Kristine POV Naalimpungatan ako dahil sa kumulo ang tiyan ko. Nagmulat ako ng mga mata at kaagad na tiningnan ang oras sa wall clock. Alas sais y medya na pala ng gabi kaya nakaramdam na ako ng gutom. Bumangon na ako at sumaglit sa banyo para umihi. Nagmumog na rin ako at naghugas ng kamay pagkatapos. Lumabas na ako sa aking silid at bumaba na sa hagdan. Naamoy ko na ang masarap na ulam buhat sa hagdan. Kaya nagmamadali na akong bumaba at tinungo ang kusina. “Mabuti at gising ka na. Nagbilin pa naman si Sir Errol at Ma’am Rosemarie na gisingin ka para sa hapunan,” sabi ni Aling Luding sa akin. “Bakit po ako pinagbilin? kunot noo kong tanong sa kanya. “May emergency lang sila sa opisina at urgent daw. Sige na umupo ka na at ipaghahain na kita ng pagkain,” anito. Wala na akong nagawa

