Chapter 23

1858 Words

HININTAY lamang ni Mia na makaalis ang nag-iikot na guwardiya sa bakuran nila. Nang wala na ito ay matulin niyang tinungo ang pader at mabilis na lumabas sa pintuan niyon. Saka lang niya tinawagan si Renny nang nasa labas na siya. Nagpasya siya na sumama kay Renny sa nabanggit nitong unibersidad na papasukan nito pagsapit ng school opening. Kinakabahan si Renny sa pagtakas niya baka hanapin siya at malaman na magkasama sila. "Talaga bang sasama ka sa akin sa school? Siguradong mag-aalala ang mga magulang mo kapag nalaman na wala ka sa bahay n'yo," ani ni Renny, nasa loob na sila ng bahay nito. Mababakas ang malungkot na mukha niya. Matamlay na umupo siya sa sofa. Napansin kaagad siya ni Renny. "Bakit? May problema ba? Masama na naman ba ang pakiramdam mo?" nag-alalang tanong nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD