"HOW'S Mia, Kuya?" salubong na tanong ni Renny sa kapatid nang makarating mula sa school. Naabutan niya na malungkot na nakaupo sa sofa ang kapatid. Saglit lang siyang sinulyapan nito at iniba ang tingin. "She's fine. Kanino mo nabalitaang may nangyari kay Mia?" tanong nito. Umupo siya sa sofa na katapat nito. "Kay Trisha. Hindi papahuli sa balita iyon. Ano ba ang nangyari kay Mia?" "Inatake na naman siya. And that was her last chance. She badly needed a heart transplant, or else..." "Mamatay siya?" dugtong niya sa sinabi ni Rain. Napatingin ito sa kaniya. Nababakas niya ang kalungkutan sa mga mata nito. "I want to go there. Gusto kong makita si Mia." Napatayo siya. "No. Hindi ka rin papayagan ng mommy ni Mia na makita roon," pigil nito. "Gusto ko lang makita ang kalagayan

