Nang gabing din yun ay naalimpungatan si Rio sa kanyang pagtulog at nakita niyang nagkalat ang kaniyang mga kaibigan sa sahig. Naisipan na lamang yang lumabas sa kanilang VIP Room upang magpahangin at umihi.
Nagtungo na nga si Rio sa comfort room. Pagkatapos ay nagpahangin lang siya saglit sa labas at pumasok na rin ulit sa Club. Pero sa halip na dumiretso siya sa kanilang VIP Room ay nanatili siya sa bar counter at umupo siya sa isang high chair.
" One tequila please " saad ni Rio sa bartender.
" Here's your tequila sir"
Agad naman iyong ininom ni Rio at napatulala na lamang si Rio habang iniisip kung paano niya makukumbinsi ang kanyang ama na huwag na siyang ipasok bilang production worker sa kanilang kompanya.
Habang nakatulala si Rio ay may pumukaw sa kaniyang atensyon ang isang babae na tila hinahanap ang kanyang mga nawawalang kasamahan. Kusang kumilos ang paa ni Rio at akmang lalapitan na sana niya ang babae ngunit may tumawag dito.
" Mira!!! " tawag ng isang lalaki sa babaeng pumukaw ng atensyon ni Rio
" Sayang mukhang may nobyo na ang babae " isip ni Rio
" Pero ayos lang, atleast nalaman ko ang kanyang pangalan. Sana makita ko siyang muli. " dagdag na saad ni Rio sa kaniyang isipan.
Dahil alam ni Rio na wala naman siyang gagawin pa sa club ay umakyat na lamang siyang muli sa kanilang VIP Room at doon nakita niyang tulog at tumba pa rin kanyang mga kaibigan.
Nag- inom na lamang siyang ulit pero dahan dahan lang dahil ayaw niya na ulit malasing. Umaasa si Rio na magigising ang kanyang mga kaibigan pero hindi ito nangyari.
" Pesteng mga ito ah!! Gaano na ba kadami ang ininom na alak ng mga ito. Alas dos pa lamang pero bagsak na agad itong mga tukmol na ito. " pabulong na saad ni Rio sa kaniyang sarili
Napagdesisyonan niyang iwan ang kaniyang kaibigan at umuwi na lamang sa kaniyang condo kaysa sa kanilang mansyon, sapagkat alam niyang pag-umuwi siya sa kanilang mansiyon ay madadatnan lamang niya ang kaniyang ama doon at baka magtalo pa sila ulit. Hindi pa handa si Rio sa isang mainit na pagtatalo dahil masakit pa ang kaniyang ulo sa dami ng kaniyang nainom na alak.
Habang palabas si Rio at patungo sa parking ng club ay nakita niya muli si Mira kasama nito ang lalaking tumawag kay Mira pati na ang iba nitong kaibigan. Halatang lasing si Mira kahit na kakapasok lang nito halos ng club.
Saglit lamang napatigil si Rio dahil nga nakita nito si Mira. Nagpatuloy na si Rio puntahan ang kaniyang sasakyan. Binuksan niya ang kanyang sasakyan at doon niya pinagmasdan ng maigi si Mira at kaniyang mga kasamahan.
Nang makita na ni Rio na nakaalis na ang mga ito ay umalis na rin siya at tumungo sa kaniyang condo. Pagkadating niya dito ay naligo lang siya saglit at natulog na.