Rio's POV
" How are you Mom? You didn't contact me when I'm away " pagtatampo ko dito kunwari.
" I'm fine son, I didn't contacted you because I don't want to disturb you. And how dare you guilt trip your mom, son. You didn't contact me also. " pagbabalik sakin ni Mom ng sisi. Na back to you ka tuloy Rio. HAHAHA!
" I'm quite busy mom because of dad. *pout* He wants me to become an employee in our company that doesn't have any relevance in my course. " pagsusumbong ko kay Mom.
Baka magtaka kayo guys kung bakit ang lakas ng loob ko na magsumbong maski kaharap si Dad. Pag nasa harap kami ng hapag kainan talaga dapat komportable kami sa isa't isa na magsabi ng kahit anong saloobin, kaya hindi ko makontra si Dad pag nasa office niya siya sa bahay man or sa company kasi nirerespeto ko yung position niya as a CEO of our company.
Ganoon yung way ng pagpapalaki nila sakin. Dapat alam ko yung boundary ko as their son and also as an employee. Ayoko rin kasi mapahiya si Dad sa ibang tao lalo na sa mga employee ng company. Baka kasi sabihin nila na bakit nila susundin si Dad kung yung sarili nga niyang anak hindi nasunod sa kanya. Diba guys?
" Hon, what is this about? Bakit hindi ko 'to alam? " pagtatanong ni Mom kay Dad. Humarap naman ako kay Dad at dinilaan ito. HAHAHAHA! Wala lang, sarap lang inisin ni Dad eh.
" Aba't ikaw bata ka talaga. " nanggalaiti na sabi sakin ni Dad.
" Hon, wala lang akong pagkakataon na sabihin sayo kasi masyado kang busy nung nakaraan. " todo paliwanag na sabi ni Dad kay Mom.
" Kasalan mo pala Mom eh, wala ka palang oras eh. Busy ka pala ay!! " panga- asar ko lalo ay kinindatan si Mom para makisakay na asarin namin lalo si Dad. HAHAHA!
" Ah, so kasalanan ko pa pala Ronnie ha?!! " nakataas kilay na pagtatanong ni Mom kay Dad. Paktay first name basis. HAHAHAHA Iyaq si Dad nito.
" Hindi syempre hon, kasalanan ko. Bat ko nga ba hindi sinabi sayo agad tsktsk. Nalimutan ko na hon, ako talaga yung busy nitong nakaraan eh kaya hindi ko nasabi sayo. " aligagang palusot ni Dad.
Nagdidiwang naman ako sa loob ko kasi kahit papano ay nakaganti ako ng kauntian kay Dad. * evil laugh * Tiklop talaga si Dad pagdatimg kay Mom eh.
" So, bakit nga magta- trabaho si Rio sa company na hindi tugma sa kanyang course? " pagtatanong ulit ni Mom kay Dad.
" Gusto ko kasi hon na matuto at malaman niya ang hirap kung ano ang ginagawa ng mga employee natin na nasa production. " mahinahong pagpapaliwanag ni Dad kay Mom.
" No, I'm against it. Ayoko ng idea na yan. Alam kong alam naman ni Rio ang hirap na yun at hindi naman natin pinalaki yang batang yan na matapobre at hindi marunong lumingon sa pinanggalingan niya. " mahabang lintanya ni Mom kay Dad.
Tiningnan ako ni Dad at sinasabi ng mata nito na " Ayusin mo yang sinimulan mo ". Lumapit ako sa upuan ni Mom upang pakalmahin ito at paliwanagan
" Mom, pumayag naman ako sa alok ni Dad na maging part ng production worker sa company. Gusto ko rin naman maransan yung mga sakripisyong ginagawa ng mga worker natin sa company. " paliwanag ko kay Mom
" Pero nak, mahirap yung bagay na gustong ipagawa sayo ng tukmol mong tatay. At alam mo namang ayaw kitang nahihirapan. "
" Kasama na yun sa trabaho mom, na mahirapan ako pero syempre kakayanin ko yun. Baka anak ako ni Ronnie at Maria, strong 'to ano!! " pagyayabang ko kay Mom sabay yakap dito, at niyakap rin ako nito pabalik.
" Are you sure 'nak? " paninigurado na tanong ni Mom sakin
" Of course Mom. And btw, pag nagta- trabaho na ako dun wag mo ko pupuntahan sa area kung san ako nagta- trabaho Mom ha? "
" Why? Bakit bawal Rio, ha? " nakataas kilay na naman na tanong ni Mom.
" Eh kasi Mom, I don't want people to know thay I'm a son of the owners. I want to work in peace without any bias. So please Mom? "
" Fine, ano pa ba magagawa ko? "
" I love you talaga Mom. " Maya maya lang ay dumating si Dad galing kusina at may dala itong ice cream.
" Tama na ang drama kumain muna tayo ng dessert. I prepared ice cream for us. "
" Let's do movie marathon while eating ice cream. Nak, kuha ka ng chips sa pantry para may iba pa tayong makain. " utos ni Mom sakin.
Kumuha na nga ako ng iba naming pagkain dinamihan ko na din kasi for sure gagabihin na naman kami ng tulog . Halos panunuod lang ang ginawa namain at syempre komting kulitan at kwentuhan. Inabot kami ng 3am sa panonood bago kami pumanhik at nagsi- tulog.
Kinabukasan, 10am na ako nagising at sina Manang na lamang ang aking naabutan sa bahay. Nung tinanong ko sila kung nasan na sina Mom at Dad sabi nila ay nasa trabaho na. Kumain lang ako sa mansion at inayos yung mga gamit ko at umalis na rin.
Nag- check na rin ako sa aking phone baka kasi may important message. Pag tingin ko ay meron nga. HAHAHAHA! Si Dad ang nag- text, sinend niya yung mga bagay na kailangan ko bilhin para sa trabaho. I need to buy:
Socks
White Shirts
Black ballpen
Small Notebook
Konti lang naman bibilhin ko pala. Bibili akong mga socks ko sa divisoria na lang para mura at para na rin hindi mahalata na mayaman ako. Bibili rin pala ako ng ibang casual shirts na hindi signature pati pantalon. Kailangan ko na bumili kasi friday na bukas at malapit na ako mag- start sa trabaho. Sabi ni Dad orentation muna kami then tests and training bago yung mismong trabaho.