lakas ng tunog pagdating sayo" sabi nya. Baka nga ganun, nasa baba ko kasi ang room nya, syempre maririnig ko talaga yung patugtog nya.
"Don't worry, pagsasabihan ko sya" dagdag ni ate Melissa
Matapos ang usapan namin ni ate Melissa ay umakyat na ko papunta sa 3rd floor kung nasan ang room ko, pero habang papunta ako sa room ko ay nakita ko na naman yung dalawang mag jowa na naghahalikan sa tapat ng pintuan ng room nila.
Tsk!? Ano ba namang buhay to oh, di talaga sila makatiis, *sigh*
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad na kunwari ay walang nakikita. Nang makarating ako sa tapat ng room ko ay agad akong pumasok at isinara ang pinto. Hanggang sa pag higa ko ay di mawala sa isipan ko ang mga nakita ko, the way they kissed each other at the way na hawakan nila ang isa't-isa. I'm curious kung anong feeling ng ganun, tsk! Bat ko ba iniisip yung mga ganun? Aishhh!!!
Narinig kong tumunog ang cellphone ko, kinuha ko iyon and I received a text message from her.
From: Her
[I have a meetings with my business partners, and I also have a business trip tomorrow so I'm sorry Samara kung di kita masasamahan ulit para sa death anniversary ng papa mo]
Nung mabasa ko yun ay nainis lang ako, kaya I decided na replyan sya.
To: Her
[Kelan ba kita nakasama tuwing death anniversary ni papa? You're always busy, at lagi mo ng ginagawa yan, so don't say sorry, I'm used to it]
Di ko na mapigilan ang pagpatak ng luha ko tuwing naaalala ko ang papa ko. He died when I was 9 years old and I blamed myself for that. He died because of a car accident, simula nung nawala sya, nawala na rin lahat ng kasiyahan ko, napalitan lahat ng lungkot.
Si Mama naman, simula nung mamatay si papa, naging busy na sya sa negosyo nya, wala na syang time na binibigay sakin, at hindi ko na nararamdaman yung pagiging ina nya, that's why I named her at my phone na HER imbis na MAMA, kasi she don't deserve to call mother, mommy, mom, nanay, ina or even mama, kasi di nya naman kayang gampanan yun. Galit na galit ako sa mama ko, kasi binabaliwala nya na ko, at mas nagagalit ako sa kanya simula nung kinocontrol nya na ang buhay ko. Gusto nya kong ipakasal sa anak ng business partner nya, sa taong never ko pang nakita, di pa nakikilala, see? She's a bad person, a bad mother who stole her daughter's freedom, piece and happiness.
*****
Author's POV
"How's your mom?" tanong ni Calvin sa kaibigang si Jerwin
"Oh come on, please don't ask me about that" sabi ni Jerwin at uminom ng beer.
Nandito si Calvin sa bahay nila Jerwin at kanina pa sila umiinom ng beer dito sa sala.
"Nasabi mo na ba kay Chloe?" tanong ni Calvin
"Not yet" maikling sagot ni Jerwin na mukhang problemado
"So what's your plan?" tanong ni Calvin
"Wait, let's change the topic... The girls and I have feeling that you like Hyeri" sabi ni Jerwin
"Haha, you guys know me well talaga" nakangiting sabi ni Calvin
"So it's true" natatawang sabi ni Jerwin at nakangiti lang si Calvin
"I think the what we called love at first was true" nakangiting sabi ni Calvin
"So what about Suzy?" tanong ni Jerwin
"She's a like sister for me" sagot nya
"A sis--" di na natuloy ni Jerwin ang sasabihin nya ng makita nilang nakatayo si Suzy sa pintuan
"Kanina ka pa?" kinakabahang tanong ni Calvin kay Suzy.
"No, kakarating lang" sagot ni Suzy with a smile
"Where's Chloe?" tanong ni Jerwin
"I'm here!" pasigaw na sagot ni Chloe habang nakatayo sa pintuan.
"Tita Georgia is here din" dagdag ni Chloe at lumabas muli. Sa pag pasok nya ay kasama nya ang mama ni Jerwin
"Mom, why are you here? I thought you're in a business trip?" seryosong tanong ni Jerwin
"Its look like you're not happy that I'm here" nakangiting sabi ni Georgia sabay tingin kay Chloe
"Did Jerwin-" di na natuloy ni Georgia ang sasabihin nya nung biglang nag salita si Jerwin
"Yes mom, I al-already told her" nautal na sabi ni Jerwin sabay tingin nya kay Chloe at binigyan nya ito ng isang look na nagets naman agad ni Chloe
"Oh about the celebration?" masayang tanong ni Chloe
"Yeah!" sagot ni Jerwin
"It seems like you're okay with that" sabi ni Georgia
"Of course tita, and I'm happy for Jerwin" masayang sabi ni Chloe na kinagulat ng mama ni Jerwin.
"Bro, just tell her immediately" bulong ni Calvin
"I know" napalakas na sagot ni Jerwin
———
"Are you okay?" tanong ni Calvin kay Suzy. Nandito parin sila sa bahay nila Jerwin. Nasa sala sila at si Jerwin at Chloe naman ay nasa kwarto.
"Of course, why?" seryosong tanong ni Suzy sabay kain ng potato chips
"Penge" sabi ni Calvin
"Get your own" cold na sabi ni Suzy
"Haysss, don't eat too much" nag aalalang sabi ni Calvin
"As if he has a care" cold na sabi ni Suzy
"Of course, what are friends for if I don't have care about you and your health" sabi ni Calvin
"Okay BROTHER!" sabi ni Suzy and nag walkout.
———
"I'm so excited for that celebration" masayang sabi ni Chloe na nakahiga sa kama ni Jerwin
"Bakit?" tanong ni Jerwin na nakapwesto sa study table nya
"Anong bakit? Of course I am happy because you're going to be the next vice-president of your company" masayang sabi ni Chloe at bumangon ito para lapitan si Jerwin.
"Mahal na mahal kita" seryosong sabi ni Jerwin kay Chloe
"Why are you so serious?" nag tatakang tanong ni Chloe
"Kiss me love" sabi ni Jerwin sabay nguso kay Chloe.