Last Trip: 02

2500 Words
10: 05 Pm nang huli kong tiningnan ang aking phone. Pahinto na rin ang bus na aking sinasakyan at ako ang huling pasahero na pababa sa pintuan. Nakapatay parin ang mga ilaw sa loob ng bus at sa aking pagbaba ay muli kong nalanghap ang malamig na simoy ng hangin. Malamlam lang ang ilaw ng poste sa lugar at halos wala nang tao sa paligid noong oras na iyon. Napansin ko rin na sinusundan ako ng tingin ni Mamang konduktor habang ako'y dahan- dahan na naglalakad palayo, tila hinihintay nya na lingunin ko rin siya. Pag-andar naman ng bus ay umakyat na ang konduktor. Nang makalampas ang bus na aking nasakyan ay pa simple akong humabol ng tingin sa konduktor na nagpalibog sa akin sa buong byahe. Tanging malapad na likuran lang ang aking natanaw. Kung ano- ano ba naman ang mga kalibugan na naiiisip ko nang gabing iyon. May pagkakataon pa na umasa ko na ihahatid ako ng konduktor pauwi at kung ano- ano pang kalaswaan. Lunes ng madaling araw ay bumiyahe na akong muli pa Balanga. Alas singko ang alis ng First Trip kaya medyo madilim. Nawala na sana sa isip ko yung mga nangyari noong nakaraang araw ngunit muli na naman itong nanumbalik sa aking isipan. Kahit iba na ang nasakyan kong bus nang araw na iyon ay umasa parin ako na sana sila nalang ulit yung nasakyan ko. Para makasight man lang sa barakong konduktor. Dahil nga doon, nitong mga nakaraang linggo ay madalas akong sumakay ng byaheng Last Trip pauwi sa Morong. Bakit ba? Sa gusto ko ulit makita si Crush eh, sa totoo lang isa siya sa mga inspirasyon ko para bumiyahe balikan kahit na mahihiluhin ako sa bus at sobrang nakakatamad ang dalawang oras na byahe. Isang buwan ang lumipas na halos malimutan ko na si Mamang konduktor at medyo naging busy na rin sa buhay studyante. May pagkakataon din na hindi muna ako umuwi sa Morong at buong linggo akong nagstay sa dorm kahit weekend dahil marami pa akong kailangang tapusin. Friday hapon, napag desisyunan ko at ng aking mga barkada na mag- stay sa SM sa tapat ng terminal dahil nairaos namin ang aming school project ng matiwasay. Deserved namin magrelax at ienjoy ang weekend. Gabi na rin nang magpaalam sila umuwi at ako naman ay nag diretso na sa terminal. Nakaalis na pala ang pang 6:30 Pm na byahe kaya yung pang Last Trip na naman ang aking masasakyan. Pumunta muna ako sa CR dahil ihing- ihi na rin ako sa paghihintay. Hindi ako sanay umihi sa urinal kaya kung may available na cubicle ay duon na ako pumupwesto para may privacy. Matapos kong umihi ay agad naman akong bumalik sa aking inuupuan nang matanawan ko ang nakaparadang bus pa Morong kaya nagdiretso na akong sumakay sa loob. Ang bus na pang Last Trip ngayon ay iba kesa sa inaasahan ko na darating kaya naman na dismaya ako. Iba rin ang driver, medyo matanda rin na nasa kanyang 30's, hindi katangkaran at pang- karaniwan rin ang hubog ng kanyang katawan. Pagsampa ko ng bus ay meron nang mga pasahero sa tapat ng mga bintana sa bandang harapan. Matik kasi na tapat ng bintana ang pwesto na madalas maokupa ng mga pasahero. Patuloy ako sa paglakad nang dali- dali akong pumunta sa natitirang bakanteng bintana sa dulo ng bus, yung pang tatlohan at sa likod nuon ay isang mahabang upuan na pang animan. Habang palapit sa bakanteng puwesto ay nakita kong may lalake na nakayuko sa ilalim ng upuan at may inilalagay ito na isang malaking galon ng tubig. Biglang tumibok ng mabilis ang aking puso nang makita ang pamilyar na hubog ng kanyang malaking katawan. "Pota! Si mamang konduktor! Tagal ko siyang di nakita pero mabilis nya parin akong napapakilig" "M- may naka upo na po