Ep. 10 Liezel POV

2931 Words
"Cheeerrsss!" panabay naming sigaw ng mga kaibigan ko at tinungga ang sariling shot. Nandito ako sa aming exclusive bar kasama ang mga kaibigan ko. Tahimik lang naman si Kristel na nakikitagay sa amin. Pagkatapos ng nangyaring hidwaan sa pagitan namin noon sa gym nila ay hindi ko na siya muling kinausap o kahit sulyapan. Sumasama pa rin naman siya sa bawat lakad ng grupo dahil kahit naman nag-away kami ay tinuturing ko pa rin siyang kaibigan ko....at miyembro ng Dangerous Angels'. Nagtatampo lang ako sa kanya dahil bakit kailangan niyang kunan kami ni Cedric ng video sa shower party ni Lira at ginamit para maghiwalay kami ni Louis. Sana sinabi na lang niya na gusto niya 'yong tao at malugod kong ipinaubaya pero hindi eh. Mas pinili niyang traydorin ako. Sinira niya ang buong-buong tiwalang ipinagkaloob ko sa kanya. Mapait akong napangiti ng maalala ang baby Cedric ko. Magmula ng ihatid ko siya sa bahay nila pagkagaling namin sa kasal ni Lira ay nanlamig na lang ito na halatang umiiwas. Hindi ko alam kung anong rason niya at daig ko pa ang may sakit na nakakahawa kung iwasan niya. Hindi kaya, nagu-guilty na siya at pakiramdam ay nagtataksil na siya sa girlfriend niyang bestfriend ko? O na-realize kung gaano niya kamahal si Annika at hindi niya kayang ipagpalit ito kaya gano'n na lamang ang pag-iwas niya sa akin. Tumulo ang luha na agad kong pinahid at sunod-sunod nilagok ang nakahilerang shot glass sa harapan ko. Napatukod ako ng siko dito sa countertop at napasapo sa ulo. Humahagod sa lalamunan ko ang init at pait ng vodka na sunod-sunod kong nilagok. Bigla tuloy umiikot ang paningin ko. "Buddy, cheerup" tapik ni Diane sa balikat ko. Hindi ko mapigilang mapahikbi. Mis na mis ko na si Cedric pero kahit sinasadya ko itong puntahan ay siya namang pag-iiwas niya sa akin. Pinupuntahan ko ito sa school nila, sa coffeeshop kung saan siya nagtatrabaho damn kahit sa bahay nila pero iniiwasan niya ako. Ni ha, ni ho wala! Para akong hangin sa paningin nitong hindi niya nakikita. "Ang sakit buddy, ang sakit-sakit na dito" humihikbing sumbong ko sabay duro sa puso ko. Matamang lang naman ako nitong tinititigan na hinahagod sa likod ko. Kita ang awa at simpatya sa mga mata nito sa kalagayan ko. Walang alam ang mga kaibigan ko sa status ko maliban kay Diane. Siya kasi ang pinakamalapit sa akin at, may pinakamatino ang utak pagdating sa serious situation. Yong tipong hindi ka niya kakant'yawan o aasarin kundi, dadamayan ka at tahimik na makikinig sayo ng hindi ka hinuhusgaan o pagtatawanan para asarin. Sa kanya ko nailalabas lahat ng sama ng ko, even my real relationship with Cedric I open-up to her. I'm thankful that she's always here to understand, cheer me up and support me for all my decision in life. "Gusto mo kausapin ko? Bugbugin ko ang Isidro'ng 'yon. Pinapaiyak ka eh hmm?" mahina akong natawa na ikinatawa na rin nito. "H'wag naman, baby ko 'yon eh. Mukha pa namang may pagkamalambot ang loko. Walang laban 'yon sa tigas ng kamao mo" pananakay ko sa biro nitong ikinatawa at iling nito. "Pero... seryoso buddy. Kausapin ko siya, aalamin ang problema. Alam mo tingin ko naman may gusto din siya sayo. F*ck! Sinong lalake ang hindi magkakagusto sayo? Eh kahit nga mga totoy na hindi pa natuli ay pinagpapantasyahan ka na. Ang binata pa kayang tulad niya?" napailing akong mapait na napangiti. Muli kong sunod-sunod na nilagok ang nasa harapan naming shot at napangiwi ng parang napapaso ang lalamunan ko sa sobrang init ng hagod nito dahil purong vodka lang naman ito. "H'wag na buddy, ako na lang. Kakapalan ko na lang ang mukha ko at lakas-loob na tanungin dito ang problema. Kung si Annika ang inaalala nito damn pakikiusapan ko ito. Handa akong magmakaawa, makiusap na ipaubaya na lang niya si Cedric sa akin. Tingin ko naman ay hindi pa gano'n kalalim ang pagmamahalan nila lalo na't ldr naman sila sa loob ng apat na taong mag-on sila" napatango-tango itong tinapik ako sa balikat. "Yan ang Liezel Del Prado na kaibigan ko buddy, palaban. Suportahan kita dyan, nasa likod mo lang ako incase you need backup" napangiti na akong nag-goosebumps dito. MAG-IISANG BUWAN na ring nilalayuan ako ni Cedric and I don't know what to do to please him anymore. Malayo pa man ako ay lumalayo na ito na parang may sakit akong nakakahawa and it breaks me that much! Gabi-gabi akong umiiyak at umiinom because of him. Buti na lang hindi naririndi si Diane sa paulit-ulit kong drama. Dahil gabi-gabi ko itong ginugulo at paulit-ulit lang naman ang kwento at drama ko dito dahil patuloy pa rin akong iniiwasan ni Cedric. She's always one call away everytime I call her to go to the bar and always listening to me and kept pursuing me to keep going even it's the worths't part of my life now. "How are you?" napalingon ako kay Kristel sa pagpansin nito. Sa loob ng halos dalawang buwan ay ito ang unang beses na kinausap niya ako. Kaming dalawa na lang pala ang nandito sa counter dahil nasa dancefloor na ang apat at enjoy na enjoy nakikipaggilingan sa mga na-spot-an na naman nilang panibagong lalandiin at paaasahing iaakyat ng langit at kapag paakyat na ay saka naman nila bibitawan. Mga paasa sa kama na takot namang matuhog tsk. "Are you talking to me?" I sarcastic asked and drink my shot. "Who else?" pagak akong natawa na napailing. Matamang lang naman itong nakatitig sa akin. I look at her directly and I see mix emotion in her eyes. Pitty, sympathy and longing. I just smirk and drink my shot again. "Tsk mind your owned damn business!" mahinang asik ko. Napailing lang naman itong tinungga rin ang shot nito. "I'm still here, willing to listen to you Liz" mapakla akong natawa at bumaling dito na nakangisi at pinupukulan ng mapang-uyam na tingin. Napalunok ito pero matamang pa ring sinalubong ang mga mata ko. "Who cares? If you're thinking that I'm getting miserable? You're wrong. I'm happy right now, happier than before" saad ko na matiim nakatitig dito. Napahinga ito ng malalim na akala mo napakalaki ng problema. Kung sabagay. Hindi nga pala maayos ang relasyon nila ng boyfriend kuno nitong si Louis. Tingin ko nga eh ginamit lang siyang rebound para pagselosin ako pero dahil hindi ako apektado ay heto at umaali-aligid muli si Louis. Idagdag pang umiiwas si Cedric sa akin. "You don't have to pretend. I know you're not okay, and I know what happened to you and Cedric. Comm'on I understand how you really feels right now, I know your still mad at me but.... you can still lean on me Liz. We're still friends, right?" naluluhang pakiusap nito. Bumaba ako sa upuan at umayos ng tayo. Humarap ito at taimtim na sinalubong ang mga mata ko. "Shut up will you!? Stop acting like you know my pain! Stop pretending as a good friend! Stop all this bulsh*t you'll showing! I don't need your f**k*ng sympathy, keep that in your mind Villaflor!" inis kong bulyaw dito at lumakad na palabas ng bar. Napahagulhol ako at sumubsob sa manibela hanggang namalayan ko na lang nasa meetplace na kami ni Cedric. Tulala akong pagewang-gewang na naglalakad dito sa children's park na panay ang tulo ng luha. Natigilan ako ng magawi sa swing kung saan madalas naming tambayan ni Cedric. Napalabi akong napatakip ng palad sa bibig....na makitang nandidito rin ito at katulad ko'y parang pinagsakluban ng langit at lupa! Hindi na ako nakatiis at patakbong lumapit dito at niyakap ng napakahigpit mula sa likuran nito! "Baby" humihikbing pagtawag ko dito na natigilan sa biglaang pagsulpot ko. "L-Liezel...." basag ang boses na pagtawag nito sa pangalan ko. Nanatili lang naman itong nakatalikod sa akin habang yakap-yakap ito. Ramdam kong yumugyog ito na tandang humahagulhol na rin itong tulad ko. Napayakap din ito sa mga braso kong nakayakap sa dibdib nito. "Cedric please. Stop avoiding me. Gusto mo ba akong mabaliw dahil sa paglalalayo mo sa'kin?" pilit ko itong pinihit paharap at kitang namumula na ang ilong at pisngi nito. Maging mga mata ay namumugto na parang kanina pa siya umiiyak na mag-isa dito sa meetplace namin. Agad kong niyakap ito ng mahigpit at napahagulhol sa dibdib nito ng gumanti ring yakapin ako ng napakahigpit! Ngayong nakakulong na ako sa bisig niya ay nakahinga ako ng maluwag. I feel relief, secured and comfort that only him can do. I missed him so damn much! If I was just dreaming again, I don't wanna wokeup anymore. Dito na lang ako, nakakulong sa bisig niya. Nang kumalma na ako ay kumalas na ako sa kanya at napahaplos sa kanyang mukha. Kita ko ang lungkot at pangungulila sa kanyang mga mata pero agad nag-iwas tingin at tinabig ang kamay ko. "Ito na nga pala ang card mo" anito na iniabot ang blackcard na bigay ko dati. Ni hindi nga niya ginalaw kahit piso dahil konektado naman ito sa number ko kaya alam kong hindi niya ito ginamit ni minsan. "You can keep it. Sayo na 'yan. Kaya ko nga ibinigay sayo para may magamit ka" umiling lang ito at pilit isinilid sa bulsa ko iyon. "Sige, mauna na ako" akmang aalis na ito ng hinagip ko ang braso nitong ikinatigil nito. Wala na akong pakialam kung magmukha akong desperada dahil desperada naman na talaga ako. Desperadang makausap at maayos ang relasyon dito! Damn! Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon ko na na-corner ko ito at makausap ng masinsinan! "Please baby tell me what's the problem? Why are you avoiding me? If I did or say something wrong that hurt or offended you unintentionally then I'm sorry. Please forgive me. Don't be like this baby, can't you see how hurt and miserable am I right now?" basag ang boses na pakiusap ko dito. Nanatili lang naman itong nakatalikod kaya ako na ang nagtungo sa harapan nito at 'di alintana ang pagragasa ng luha ko. "I'm begging you. Please Cedric, h'wag ka namang lumayo. H'wag mo naman akong ipagtabuyan. I told you, hindi ako hihingi ng anumang kapalit. Basta hayaan mo lang ako, hayaan mo akong mahalin at pangalagaan ka. Hindi ako maghahangad ng kalabisan, hindi ako manunumbat. Baby, nakikiusap ako. Ayusin natin 'to, please" napatikom ito ng bibig na pilit iniiwasan ang mga mata ko. Nangangatog na ang mga tuhod ko at sobrang bilis ng t***k ng puso ko! Hindi ko na alam kung paano ko pa siya pakikiusapan para maayos ang relasyon namin. 