NAKANGUSO akong nakasandal sa hood ng sportcar ko dito sa parking lot ng school ni Cedric. Hinihintay ko si Cedric na matapos sa huling class nito.
"Liezel?"
Napalingon ako sa tumawag sa akin na bigla na lang akong niyakap!
"Liezel! Ikaw nga!" tili nito na tuwang-tuwang nakayakap sa akin.
"Anikka?" anas ko na makilala ito.
Kumalas ito na may malapad na ngiti na napasuri pa sa kabuoan ko.
"Aha. How are you, Liz? Bakit nandito ka? Hindi ba dapat sa Del Prado's University ka?" tanong nito na ikinangiti ko.
"I'm waiting for especial someone," kindat kong ikinairit nito na muli akong niyakap..
"Hindi ka pa rin nagbabago. Lalakero ka pa rin," ingos nito na ikinahagikhik ko.
"Wala eh. Maganda tayo."
Nagkatawanan kami na nag-apiran sa sinaad ko.
"Eh ikaw, what are you doing here? Kailan ka pa dumating?" tanong ko dito na napalingon pa sa entrance ng university.
"I want to surprise my boyfriend. Dito siya nag-aaral," sagot nito na kakaiba ang kinang sa mga mata.
Sakto namang may mga estudyanteng naglabasan na kaya napalingon kami doon. Napangiti ako na mahagip ng paningin ko si Cedric na palapit dito sa gawi namin.
"There you are--"
"Babe! Surprise!"
Napalis ang ngiti ko na natuod sa kinatatayuan na sinugod itong niyakap. . . ni Annika!
"N-no way. Si Cedric ang boyfriend ni Annika?" usal ko sa isipan na napakuyom ng kamao!
Naniningkit ang mga mata ko na nakatitig sa mga ito na mahigpit na yakap-yakap ni Annika. Maging si Cedric ay bakas ang kabiglaan sa pagsulpot ni Annika dito.
"A-Annika," utal na sambit ni Cedric na ginantihan itong niyakap.
"Ouch," usal ko na nag-iwas ng tingin.
Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig ng mapagtantong iisang lalake lang ang hinihintay namin ng bestfriend kong si Annika.
Isang linggo lang ang bakasyon nito kaya ang long time ldr boyfriend agad ang pinuntahan. Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako sa natuklasan ko ngayon!
I feel comfort and secured everytime that Cedric's around at nasanay na akong sinasandigan ito. Damn. I really can't help myself falling for him pero bakit sa dinamirami ng tao sa mundo. . . ang bestfriend ko pa ang girlfriend niya for f*****g four years damnit!
"Babe, c'mon I want you to meet my bestfriend, Liezel Del Prado. Sissy, meet my boyfriend, Cedrid Isidro. Nice catch right?" magiliw nitong pagpapakilala sa amin ni Cedric na katulad ko'y bakas ang kabiglaan.
"Yeah, nice catch, sissy. I like him." Wala sa sariling sagot ko kaya napangiwi ito at pinamulaan naman si Cedric.
"Hwag kang ganyan, sissy. Alam kong maloko ka kaya 'di ko 'to ipapaubaya sa iyo noh? Iba na lang."
Pagak akong natawa at nagkunwaring 'di ko pa kakilala si Cedric at labas sa ilong nakipagkamay dito.
"Liezel."
"H-hi, Cedric."
NAGTUNGO kami sa aming restaurant at dito naghapunan. Napapaismid na lamang ako sa hangin dahil naging third wheel na ako, para pa akong hangin sa harapan nila kung maglambingan tsk.
Maya pa'y tumawag si Diane kaya nakapag-excuse ako. Damn! Hindi ko sila kayang makitang masaya, I'm f*****g jealous even though I know I don't have the right to be jealous damnit.
Tumuloy ako sa aming exclusive bar na tagpuan namin ni Diane. Pagpasok ko pa lang ay nakita ko itong prenteng nakaupo sa highchair sa may counter na mukhang problemado. Tipid itong ngumiti ng tinapik ko sa balikat at umupo sa tabing highchair.
"What's up, buddy, wala sila?" aniko at tinungga ang shot nitong vodka.
Anim kaming magbabarkada pero si Diane ang pinaka-close ko.
"Honestly, buddy. Ikaw talaga ang sadya ko. How are you?" nag-aalalang tanong nito.
Matamang itong tumitig sa aking mga mata. Sunod-sunod ko namang tinungga ang mga shoting glass na nakahilera dito sa countertop na shot sana nito. Pagak akong natawa at napailing. Gumuhit ang kakaibang init at pait sa lalamunan ko sa ilang shot kong nainom ng sunod-sunod.
"I feel broken, buddy," pagda-drama ko nang maalala si Annika at Cedric na ngayo'y magkasamang nagdi-date fvck!
"Do you really loved him that much?" napalabi akong napatungo na tumango-tango.
"Yeah, I love him so much but I can't claim him. I don't want to hurt my bestfriend, buddy."
Tumulo ang totoong luha ko dahil totoo namang pakiramdam ko'y brokenhearted ako. Namilog naman ang mga mata nitong napatitig sa akin bakas ang gulat sa reaks'yon nito.
"Alam mo ng si Kristel ang bagong girlfriend ng ex mo? At siya rin ang nagpakita ng video mo kay Louis sa shower party ni Lira sa El Nido?!" bulalas nito na nanlalaki ang mga mata.
Nasamid ako sa pahayag nito na sunod-sunod napaubo. Kaagad naman nitong hinagod-hagod ang likuran ko. Napakunotnoo akong naguguluhan na bumaling dito.
"What do you mean? Kristel is the new girlfriend of Louis?" pangungumpirmang tanong ko dito. Napanganga naman itong tumango-tango.
"Yeah, definitely. But how did you found out?" natutulalang tanong nito.
Napatiim bagang ako na kaagad lumabas ng bar, sinundan naman ako nito at magkasamang sumugod sa gym ng mga Villaflor.
"Buddy, calm down. Hwag mong kalimutang kaibigan pa rin natin siya," bulong nito.
Malalaki ang hakbang nito na sinasabayan akong sigang naglakad ng hallway papasok sa gym nila Kristel kung saan sila ngayon nagpapapawis.
"Vilaflor!?" umalingawngaw ang boses ko dito sa loob ng gym na ikinalingon ng mga ito.
Natigilan ang mga ito nang bumungad kami ni Diane. Sinugod ko ng mag-asawang sampal si Kristel at ang nakakainis 'di manlang pumalag! Kaagad ding pumagitna si Irish at Lira sa amin. Hinawakan naman ni Naeya si Kristel na hinila palayo sa akin.
"You betrayed me, traitor!" bulyaw sabay duro dito!
Nanginginig ako sa galit at gusto kong sirain ang magandang mukha nito ngayon!
"Ohh, c'mon Liz, don't act like you're a victim here. Cause we all know that you're having an affair with that cheap macho dancer s***h waiter!" palabang sigaw nito na may halong pang-uuyam!
Nagpantig ang tainga ko at muli itong sinunggaban at pinagsusuntok sa mukha na pinadugo ang ilong at labi nito. Kaagad naman kaming pinaghiwalay nila Lira at Irish na hindi na magkandamayaw kung sino ang aawatin sa aming dalawa ni Kristel!
"Don't you dare to insult my man! If you want Louis? Go ahead. I don't f*****g care! But don't you dare to insult Cedric in front me, fvck you!" nanggagalaiting bulyaw ko dito na napailing na pinahid ang ilong na tumutulo ang dugo.
"See? Louis deserves someone better. So just accept it and move on," madiing sagot nito sa mataas na boses at sinalubong ang nanlilisik kong mga mata!
