CHAPTER 22 Napalingon kami sa likuran namin ng makarinig kami ng gamit na nabasag.Natatarantang pinulot ni Samantha ang basag na baso kaya nasugatan sya.Napatingin ako kay Jin alam kong gusto nyang lapitan si Sam pero pinipigilan nya lang ang sarili nya. "Sam..ako na dyan.."napangiti ako dahil hindi nya natiis ang babaeng mahal nya. "halika at gagamutin natin ang sugat mo.."aya ko sa kanya at hinila ko sya sa sofa pero hinatak nya mula sa pagkakahawak ko ang kamay nya na ikinapagtaka ko. "ngayon lang kitang nakilala pero ikakasal na agad kayo?sino ka?"natigilan ako sa tangkang pagkuha muli ng kamay nya sa sinabi nya. Nagseselos ba ang isang ito? "ahm..ano kasi..nagkita na tayo dati sa amin..kung di ako nagkakamali kasama mo noon si Jacob yung pinsan ni Jin.."nanlaki ang mata nya. "i