'Di bale ng hindi niya ako mahalin pabalik. Basta h'wag niya lang akong ipagtabuyang parang aso. Dahan-dahan akong napaluhod at yumakap sa baywang nito na napahagulhol! Hindi ko kaya! Hindi ko siya kayang mawala sa akin. Handa kong ibaba ang dignidad ko at manlimos ng unawa at pagmamahal nito kung kinakailangan! Para na akong mababaliw sa kaiisip dito. Pilit ako nitong itinayo at binaklas ang mga kamay kong nakayakap dito. Napatitig ako sa mga mata nitong ngayo'y wala ng bahid ni ano mang emosyon 'di tulad noon na nakikita kong nangingislap din at bakas ang saya sa mga iyon pero ngayon....matiim lang na nakatitig ang mga iyon na napaka-emotionless. "Hindi ba masamang pilit mo akong inaagaw sa bestfriend mo? Tumigil ka na Liezel, dahil kahit anong gawin mo 'di mo mapapalitan si Annika sa buhay ko!" parang malakas na sampal ang sinaad nito na may kalakasan ang boses! Nagpantig din ang panga nito na kitang nagtitimpi na itong h'wag akong saktan physically sa pagmamakaawa at pangungulit ko dito. "I'm always here for you! Ako ang kasakasama mo, bakit ba hindi na lang kasi ako!" ganting sigaw ko na dinuduro-duro ang dibdib nito. "Nandito siya!" bulyaw nito sabay turo sa dibdib nitong ikinahagulhol ko at napapailing dito! "Paano ako? Kung nandiyan siya sa puso mo, saan ako lulugar saiyo? Mahalin mo rin naman ako Cedric, kahit konti lang. Kahit hindi buo okay lang. Basta h'wag mo akong layuan. Sabihin mo lahat ng ayaw mo sa ugali ko, Cedric babaguhin ko. Kailangan ko bang si Annika para mahalin mo rin ako?" nagpantig ang panga nito na napakuyom ng kamao. "Cedric....hindi mo ba nakikita kung gaano kita kamahal huh? Isang Liezel Del Prado, tinitingala, pinagpapantasyahan, milyong kalalakihan ang supporters pero heto at.... nakikiusap, nagmamakaawa, nanlilimos ng attention at pagmamahal sa isang Cedric Isidro na ordinaryong tao. Binago mo ako Cedric, natuto na akong makuntento at magpahalaga magmula ng makilala kita. Nagpakatino na nga ako at iniiwasan ang mga bagay na maaaring makasakit sayo, Cedric handa kong gawin at ibigay lahat sayo. Gano'n kita kamahal, mahal na mahal kita higit kanino man. Higit pa sa sarili ko. Pwede bang makisuyo, palimos naman oh, palimos ng pagmamahal at oras mo Cedric Isidro" namamaos na ang boses ko sa kanina ko pa pag-iiyak at pakikipagtalo dito. Parang may batong nakabukil na nga sa lalamunan ko kaya ultimo paglunok ay hirap ako. "I'm sorry umasa ka, tinatapos ko na ang ugnayan ko saiyo. Ito na ang huling beses na makikipag-usap ako sayo Liezel. Salamat. Salamat na lang sa pagmamahal mo, pero hindi ko kailangan ang pagmamahal na inaalay mo. May Annika na ako, at na-realize kong......hindi ko siya kayang ipagpalit sayo. Tama na, maawa ka sa sarili mo Liezel. H'wag kang magpalimos ng pagmamahal sa akin. May nagmamay-ari na sa akin...at yon si Annika, na bestfriend mo. So please Liezel, ako naman ang makikiusap sayo....kalimutan mo na ako" malamig pa sa yelong saad nito. Lalo akong napaiyak sa sinaad nito kung paano niya ipinamukha sa aking hindi niya kayang bitawan o ipagpalit si Annika sa akin. Na hindi niya ako kailangan sa buhay niya. Parang kutsilyong tumatarak sa puso ko ang mga katagang binitawan nito harap-harapan! Napailing-iling akong mahigpit na hinawakan ito sa kamay. Nanginginig na ang buong katawan ko at pakiramdam ko'y pagod na pagod na ako pero hindi ako susuko. Ipaglalaban ko pa rin ang sarili. Napaluhod akong sumubsob sa baywang nito na mahigpit niyakap. Ultimo luha ko ay naubos na. Umiiyak ako na wala ng luhang tumutulo sa mga mata ko at sinisinok na