ES14: Bathroom

1213 Words
Kristine POV Matapos kong na-arrange ang mga essential oils, nag-unpack na ako ng aking mga gamit na nasa maleta. Sandali lang naman iyon at pagkatapos, naglinis na ng katawan at natulog kaagad ako. ******* Hindi pa man tumutunog ang aking alarm sa cellphone, nagising na ako. Naligo kaagad ako at ngayon ko lang naramdaman ang muscle pain. Cold shower ang ginawa ko lalo pa at saktong di pa sumisikat ang araw. Nagbihis na kaagad ako at bumaba na sa kusina. Dalawang baso muna ng warm water ang aking ininom at sandaling lumabas para magpaaraw. Nang tinignan ko ang aking wristwatch, eksaktong alas sais na. Umakyat ako pabalik sa ikalawang palapag. kumatok ako sa kwarto ni Sir Errol para i-check siya. Bumungad sa akin ang kagigising lang na si Sir Errol. “Good morning Sir,” bati ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at inalalayan siyang bumangon. “Good morning, Kristine. Bakit ka pa nagpunta rito? Kaya ko naman ang sarili ko,” ani Sir Errol. “Bilin po ng doktor na dapat mag-ingat kayo. Mas hindi kayo gagaling kapag napwersa ninyo ang inyong sarili. Sige na po at kailangan ko kayong alalayan papuntang banyo.” Ako na mismo ang nagbaba ng comforter kay Sir at kinuha ang kanyang mga kamay para isampay iyon sa aking balikat. Napatingin siya sa akin at tumirik ang kanyang mata. “Ay si Sir, nahihiya pa! Trabaho ko nama po ito. Sige na po at kailangan n’yo pa ang light exercise.” Tumayo na ako at dahil hindi pa talaga kaya ni Sir Errol ang bumangon, bumagsak ako sa ibabaw niya. Namilog ang aking mga mata at kaagad na umalis sa kanyang ibabaw. Lintek ka self! Mukhang mas malaki pa ang magiging pinsala mo sa amo ah! “Naku! Sorry talaga Sir! Hindi ko sinasadya!” Gusto ko na lang talaga magtago sa ilalim ng lupa at maging kamote sa kapalpakan ko. Itinaas ni Sir Errol ang kanyang mga kamay. “It’s okay, Kristine. Let’s try it again.” Kaya, bago ko pa ulit in-attempt na alalayan siyang tumayo, nagbilang kami ng hanggang tatlo ng sabay. Naging maayos naman ang pagtayo niya at dahan-dahan kong inalalayan siya hanggang sa pinto ng banyo at sak ko naalala ang kanyang pamalit. “Sir, ako na po kukuha ng pamalit ninyo. At saka, huwag muna po kayo mag-umpisa maligo. Kailangan po ng upuan at doon kayo maliligo para hindi masyadong ma-strain ang inyong balakang,” nag-aalala kong turan. “Hindi na kailangan ang stool sa loob ng banyo ko at may upuan naman sa hower area. Kumuha ka na lang ng stool tapos ikaw na bahala pumili ng isusuot ko. Balikan no ako after fifteen minutes. Believe me Kristine, I can manage. Naoperahan lang ako at hindi imbalido kaya, stop our worries, okay.” Kaya, inalalayan ko na siyang pumasok sa kanyang banyo. True to his words, maganda nga ang kanyang banyo. Mas malaki ang bathtub nito na kasya yata ang dalawang katao. May upuan din sa shower area at may glass partition din ito mula sa kubeta at sa bathtub. Lumabas na ako ng banyo at pumunta sa kanyang walk in closet. Naghalungkat na ako sa kanyang mga gamit at napangiwi ako nang makita ang kanyang boxer shorts na extra large ang size. OMG! Siguro ang laki talaga ng british sausage ni Sir Errol kapag galit! Napailing na lang ako sa kahalayan ng aking utak. Dati naman ay kahit halos maghubad ang mga kliyente ko sa aking harapan ay walang epekto sa akin. Labag sa aming propesyon ang magkaroon ng kaugnayang sekswal sa mga kliyente siyempre pa, kaya iniingatan ko rin naman ang aking certificate. Sa daming naghuhusga sa uri ng