Isang mainit na hininga ang tumama sa leeg ni Anna na siyang ikinamulat niya ng mga mata. Naramdaman niyang may nakadagan sa kaniya mula sa likuran niya. Napasinghap siya sapagkat si Brett iyon at baka naipit na ang anak nila. Sa pag-aalala ni Anna sa batang nasa sinapupunan niya ay dahan-dahan niyang tinapik ang braso ni Brett. "B-Brett umalis ka riyan." aniya sa lalaki. Hindi niya malaman kung ilang oras ba siyang tulog at ilang oras na rin itong nakadagan sa kaniya. Mula sa pagkakadapa ay rinig niya ang pagpintig ng nasa sinapupunan niya. "Brett!" Malakas na sigaw niya dahil sa taranta. Napamulat ng mga mata ang lalaki, at galit na umalis sa ibabaw niya. Muli itong nahiga ng patagilid at tinakpan ng unan ang buong mukha. Samantalang napapangiwi namang bumangon si Anna. Nangingini

