NAPAKUYOM AKO NG kamao na makitang pinahirapan nila si Cedric. Nagngingitngit ang loob ko at nangangati na ang kamay kong mambali ng leeg sa lahat ng nanakit sa baby ko! "Here's your money!" walang emosyong saad ko sa may katandaang babae na inginuso ang male-maletang pera na hiningi nito. Napangising demonyo na nagningning ang mga matang napatingin sa mga maleta. Napapaisip lang ako kung paano ito nakalabas ng kulungan. Hindi kaya.... tinulungan ni Louis ang ina niyang makatakas at ginamit si Cedric para makakuha ng pera sa akin. "Bravo hija!" masiglang saad nito na napapalakpak pa habang nakangisi. Nanatili lang namang emotionless ang mga mata kong matamang na nakatitig dito. "I never thought na ang isang matalino at matapang na batang tulad mo ay magpapakat*nga sa isang lalake. Well

