LIEZEL:
SUNOD-SUNOD akong napapamura nang si Irish ang nagwagi sa laro. Tangina. Ang galing namang magtago ng Crawford na ‘to. Pinaningkitan ko ito na pangisi-ngisi.
She was grinning at me like some smug dog, and I knew exactly what she wanted. Even our friends were already smirking while watching me lose my temper. Alam na alam na nila kasi kung ano ang hihilingin ng gagang Crawford na 'to at hindi ako makakapayag!
“Okay so for our winner, what kind of prize do you want, buddy?” Lira asked teasingly as she draped an arm over Irish’s shoulder.
“I want a kiss from someone here, buddy,” she said with that irritating grin, glancing around the group until his eyes landed on Cedric.
Cedric immediately looked down, tightening his hold on my hand. Naningkit ang mga mata ko na nakatitig dito.
“Di ba, that's our prize naman. Pwede akong humiling ng kahit na ano sa taong mapipili ko dito,” wika niya pa na sinang-ayunan ng mga kasama namin.
Ngumisi ito nang magsalubong ang mga mata namin.
“A kiss! So, Irish, who’s the lucky one you want to kiss?” Alison asked her.
I shot Irish a warning glare–but she just smiled and stared straight at Cedric.
“Him,” she said, pointing at my baby.
My eyes widened. “Don’t you dare, Irish!” I snapped, pointing at her.
Our friends burst into laughter while Cedric blushed even harder. Maging ito ay napahalakhak din habang ang baby ko ay napasiksik sa akin.
“Oh c’mon, buddy, it’s part of the game. It’s just a simple kiss,” Lira said, barely holding back her laughter.
“No way!” I shouted. “I’m warning you, Irish, don’t test my temper! Choose someone else–anyone! An actor, a model, local or international, I don’t care, I’ll bring them to you–but not Cedric!” singhal ko dito.
“Oooohhh!” everyone reacted, laughing even more.
Cedric just kept his head down, completely flustered. Huminga akong malalim na nanggigigil kurutin ang singit ng Crawford na 'to. Ang dami-daming lalake dito sa resort e, ang baby ko pa talaga ang gustong halikan?
“Damn girl, why so possessive? He’s not even your husband yet,” Jaeya teased me.
“Kahit naman dati pa, she was already possessive over Ced. How much more now that they’re officially together?” Alison added while tapping my shoulder, while Louis was glaring at Cedric and Kristel looked annoyed beside him.
“Tsk, what’s their problem?” I muttered to myself, rolling my eyes.
“Okay fine,” Irish said suddenly. “For the sake of friendship, I’ll let you choose who will I kiss, buddy. Either Cedric. . . or you.”
Naghiyawan ang mga kasama namin na namimilog ang mga mata. My jaw dropped. Awang ang labi kong napatitig ditong ngising-ngisi na napakindat pa, then everything around me suddenly got louder again.
“Ayaw mo? Fine, si Cedric na lang kasi. Parang kiss lang–”
Natigilan ito nang tumayo ako at ngumisi sa kanya. Napakurap-kurap pa siya at nagsimulang tuksuin kami ng lahat.
“Teka, D-Del Prado,” napaatras ito pero humakbang pa rin ako palapit. “A-ano ka ba, I–”
Namumutla ito na ikinangisi kong hinila siya sa braso at inilapit ang mukha sa kanya!
“H-hoy, h-hindi tayo talo–uhmpt!”
Napasinghap ang paligid namin nang walang anu-ano, hinila ko siya sa batok at hinalikan nga siya sa mga labi!
“Woohoo!”
Everyone screamed and cheered like crazy. Irish froze completely as I kissed her! Namimilog ang kanyang mga mata na hindi makapaniwala! When I pulled away, I wiped my lips and smirked at her shocked, blushing face.
“Wooohh! Nice!” they all cheered and clapped.
“L-liezel,” sambit niya na napahaplos sa ibabang labi.
Mahina akong natawa. “Masarap ba, Crawford? Baka matomboy ka na niya'n ha? Hindi kita papatulan,” pang-aasar ko ditong namula ang pisngi na pabirong hinampas ako sa braso.
“Gaga!” sikmat nito sa aking ikinahalakhak ng lahat.
Cedric just shook his head as I walked back to him, and he immediately wrapped an arm around my waist.
“Ibang klase ka talaga,” he whispered.
I laughed and buried my face in his chest, casually running my hand over his abs while he hugged me tighter and kissed the top of my head. Napansin naman nito ang ginagawa ko at hinuli niya ang kamay ko.
“Behave, ano ka ba?” mahinang saway niya sa akin.
MATAPOS ang nakakaloka naming laro at punishment, nagkainuman kaming lahat. It was already past midnight when we all headed back to our suites to rest.
The wedding was tomorrow afternoon anyway, so we had time to sleep in.
“Baby, come here,” I said, patting the bed.
Cedric swallowed hard. He was about to lie on the sofa, but I stopped him.
“Liezel. . .” he hesitated.
I smirked when I saw how nervous he was. He walked over stiffly and climbed onto the bed like a robot. Masyado namang halatang pinilit ko ang baby ko na magtabi kami ulit na matulog sa iisang kama. Haist. I immediately hugged him and rested my head on his broad chest. It felt so warm. He slowly wrapped his arms around me, gently stroking my hair.
I could hear his heartbeat racing.
“Cedric. . .”
“Hmm?” he answered sleepily.
I looked up at him. He was already half-asleep, face flushed. Kita ring namumula na ang pisngi at leeg niya dala ng nainom. Konti lang ang nainom nito pero hindi kasi siya malakas uminom katulad naming magkakaibigan, kaya heto at mas lasing pa siya sa akin.
“I really like you, Ced. Look oh? Bagay kaya tayo. Ikaw lang ang gusto ko. Please, tell me, ano'ng ayaw mo sa akin? I’ll change, baby. J-just be mine. Akin ka na lang.” Wika ko.
He lifted a hand and pulled me closer by the nape, then kissed me softly. Napapikit ako na ramdam ang kakaibang t***k ng puso ko. Gusto ko siyang mapaamin at mapasagot. Hindi na ako makapaghintay na maging akin siya.
“Ced, I like you. I really like you.” Anas ko bago muling tinugon ang halik niya.
“I. . . I l-like you too, Liezel. I really, really like you,” he whispered between kisses. “Pero. . . ayokong pagtawanan ka ng mga tao. Ano na lang ang sasabihin nila na ako ang boyfriend mo, ‘di ba? Wala akong maipagmamalaki kundi ang malinis kong pagmamahal lang sa'yo.”
Naluha ako na tumulo ang luha nito sa mapupungay niyang mga mata. Hinaplos niya ako sa pisngi at pilit ngumiti.
“I told you already,” I whispered. “I love you. I accept all your flaws. I just want you to love me back, baby. Keep me, please. I promise you won’t regret it.” Wika ko.
Napapikit na ito. Mapait akong napangiti na sumubsob sa leeg niya. Ilang minuto ang lumipas na kapwa kami tahimik. His breathing slowed as sleep took him. Napaangat ako ng mukha at napangiti na makitang nakatulog na nga siya. Hindi ko tuloy sigurado. . . kung dala lang ng kalasingan ang sinabi niya kanina.
“Goodnight, my baby. I love you so damn much,” I whispered, kissing him again and again.
And in his sleep, he didn’t even realize how much I was stealing every moment of him. Paulit-ulit ko itong hinalikan sa buong mukha, lalo na sa mga labi nito bago ako tuluyang natulog na nakayakap sa kanya.
KINABUKASAN, tanghali na kaming nagising dala ng hangover at puyat. Mabilis na kaming kumain dahil maghahanda pa kami para sa kasal. After lunch, we separated to get ready in our cottages–boys on one side, girls on the other.
“Stay here, baby,” I pouted.
Cedric laughed and shook his head, guiding me inside. “Ano ka ba? Nasa kabilang cottage lang naman ako e. Sige na, mag-ayos ka na doon,” aniya.
“Ayoko, mamimis kita e.” Reklamo ko.
Natawa naman ito. “Magdamag tayong magkayakap, Liezel. Ikaw talaga,” saad nito.
Before I could protest, he quickly kissed me. Napangisi ako.
“Again, baby. One more.” Ungot ko.
Namula ang pisngi nito na napalinga pa. “Liezel naman e.”
“Just one more, baby.”
Napalapat ito ng labi then he looked around, then kissed me again. Napangisi ako na sinamantala ang pagkakataon. I pulled him by the nape and deepened it. Napapisil ito sa baywang ko na napaungol ng nagrereklamo.
“Seriously, Del Prado?!”
Napabitaw kami sa malalim naming halikan ng baby ko na sumulpot ang mga istorbo kong kaibigan! Nahihiya namang napaiwas ng tingin ang baby ko.
“Kinakawawa mo talaga si Isidro e.” Sikmat ni Irish sa akin. “Baby, sige na, pumunta ka na sa cottage niyo para makapagbihis ka na rin.”
Tumango naman si Cedric. Natatawa ako nang hinihila na nila ako papasok ng cottage.
“See you later, baby! I’ll miss you!” I shouted.
Natawa si Cedric na kumaway sa akin bago pa nila ako madala sa loob ng cottage at isinarado ang pintuan.