rin sa ilang oras kong pag-iyak! "I'm begging you, at least let's stay as a friend. I can't afford to lost you baby. I won't asked you to repay me again. I won't demand anything from you, just let me love and take care of you please. Kahit hindi mo ako kibuan o sulyapan. Basta hayaan mo lang akong asikasuhin ka, at pangalagaan" hinila niya ako patayo at para akong sinaksak ng paulit-ulit sa sinagot nito bago umalis. "Gumising ka na Liezel! Hindi kita kayang mahalin at makasama! Mahal na mahal ko si Annika at 'di ko siya kayang ipagpalit saiyo! Ayo'ko siyang masaktan! Bestfriend mo siya 'di ba? Hwag mo na kaming siraing dalawa, hayaan mo na akong maging masaya! Hindi kita gusto lalong hindi kita mahal!" TULALA AKONG napaluhod at napatingin na lamang sa pigura nitong palayo na nang palayo sa paningin ko. Biglang bumuhos ang malakas na ulan pero nanatili lang akong nakasalampak sa lupa at nanghihinang niyakap ang tuhod. Para akong kandilang unti-unting nauupos. 'Di ko na namalayan ang pag-akay sa akin ng mga personal bodyguards ko at iniuwi ng mansion na tulala at parang basang sisiw na iniwanan ng ina. Matapos akong paliguan at bihisan ni yaya ay pinilit niya akong sinubuan ng sopas soup para maibsan ang panginginig ko. Ramdam ko ang pagod at antok ng makahiga na ako sa malambot kong kama. Tumagilid ako ng higa at hinila ang isang unan na siyang niyakap ko. Mapait akong napangiti at napapikit kasabay ng pagtulo ng luha ko. KINABUKASAN sobrang bigat ng pakiramdam ko. Namamaos ang boses at parang pinipiga ang mga braincells ko sa tindi ng sakit ng ulo ko! Umiikot pa ang paningin at hinang-hina ang buong katawan kong parang sumabak sa gyera! Isang linggo akong na-hospital at laking pasalamat kong 'di ako iniwan ng mga kaibigan ko maging si Kristel. Kahit hindi ko ito iniimik ay inaasikaso pa rin ako nito dahil salitan silang lima sa pagbantay sa akin. Malapit na rin kasi ang sunod na exam namin sa sunod na linggo na siyang pinaghahandaan ng mga ito kahit na mga top student naman kami at vip sa school kung saan kaming anim lang ang magkakaklase. Nang makalabas na ako ng hospital nag-impake na ako ng mga gamit ko at inayos lahat ng papeles ko sa school. Hindi ko na kayang manatili dito. Hiyang-hiya na ako sa inabot ko kay Cedric. Gusto ko na lang makalimot sa pangdudurog nito sa akin. Tama na. Ginawa ko na lahat. Nagmakaawa na ako't lahat-lahat pero....si Annika pa rin ang pinili nito. Mahirap ng baka maulit na naman ang lumuhod ako na mamalimos ng pagmamahal nito kapag nanatili pa ako dito. Nagdesisyon akong umalis ng bansa at sa France na magtatapos. Mabuti na lang at hindi naman umangal sila mommy at daddy na sinuportahan pa nga ako. Tahimik lang sila at alam kong hinihintay lang nila akong magsabi ng problema ko. HININTAY kong nagtungo muna ng trabaho si Cedric bago tumuloy sa bahay nila para makapagpaalam sa magulang nito. Naabutan ko sila sa sala at agad akong pinaunlakang maupo. 'Di na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinabi ang sadya ko. Bakas ang lungkot at pagkabigla sa kanila sa biglaang pamamaalam ko at planong pag-migrate sa ibang bansa. Naluluha ang mga itong yumakap sa'kin at ramdam kong may alam na rin sila kung bakit ako magpapakalayo. Akmang aalis na ako ng hawakan ni nanay Ella ang kamay ko kaya napatingin ako dito. Tumayo ito at pinahid ang luha ko. "Can we talked hija, before you go?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD