Angelo's POV Napakasaya ko ngayon dahil ok na ok na kami ni Althea. Nakahiga ako ngayon sa aking kama habang inaalala ang nangyari mag hapon sa bahay ampunan. Ramdam ko na unti-unti ay nag kakaroon ako ng pag asa kay Althea. Dama ko kasi na nagiging komportable na siya sa akin at nakakatawa na rin siya sa mga jokes ko. Para akong sira ngayon dahil abot tainga na yata ang aking ngiti. Habang nakangiti ay naisipan ko siyang tawagan. Mabilis ko namang nahanap ang name niya sa contacts ko at mabilis na tinawagan. "Hello!" sagot sa kabilang linya. Napakasarap pakinggan ng boses ni Althea. Para itong boses ng isang anghel sa aking pandinig. "Hello, Althea!" sagot ko naman dito. "Oh! Napatawag ka, Angelo? Halos kakahiwalay pa lang natin ah!" saad nito na tila natatawa. Kauuwi lang kasi nami

