LURIANA Makalipas ang dalawang buwan. Habang ako'y abala na nakatingin sa salamin ay nakita kong pumasok si Sarhan. Nasa kwarto pa rin ako. Ang mga bata ay nauna na sa baba kasama ang papa Zerho nila. "Tumataba ka, bae," he murmured. Napalingon ako sa kanya. "T-talaga? B-bagay ba sa akin?" "Oo naman. Kapag sinabi kong tumataba ka ay hindi 'yun isang uri ng panlalait, dahil kahit na tumaba o pumayat ka man ay ikaw pa rin ang pinakamaganda sa mga mata ko. Okay lang din naman na tumaba ka ng sobra. Hindi nakadepende sa 'yong mukha at 'yong katawan ang aking pagmamahal. Ang mga taong nagsasabi sa isang tao na pangit kapag payat o mataba ay mga walang kwentang tao." I chuckled, "Ang sweet mo talaga, pinaglihi ka yata sa candy. Ewan, napansin ko rin na medyo tumaba ako. Dalawa kasi kay