trabaho namin, ayaw kong patotohanan na nag-ooffer nga ako ng extra service. Pero kaninang nasa ibabaw ako ni Sir Errol ay hindi ko mawari ang kaba ko. Kung hindi lang talaga sa bagong opera ang amo ko ay baka hinalikan na niya ito, pero nakakahiya siguro kapag ganoon ang ginawa ko. Umayos ka Kristine! Huwag ka muna lumandi at saka mo na isipin iyan kapag tinitigasan na siya ulit! Dali-dali akong lumabas sa closet at bitbit ang kanyang mga pamalit, inilapag ko muna iyon sa higaan ni Sir Errol. Lumabas na ako ng kanyang kwarto at bumaba sandali. Pumunta ako sa storage roon at kumuha ako ng isang puting monobloc chair. Binitbit ko ito at umakyat na pabalik sa kwarto ni Sir. Binalikan ko ang kanyang damit at sabay kong inilapag ang mga iyon sa monobloc chair na dala-dala ko. Five minutes ng nasa shower si Sir Errol at hindi pa advisable sa kanya ang magbabad sa shower ng matagal at baka bumuka pa ang kanyang tahi. Sandali muna akong lumabas ng kwarto ni Sir Errol at pumunta sa kwarto ko para doon na hintayin matapos ang kanyang pagligo at pagbihis. Humiga ako at itinaas ang aking kamay at inaabangan ang bawat sandali hanggang nangawit na ang aking braso. Time is up! Ten minutes na at kung kailangan kong katukin si Sir Errol sa banyo ay gagawin ko. Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Sir at saka nang walang sumagot pumasok na ako. Wala na akong marinig na lagaslas ng tubig mula sa shower. Pipihit na sana ako para lumabas nang marinig ko ang isang daing. Nanlaki ang aking mga mata, hindi na ako nakapag-isip ng matino at kaagad kong binuksan ang pinto ng banyo. Nahilakbot ako nang makita ko si Sir Errol na nakahandusay sa sahig at namilipit sa sakit. Hinamig ko ang aking sarili at kinuha ko kaagad ang nakasabit na tuwalya. Tinakip ko sa kanyang harapan ang tuwalya at kaagad kong ipinulupot iyon sa kanyang baywang. “Sir, okay lang po ba kayo?” Inalalayan ko siya na makatayo. At para hindi kami ma-outbalance, nagbilang muna ako ng tatlo. Swabe naman ang pagbangon ko kay Sir. Hinayaan niya akong ayusin ang tuwalyang nakapulupot sa kanyang baywang habang nakakapit siya sa aking balikat. “Sir, kaya n’yo po maglakad?” tanong ko. Nang tumango si Sir, dahan-dahan siyang humakbang at hinanda ko ang sarili ko kung sakaling tumamba kami. Abot langit ang aking panalangin na sana ay kayanin niyang maglakad hanggang sa kama niya. Sa wakas narating namin ang kanyang kama ng hindi siya natatapilok. Lalabas na sana ako para sabihin kay Ma’ama Rosemarie ang nangyari ngunit pinigil niya ako. “Kristine, please don’t tell my mother. Ayaw ko na mag-alala siya sa akin,” malumanay na pakiusap ni Sir Errol sa akin. Nabitin sa ere ang aking kamay na hahawak na sana sa seradura. Napalingon ako kay Sir Errol at napayuko. Dahan-dahan akong pumihit at hinarap siya. Bigla akong tinubuan ng hiya sa pagiging pala-desisyon ko. Lumapit ako kay Sir Errol at pinagmasdan ang kanyang malungkot na mukha. "Please stay and help me dress up. May pag-uusapan tayong mahalaga mamaya. At sana pagkatapos kong mailahad ang plano ko ay manatili itong sekreto sa pagitan nating dalawa," ani Sir Errol sa akin. Kaya, inalalayan ko si Sir na magdamit. Buhat sa pagsuot ng kanyang boxer, jogger pants at sa kanyang simpleng tshirt. Tumayo na siya at nang akma ko siyang aalalayan pinigil niya ako. Pumunta siya sa kanyang walk in closet at may kinuha. Kaagad siyang bumalik at may dala siyang papel at ballpen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD