Sarhan's POV: Nandito kami ngayon sa underground ni Zerho. Nasa long table lahat ng mafia bosses at nasa dulo si King Loffex na seryosong nakaupo. "Paano naman naputol ang ulo ni Mafia boss Aise? Wala ba talagang nakakaalam sa inyo? Sino naman ang gumawa nito?!" Si Aise, ang dad ni Aisen. Nanatiling tahimik ang paligid. Lahat pala kami ay walang alam. "Matagal kong binuo ang organization ko. Ngayon lang 'to nangyari. Imposible ito para sa akin dahil magaling makipaglaban si Aise at maraming kagamitan," dagdag pa ni King. "Sa palagay ko ay magaling din ang kalaban, King," Zerho said. Ibinagsak ni King ang dalawa niyang kamay sa lamesa. "Siguro nga. Teka, ang ibig sabihin ba nito ay mas magaling pa sa foreign mafias? Si Aise ay nakapatay ng maraming foreign mafias. So paano mangyay

