CHAPTER 27 Tahimik kaming lahat habang kumakain ng dinner dahil sa nangyari.Lihim akong napasulyap kay Izrael ganun din kay Leticia na mugto ang mata. Nang matapos sa pagkain ay nagsimulang magsalita si lola. "maari ko bang malaman ang nangyari?"walang gustong sumagot maging ang ama ko ay tahimik lamang. "I want to apologize. "napatingin kaming lahat kay Izrael. "iho.."nahihiyang baling ni lola sa kanya. "I was at fault ma'am..kinausap ko narin si Cia tungkol dito..kasalanan ko kaya binigyan ni Cia ng meaning ang ginagawa ko para sa kanya I'm sorry.."napatingin kami kay Leticia ng padabog nyang binitiwan ang kutsara. "Wala sana tayo sa ganitong sitwasyon kung di dumating ang babaeng yan..you see lola she's a poison here!"nanlamig ako ng tapunan nya ako ng masamang tingin. "Cia stop