ba?" mahina at kabadong tanong ko sa nakatalikod na lalake. Nakapatong ang isang braso nya sa upuan ng bus, nakaupo itong paluhod gamit ang isang tuhod. Yung parang magpo- propose ng kasal. Napalingon naman siya sa akin nang maramdaman nya na nakatayo ako tapat sa kanyang likod. Agad naman itong tumayo at nagpagpag ng kanyang kamay. "Ah, wala naman, Toy, bakante yang upuan sige umupo kana" seryosong sabi nito. Tulad ng dati ay hindi ito pala ngiti at malalim ang mahangin nitong boses. Sinundan ko nalang ito ng tingin habang ito ay bumababa ng bus para magtawag ng pasahero. "Ang yummy nya parin." sabi ko sa sarili kasabay ng ilang pagngiti. Masaya ako na makita ulit si Crush makalipas ang ilang buwan. Hindi parin nagbago ang nararamdaman ko rito. Marinig ko lang ang kanyang boses at makita ng malapitan ang kanyang mukha ay nalilibugan na ko at kung ano- ano nang kalaswaan ang pumapasok sa aking isip. Nagsimula nang umandar ang bus at katulad ng dati ay nagnanakaw parin ako ng tingin kay Mamang Konduktor. Ang aking mga pasulyap ay napalitan na nang pagtitig. Hindi talaga pangkaraniwan ang hubog ng katawan nito, ikinukumpara ko pa ito sa ilang mga lalaking pasahero ngunit yung sa konduktor ay malaki at malaman. Barakong- barako. Puting T-shirt parin ang suot nito at hapit sa kanyang katawan. Hindi man masyadong ukit ang mga muscles di tulad ng mga taong madalas sa gym ay maganda parin itong tignan. Matangkad na, lalaking- lalake pa. "Sarap siguro nya kayakap sa gabi" sa isip- isip ko habang ramdam ko ang pagkabuhay ng kapirasong laman sa aking harapan. Nagsimula nang maningil si Mamang Konduktor sa mga pasahero na naging dahilan naman para lalo ko pa siyang mapagmasdan habang palapit sa aking inuupuan. "Morong po, Studyante" sabi ko at kinuha nya na ang aking bayad. Sabik akong muli na maramdaman sa aking palad ang kanyang kamay sa mga oras na iabot nya sa akin ang aking sukli. Di ko lang pinapahalata pero libog na talaga ako nang mga oras na iyon. "Kuya! Bayad po Oh!" pagsingit ng isang magandang babae na agad namang ikinakuha ng atensyon ni Mamang konduktor. Kinuha nya ang bayad nito at sinuklian. Di maitago ng babae ang ngiti sa kanyang mukha. Tumango nalang ang konduktor at nagpatuloy na sa paniningil sa iba pang pasahero. "Lah! yung sukli ko?" bukang bibig na sabi ko sa sarili. Nakalimutan na yata ni Mamang konduktor na suklian ako. Buset din kasi yung sumingit na babae. Sampung piso lang naman ang sukli ko at madalas ko naman nang maranasan na hindi masuklian lalo na nga marami at punuan ang pasahero. Ayos lang naman sa akin yun, kaya lang Tangna! Hindi yung sukli yung habol ko eh! Badtrip ako buong byahe. Wala nang masyadong ganap ng gabing iyon. Parang normal na byahe lang rin kaya lang ang pinagkaiba ay busog ang aking mata sa kakasight kay Mamang Konduktor, kahit na kinalimutan nya ang sukli ko. Siguro mga nasa trenta na edad nito. Tulad ng dati ay pakonti na nang pakonti ang pasahero sa loob sasakyan habang palapit kami nang palapit sa Last Stop ng bus. Nanghihinayang man ay kailangan ko na rin bumaba maya- maya kahit na walang masyadong ganap sa amin ng konduktor di kagaya ng una naming pagkikita. Dahil sa likod ako nakaupo ay ako nanaman ang huling bumaba sa sasakyan. Sa gitnang parte ako ng pinto ng bus bumaba kung nasaan nakatayo ang konduktor. Pagdaan ko sa kanya ay nalanghap ko ang samyo ng kanyang katawan. Mabango at amoy lalake. Nakakalibog. Hindi pa ako gaano nakakalayo- "Toy! Teka, Sukli mo. Walang barya kanina eh" boses ng konduktor na agad ko namang nilingon. Medyo na touch ako dahil naalala nya pala. Parang napawi lahat ng pagkabadtrip ko kanina sa byahe. Nakatayo ako sa harap nya habang kinakapa nya sa bulsa ang mga barya. Sa mga oras na iyon ay lalo ko namang napagmasdan ay kanyang bakat na dibdib sa kanyang hapit na puting damit. Dahil higit na matangkad ito ay medyo nakatingala ako. Di ko namalayan na nakanganga na pala ako at medyo naglalaway na nakatitig sa katawan ng mamang konduktor. Agad naman akong mahimasmasan nang mag-salita ito. "Oh! eto yung sukli mo" sabi nito at inabot ko na ang barya sa kanyang kamay. Napansin ko na nakangisi itong umakyat sa loob ng bus. Naiwan akong nakatayo sa lugar kung saan walang gaanong tao sa paligid. Pilit kong sinasariwa ang mga pangyayari kanina na nagpalibog sa akin. Hindi ko na tanaw ang bus nang mapansin ko na may kapirasong lukot na papel ang nakasama sa barya na iniabot sa akin ng konduktor. "Benji Mercado. 0915- 880- 7061. Text ka lang ng "Hi!" para alam ko na ikaw yan" ang mga letra na nakasulat sa papel na labis naman na ikinabilis ng kabog ng aking dibdib. Bigla akong nalibugan at tinigasan sa aking nabasa. "s**t? TATOO BA? HINDI BA AKO NANANAGINIP?" mga tanong ko sa aking isip nang mga oras na iyon. Hindi ako makapaniwala na ang barakong konduktor na matagal ko na ring pinag- papantasyahan ay bibigyan ako ng contact number. Parang blessings ang nangyari sa akin ng gabing iyon na hindi ko makalimutan. Pinakaunang beses na labis akong kinilig sa sobrang saya na may halong matinding kaba. Buong weekend kong patuloy na iniisip kung ano ang aking gagawin. Nakahiga ako sa aking kama habang tinititigan ang kapirasong papel sa aking mga kamay. Malinaw na nakasulat ang numero at pangalan ng konduktor ng bus. Kaba at libog ang aking nararamdaman sa tuwing maiisip ko kung kanino galing ang sulat na iyon. Sa Daddy na konduktor! Lunes ng madaling araw ay nasakay ako ng pang First Trip na byahe, ngunit hindi si Mamang Konduktor ang nakatoka sa bus na nasakyan ko. Dahil madaling araw ay konti lang ang pasahero kaya naman mabilis akong nakahanap ng pwesto na malapit sa bintana. Pagdungaw ko'y nakita ko ang isang pamilyar na bus na nakaparada. Lumingon ako sa paligid at umaasang masilayan ang konduktor na aking inaasam- asam bago umandar ang bus ngunit nabigo ako. Naging abala akong muli sa mga nakalipas na apat na araw, webes ng gabi habang mag-isang nagmumuni- muni sa aking dorm ay naglakas loob na akong itext ang numero. Medyo kabado at ramdam kong nanginginig ang aking kamay, malakas din ang kabog ng aking dibdib. Sinunod ko ang lahat ng instructions na nakasulat sa papel bago ko i hit ang button na "Send". Matapos masent ng message ay hindi ko alam ang iisipin. May parte sa aking dibdib na nasasabik sa maaaring mangyari, mayroon ding pagkakataong nakaramdam ako hiya dahil sa aking ginawa. Pakiramdam ko ay ang landi- landi ko. Marahil ay wala pa naman talaga akong karanasan tungkol dito. Medyo may pagkamalibog lang ako mag- isip pero virgin pa po ako. Kabado akong naghihintay ng reply mula sa Mamang Konduktor hanggang sa nakatulog nalang akong hindi tumunog ang aking phone. Kinabukasan, maaga akong nagising para maghanda sa aking pagpasok. Agad ko naman na sinilip ang aking smartphone at wala parin akong natatanggap na reply. Iniisip ko tuloy na baka naman napasama lang talaga yung papel sa mga barya na iniabot sa akin. Nakaramdam ako ng hiya sa aking ginawa. Habang kumakain ng almusal ay bigla namang tumunog ang aking smartphone na labis na ikinabilis nang t***k ng aking puso. *Friday Balanga to Morong - 6:30 PM* Ang nakalagay sa text at mula ito sa number ni barakong