"And you think you're better than I, huh?" I sarcastic asked that makes her smirk.
"Yeah, yes you're prettier than I." Anito na napailing. "You're smarter and wealthier than me but Louis deserves a descent and loyal girlfriend. And definitely. . . that's not you, Del Prado."
Pagak akong natawa at napailing sa palabang sinaad nito. Natahimik ang lahat at tensyunado na rin sila sa sagutan namin ni Kristel. For f*****g four years ngayon lang kami nagkasagutan at dahil pa sa lalaki!
"Is that so?" aniko na tumango-tango. "Okay. Hurry, you can have him now. He's all yours from head to toe." Mas kalmadong saad ko dito na natahimik. "I wish he'll love you too the way you loved him. Kaya ko namang magpaubaya kung nagsabi ka lang. But you choose to betrayed me." Dismayado kong saad na ikinalunok nito.
Tumitig ako sa mga mata nito na ngumisi. "Keep this on your mind, Villaflor. From now on. . . I won't consider you as one of my friend anymore." Pang-uuyam ko at taas noong nag-walk-out ng gym.
Kaagad namang sumunod ang apat sa akin na pinigilan ako. Naluluha ang mga ito na bakas ang lungkot at awa sa mga mata nila.
"Hey, buddy. Hwag naman ganito. Hahayaan mo bang masira ang friendship natin dahil sa lalake?" ani Lira at niyakap nila ako isa-isa.
Naluha ako na nag-iwas tingin sa kanila. Diane hug me tight and let me cry. Cry like a baby on her shoulder.
"I'm not the one who destroy it," aniko sa matabang na tono.
Maging sila ay lumuluhang nakatitig sa akin na bakas ang awa at simpatya sa kanilang mga mata.
"I gotta go. Bago pa magdilim ang paningin ko at makalimot ako," pagpapaalam na ako at pinaharurot na ang kotse ko pabalik ng mansion.
PAGDATING ko sa mansion ay tumuloy na ako sa kwarto at dito umiyak nang umiyak. I feel my heart is tearing apart. Ang bigat ng loob ko sa kaisipang ang tinuring kong kaibigan ang sisira sa amin ng boyfriend ko. At ang tinuring kong kapatid na si Annika ang girlfriend pala ng lalakeng kinahuhumalingan ko.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko naman dinadamdam na inagaw sa akin ni Kristel si Louis. Dahil kaya kong magpaubaya. Wala naman talaga akong espesyal na nararamdaman dito, hindi katulad ng kay Cedric.
Nasaktan ako dahil sa pagsira niya sa friendship namin at the same time. Nasasaktan ako dahil 'di ko pwedeng agawin si Cedric sa girlfriend nitong bestfriend ko pala.
"Why world is so unfair?" pagkausap ko sa sarili.
Nakatulugan ko ang pag-iyak kaya kinabukasan ay mugtong-mugto ang mga mata ko. Hindi na muna ako pumasok ng school maging sa mga sumunod na araw. Nagkukulong lang ako sa silid at timatamad sa lahat. Mabuti na lang at abala sila Mommy kaya hindi nila ako napapansin.
Salitan din ang pagtawag sa phone ko ngunit wala akong sinasagot. Kahit pinupuntahan na ako ng mga barkada ko dito sa mansion ay hindi ko sila hinaharap.
Hanggang sa kumatok ang maid namin na gabing-gabi na at pinaalam na may bisita ako.
"Ma'am Liezel, may bisita po kayo." Magalang saad nito.
"Palayasin mo, Yaya. Wala ako sa mood." Sagot ko pero muli din itong kumatok.
Naiinis akong bumangon ng kama at nagdadabog na binuksan ang pinto. Parang lumukso sa sobrang tuwa ang puso ko ng mabungaran sa likuran nito. .
. ang taong hindi ko inaasahang makikita ko ngayon dito!
"Cedric!" impit kong tili na hinatak itong mahigpit na niyakap!