Sakay ng isang private plane sina Brett, Anna at Paolo pabalik ng Pilipinas. At matapos ang halos ilang oras na nasa himpapawid ay lumapag na rin sila sa NAIA. Hindi pa rin masyadong nagkikibuan sina Anna at Brett, hanggang sa pasakay na sila sa isang kotse pauwi sa mansion. Panay lang ang baling ni Anna kay Brett, nagbabakasakali na sulyapan rin siya ng binata, pero bagsak ang mga balikat niya nang ni tapunan ng tingin ay hindi nito ginawa. Parang may karayom na tumusok sa puso ni Anna, dahil lang sa katanongan niyang iyon ay naging ganito na si Brett. Naalala pa niya ang sinabi nito noon. Just go with flow... Mapait siyang napangiti, iyon nga siguro ang dapat niyang gawin. Ang sumakay na lang sa trip nito. Pagkarating sa mansiyon ay naunang bumaba ng sasakyan si Brett kasama si Pao

