MIA's POV
Mabilis lang lumipas ang buong araw ko, shift ko ngayon ay 6am to 6pm ulit since hindi pa napasok yung kapalit ko. As usual, ang routine ko na naman ay IN- WORK - BREAKTIME - WORK - BREAKTIME - WORK - OUT. Oh diba? Walang interesting na nangyayari sa daily life ko. -_- Pero bawal mag- reklamo hahaha. Mahal ang bilihin ngayon, hindi ko afford mawalan ng trabaho.
Nakapila na ulit ako sa shuttle bus namin since out ko na. Share ko lang guys, may mga bagong employee na naman sa aking company na pinagta- trabahuhan, at balita ko may limang tao na mapapapunta sa department namin, for sure ite-train ko yung mga yun. Before sila mag- train sa department namin kailangan muna nila dumaan sa mga tests and orientations. Oh diba, ang daldal ko na naman. Yun dumating na yung shuttle bus namin.
Rio's POV
AT THE COMPANY (6:00AM).
Pagkarating ko sa company ay dumiretso na ako sa lobby kasi dun daw kami imi- meet nang department head namin para i-orient kami at i-endorse sa trainer. Dito nga pala iba't- iba ang trainer. Iba yung sa mismong production at iba rin yung nagte-train/ orient din samin about sa company. Habang nagi- intay ako, napansin ko na may iba pa akong mga kasama dito na sa tingin ko ay bagong pasok lang din dahil tulad kami ng uniform.
Maya- maya may tumabi sakin at mukhang solo rin siya. Hindi kasi katulad nung ibang mga bago lang din dito na mukhang medyo close na sila.
" Tol, excuse me. Dumating na ba yung department head natin? " Nabigla naman ako dito sa katabi ko, bigla na lamang nagtatanong, pero siyempre sinagot ko ito.
" Hindi pa tol. Mukhang maya maya pa siguro yun. "
" Ah, salamat tol. "
After 10 minutes dumating na rin yung department head namin, pinaliwanag niya muna samin ang basic rules ng company bago kami i-endorse sa kanya- kanyang department namin.
Lima kami na magkakasama sa iisang department at kasama ko din yung nagtanong sakin kanina. Pagkadating namin sa production team namin, nandun na rin yung production head/ trainer namin. Pinaupo niya na rin kami dun sa room kung saan gaganapin yung pago-orient samin kung ano yung mga kailangan namin gawin or i- memorize regarding sa production namin, lalo na yung mga safety precaution. Magkakaroon din kasi kami ng exam dito, kaya kailangan tapaga namin mag- memorize.
May binigay saming papel yung production head namin, pero bago kami magsimula ay nagpakilala muna kami sa isa't isa.
" Good Morning to all of you!! I am Mr. Kiel Sarmiento, you're production head and I will be assissting all of you for the rest of your training and orientation. Before we proceed to our discussion I would like you to introduce yourself. " paliwanag ni Sir Kiel.
" Please start Ms.? " turo ni Sir Kiel sa babaeng nasa tapat ko.
" Mikaela po. 22 "
" Next na guys, basta sunod- sunod na kayo " sabi ni Sir Kiel samin. Panghuli pa ako sa magsasalita kaya medyo relax lang ako. Buti na lang hindi binabanggit ang apilyedo.
" Ako po si Elena, 25 yrs old "
" Keith Allen, 24 "
" Jayden po, 23 yrs old. "
" Rio, 24 yrs old "
Jayden pala pangalan nung lalaking nag-tanong sakin kanina. Maski kasi magkakatabi kami ay mga nagkakahiyaan pa din kami magpakilala sa isa't isa.
Pagkatapos namin magpakilala sa isa't isa ay nagsimula na ulit si Sir Kiel na mag- discuss tungkol sa mga dapat at hindi dapat namin gawin dito sa company. Maayos mag- paliwanag si Sir Kiel at kwela din kaya hindi nakaka- tamad pakinggan. Umabot ng halos 1hr yung discussion kaya natapos kami ay 8am, pinag-break muna kami ni Sir Kiel para daw may energy ulit kaming makinig sa kaniya.
Sabay- sabay kaming lima na nag-punta sa cafeteria, syempre kwento- kwentuhan ng kaunti tungkol sa mga diniscuss ni Sir. Meron kaming meal allowance na 40 pesos kaya medyo tipid- tipid din kami.
Madami ding pagpipilian na pagkain dito sa cafeteria namin. Iba yung side ng mga snacks sa mga kanin at ulam.
Ang pagkain ko ngayon ay 2 rice, Lechon kawali at Shanghai. Bumili na din pala ako ng coke, halos 70 pesos yung nagastos ko sa pagkain ko. Nasa iisang lamesa lang kaming lima. Bali 1hour yung binigay na break ni Sir Kiel samin. Ganun siguro talaga pag trainee pa lamang.
After 20 minutes tapos na kaming kumain lahat, kaya medyo nag- kwentuhan muna kami.
" Ate Elena, may asawa ka na? " pagtatanong ni Mikaela kay Elena.
" Wala pa. Single pa ako, pero kung may ire- reto ka pwede naman. Joke "
" Eh kayo ba? May mga jowa, asawa na? " tanong samin ni Elena
" Ako ate, wala pa akong asawa pero may jowa na ako. " sagot ni Mikaela
" Ako ay jowa lang din ang meron " sagot naman agad ni Jayden.
" Baka naman kayo ang mag- jowa ha?!! Ayieeee~ " panunukso ni Elena kay Jayden at Mikaela.
" Naku si ate issue. HAHAHA! Hindi 'no. Ngayon nga lang kami nagkakilala eh. " patangging sagot ni Mikaela
" Aysus. Defensive ang nini. Hahahha. Ay kayong dalawa, Keith at Rio? May jowa o asawa na? "
" Ako wala parehas. " sagot ko.
" Ako din wala parehas eh. "
" Ay naku, tatlo pala tayong single dini. Tara na at tayo ay hahanap. Baka may makita tayo dito sa loob ng company. Hahahaha. Charot. "
" Sus. Si Ate, boys hunting pa ata ang pinunta rini hindi ang trabaho. Hahahaha. " natatawang tukso ni Mikaela
" Hoy, hindi ah. Trabaho talaga pinunta ko dito. Pero pwede din namang magka- jowa habang nagta- trabaho. Hahahaha. "
" Nga pala, paano niyo naisipan mag- trabaho dito? Lalo ka na Mikaela at Rio, ikaw Mikaela medyo bata ka pa, tapos ikaw naman Rio mukha kang hindi sanay sa ganto. Kutis mayaman ka. " pagtatanong samin ni Elena
" Ako ate, kailangan ko talaga ng pera kasi biglang nagka- sakit si nanay kaya yun nakipag- sapalaran ako dito, kasi balita ko malaki daw ang sahod. " sagot ni Mikaela
" At ikaw Rio? Ano rason mo? " halos lahat sila ay nakatingin sakin, maliban kay Keith na may tinitingnan sa cellphone niya.
" Ako naman ay---- " naputol bigla ang pag- sagot ko dahil sumangat bigla si Keith
" Guys, 10 mins na lang pala, matatapos na ang break natin. Kailangan na nating bumalik dun baka mapagalitan pa tayo. "
Dali- dali kaming nag- impis ng lamesa namin. Inilagay na namin yung aming mga basura at pinag-kainan sa tamang lagayan. Clean as you go kasi dito sa company namin.