“Ouch! Mabubungol naman ako!” reklamo ko at sabay-sabay ba naman silang apat na binatukan ako!
“Baliw ka talaga, Del Prado. Si Cedric na ang nahihiya para sa'yo,” ingos ni Janaeya sa akin.
“Mahiyain lang siya pero gusto niya rin naman a,” angil kong ikinatawa ng mga ito at muli akong pinatikman ng batok!
******
Matapos ang halos dalawang oras, natapos na din kaming anim na naayusan. Isa-isa na kaming lumabas ng cottage at nagtungo sa venue. Napangiti ako na kaagad nakita ang baby ko sa gawi ng mga abay na lalake. Cedric looked breathtaking in his white tuxedo. Lumapit ako ditong napaawang ng labi na makita ako.
“Wow. Parang dyosa a,” he whispered.
Napahagikhik ako na yumapos sa braso niya. “And you look like a Greek God, baby,” I replied. “We really fit together. Magpakasal na din kaya tayo?”
Natawa naman ito. “Sira ka talaga. Malala ka na.”
“But you like it,” I teased.
He nodded shyly. “Yeah, wala e.”
Naglakad kami ng red carpet at nagtungo sa upuan namin. The wedding venue looked like a luxury garden by the beach, filled with imported flowers and a rose-covered arch.
Magkatabi kami ni Cedric na nagbubulungan at hagikhikan. Hindi na nga namin nasubaybayan ang wedding ceremony ni Lira dahil naghaharutan kaming dalawa.
Matapos ang seremonya, tumuloy na kami sa reception sa garden ng hotel. Sumayaw kami ng sweetdance nito na tila may sarili kaming mundo. Katulad ko, nagniningning din ang kanyang mga mata at ibang-iba ang tingkad ng mga ngiti nito ngayon.
Magaan ko itong niyakap habang nakayapos ako sa batok niya, at nakayapos naman siya sa baqyang ko.
“I love you, Ced.” I whispered.
Napangiti ito na kita ang pagdaan ng kinang sa mga mata.
“I love you too, Zel,” he whispered back.
Para akong hinahaplos sa puso sa narinig lalo na't hindi siya nakainom ngayon!
“Y-you really mean it, baby?” tanong ko ditong nahihiyang ngumiti at tumango.
Napayakap ako dito at tumulo ang luha. “Mahal din kita. Natatakot lang talaga ako, Zel.”
“Don't be, baby. Ang mahalaga naman ay. . . pareho tayo ng nadarama. Hindi ba?” sagot ko ditong tumango at ngumiti.
*****
TPOV:
Louis watched everything from afar, fists clenched. Matalim ang tinging iginagawad nito kay Cedric habang nagbubulungan sila ni Liezel sa gitna at sumasayaw ng sweetdance.
All night, he had been burning with jealousy seeing Liezel so happy with Cedric. He couldn’t stand it–the same girl he once had was now completely in love with someone else. Hindi niya matanggap na napalitan siya sa puso ni Liezel nang gano'n-gano'n lang.
He thought she would chase him. . .but she didn’t. Instead, she chose someone he looked down on. Nagpupuyos ang loob nito dahil pinagselos niya si Liezel sa pamamagitan ni Kristel na bestfriend nito. . . pero heto at hindi manlang apektado si Liezel. Napakasaya pa nga nito sa bagong nobyo nitong si Cedric!
His ego shattered.
Napangisi ito nang matyempuhan si Cedric na lumabas ng venue na hindi kasama si Liezel. He followed Cedric into the restroom. Nagulat naman si Cedric nang biglang sumulpot si Louis sa restroom na halatang sinundan siya.
“Break up with her,” Louis said coldly. “You have 24 hours, Cedric.”
“And if I don’t?” Cedric replied calmly.
“I’ll expose your video from that shower party.” Pananakot nito.
Cedric just smirked. “Do it. I don’t care. Wala kang masisira sa akin, Louis. Hindi mo ako matatakot.”
Louis frowned. “But Liezel will. Her name, her family–it’ll be a scandal.”
Natigilan si Cedric at may punto nga naman ito. Walang mawawala sa kanya. . . pero kay Liezel, malaki. Napangisi si Louis na makitang namutla at hindi makasagot si Cedric. Which only mean one thing. Natatakot ito.
“24 hours, Cedric. Oras na hindi mo siya layuan. . . ipopost ko sa internet ang video niyo para masira kayong dalawa sa publiko,” Louis warned before leaving.
Napangisi ito na lumabas ng restroom na sa wakas ay na-corner niya rin at natakot si Cedric.
“Wait for me, Liezel,” he whispered. “You’re mine. I’m getting you back. By hook. . . or by crook.”