konduktor. "Tang Ina! Eto na! Teka ano nga ba ito?" Mukang schedule ng biyahe ang inireply nya sa akin. Eto kaya yung schedule ng byahe nila mamaya? Nasabik na naman akong muli. Buong maghapon akong hindi makapag focus sa klase. "Parang sobrang tagal naman yatang lumipas ng oras? Sana hapon na agad. Sana uwian na agad." Puno talaga ng libog ang aking pakiramdam kahit na kanina ko pa pinapakalma ang aking sarili. Sa wakas ay uwian na. Nag- aya ang kaklase ko na mag- samgy daw kami at sagot na daw nila. Bihira lang mang libre ang kaklase kong iyon at siya rin ay matalik kong kaibigan magmula pa nang pumasok ako sa University. Masaya silang kasama at libre pa ang pagkain. Kahit ano man ang sabihin nyo ay bihira ang ganitong pagkakataon. Kapag sumama ako sa kanila ay tiyak na hindi ko na maabutan ang byahe. Kaya kailangan kong mamili. Kahit naman malibog ako ay importante parin ang pinagsamahan naming mag- kakaibigan, lalo na at pinipilit nila akong sumama sa kanila dahil mas masaya daw kung naroon ako. Inilabas ko ang pirasong papel sa aking bulsa, pinagmasdan ito at saka ko lang napagtanto kung gaano kalaki ang mawawala sa akin kung ipagpapalit ko sila, nilukot ko ang papel gamit ang aking isang kamay. Hinawakan ko ito ng mahigpit at itinagong muli sa aking bulsa. Maaliwalas na mukha kong sinagot ang pag- anyaya ng mga mahal kong kaibigan. "Sorry guys! Mukang hindi talaga ako makakasama sa inyo. Next time nalang ha? Sorry talaga. Promise babawi ako next time. May importante lang kasi talaga akong gagawin eh! Ayain nyo nalang ako next time please. Sorry. Una na ako ha? Bye! Pakasaya kayo. Ikain nyo nalang ako." Sabi ko, matapos ay kumaripas na ako ng takbo papunta sa dorm upang maabutan ang byaheng Morong na pang 6:30 Pm. Sabihin nyo nang malandi ako pero ilang buwan ko na rin kasi na pinapantasya ito. Sigurado ako na kung sinabi ko man sa mga kaibigan ko ang tunay na dahilan kung bakit hindi ako nakasama sa kanila ay mauunawaan nila ako. Pagkasakay sa tricycle papuntang terminal ay di na ako mapakali. Mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib pagsakay ko ng bus na pang 6:30 PM para akong hinihingal di dahil sa tumakbo ako, kundi dahil sa libog. Pagpasok sa loob ng bus ay marami na agad pasahero pero di ko nakita yung driver o si Mamang Konduktor kaya naghanap nalang ako ng mauupuan sa bandang likod malapit sa bintana. Habang nakaupo ay todo send naman ang mga kaibigan ko ng picture nila sa samgyhan. Nainggit ako kaya naman pinatay ko nalang ang data ng aking phone. Napaisip tuloy ako, paano kung iba pala ang konduktor? o na wrong send lang ang message? Kasi sa totoo lang hindi pamilyar sa akin ang bus na ito. Hindi pa naman aalis yung bus kaya pumunta na muna ako sa CR para umihi. Dalawang oras kasi ang tuloy tuloy na byahe kaya mahirap na kung maihi sa kalagitnaan ng byahe. Pagpasok sa CR ay walang available na cubicle kaya sa urinal nalang ako umihi. Naghanap ako ng medyo sulok at tago na pwesto. Habang umiihi ay nakita ko sa gilid ng mata ko na may tumabi sa aking malaking lalake. Nakaputi ito at pamilyar ang amoy na biglang nagpataas ng aking balahibo. "Akala ko hindi ka na dadating, Toy. Text kita maya hintayin mo ha." mahangin na sabi sa aking tenga ng konduktor. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat nang lingunin ko ito. Halos ipantay na nya kasi ang kanyang mukha sa aking mukha. Nakangisi itong nakatitig sa akin. Mula sa aking labi ay pinagmasdan nya ako pataas sa aking mga mata at tinagalan niya dito ang pagtitig sa akin. Walang kurapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD