"Ano ba, bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ni Anna nang hablutin ni Brett ang braso niya. Basta na lamang itong sumulpot habang nasa kusina siya at kumakain ng masarap na batchoy. Naputol tuloy ang gana niya. Masama niyang binalingan ang binata na ngayon ay nakataas na ang palad tanda na sumusuko na ito. "Okay...okay. Please naman, Anna, bumalik ka na sa bahay." panunuyo pa ni Brett. Pangatlong beses na nitong balik sa lugar upang suyuin si Anna na bumalik na ng mansiyon. Tumikwas ang nguso ni Anna, saka pinamewangan si Brett. "Ayoko." "Anna—" "Ayoko nga sabi e. Bakit ba ang kulit mo? Hindi na ako kailangan doon dahil naroon na ang asawa mo kaya may mag-aalaga na kay Paolo. Kaya umalis ka na. Istorbo ka sa kinakain ko." nakasimangot na reklamo ni Anna. Muli siyang naupo sa bangko at s

