MATAPOS magpaalam sa kaniyang pamilya sapamamagitan ng pakikipag usap niya sa mga ito sa cellphone ay isinilid niya sa bag ang hawak niyang cellphone at agad din na umandar ang kotse paalis mula sa kanilang eskwelahan.
..
Matapos maipark ng kanilang driver ang kotse ay agad na silang lumabas ,naiwan ang kanilang driver sa kotse.
pumasok din sila kaagad sa establishment ng mcdo.
binati silang lahat ng gwardiya na naka bantay doon.
"O-order lang kami ni Tiffany". sabi ni Dianne. "mauna na kayo sa taas". dagdag pa nito.
sabay hila kay Tiffany.
sa ginagawa ni Dianne mapagkakamalan silang close ni Tiffany pero sa totoo lang kakakilala palang nilang dalawa.
nauna naman na umakyat papuntang itaas na palapag si Maricar at naka sunod naman si Jordan sa kaniya.
"Maricar,wait. pagpapahinto nito sa kaniya.
huminto naman sa paglalakad si Maricar at hinarap niya ito. sa kaniyang pagharap dito ay bahagyang napa kunot ang nuo niya dahil sa nakita niyang expression sa mukha ng lalaki. naka ngisi kase ito at mukhang inaasar lang siya nito. akmang tatalikod siya ng bigla nanamang nagsasalita ang lalaki.
"Iiwan mo nanaman ako?tanong nito sa kaniya.
hinarap na ulit ito at, "Anong iiwan? kilan ba ako naging sayo? tanong niya sa lalaki.
Ngumiti lang ulit ang lalaki at sinabi "Oo.. iiwanan mo nanaman ako. ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? tanong nito sa kaniya. "at hindi nga kita naging jowa pero kaibigan naman kita." matapat na sabi ng lalaki sa kaniya.
totoo naman ang sinabi ng lalaki pero bat ganun nalang ang pagkaramdam niya ng hiya sa sarili.
akala kase niya ay kung anong klaseng paandar nanaman ito ng lalaki.
...
Napansin naman ni Jordan na nagba-blush ang magkabilang pisngi ni Maricar kaya muli siya nagkaideya na asarin ulit si Maricar.
"Dito Tayo uupo ," sabi niya dito. sbay turo sa mesang pandalawahan lang.
"Ano? jan? ano to Date? naasar na tunong tanong nito sa kaniya.
"Mmmm. Parang ganun nanga." sagot niya dito.
nang makitang umaayaw pa ito at hindi kumikilos. kinuha niya ang kamay nito at hinila patungo sa mesang kaniyang itinuro kanina at pinaupo doon ang dalaga pagka upo ni Maricar ay lumipat naman siya at uupo na sa harap nito.
saktong pagka upo niya ay ang pag dating nina Tiffany at Dianne.
"Ops, Bagay," pang aasar ni Tiffany kay Maricar. at may nakangiting tumingin sa dalaga.
tumawa naman si Dianne ng makitang namumula ang pisngi ni Maricar.
"Oyy. nahihiya siya". saambit nito.
"Tumigil nga kayo ,, para kayong mga bata". saway naman ni Maricar sa dalawa.
napansin naman ni Jordan ang bahagyang pagtayo ni Maricar pero umupo ito ulit. mukhang napansin na yata nito na ang bawat mesang naroon ang pangdalawahan lang talaga at napansin din yang tumingin ito sa dalawa pa nilang kasama.
ngumiti nalang siya umiling iling.
napatingin naman siya da dalaga ng magsalita ito.
"Ahh. D-Dianne . puwede bang palit na tayo na upuan? tanong nito na medyo kapansin pansin ang pagkahiya.
"Total Mag p-pensan n-naman k-kayo. pagpapatuloy na sabi nito.
"Mmm. No. magkukuwentuhan pa kase kami ni Tiffany. pagtanggi naman ng pinsan niya sa dalaga.
"Ahhh. Hehe, Okay". pahilaw na tawa ni maricar at pagsang ayon.
mayamaya ay lumapit na sa kanila ang crew na bit bit na ang order nila.
Tahimik naman si Maricar na Kumakain Habang siya ay sumasabay sa Tawanan ng pinsan niya at ni Tiffany.
Nagulat nalang siya ng Biglang umubo si Maricar at nakita niyang namumula ang mukha nito at sa palagay niya na bulunan ang dalaga.
kaya natarantang Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sa dalaga . niyakap niya ito mula sa likod ng dalaga at pinisil pisil ang sikmora nito ng hindi pa ito naging okay at nailuwa ang kung anuman ang nakain nito para mabulunan ay hinigpitan niya ang pagkayakap at pinuwersang ipitin ang sikmura ni Maricar hanggang sa mailabas na nito ang balat ng crispy chicken na kinain nito.
agad naman na bumaba siya at humingi ng tubig sa Counter para ipa inum kay Maricar. ng makuha na niya ang tubig ay agad na bumalik siya sa itaas at ibinigay agad ang tubig kay maricar.
nang makitang okay na ang dalaga ay nakahinga na siya nang maluwag at kinuha niya ang kaniyang panyo na nasa bulsa ng pantalon niya at ipinahid sa pawis na nasa nuo at liig niya.
napahinto naman siya sa pag pahid ng makitang nakatingin sa kaniya ang tatlong dalaga.
"Hah ahahaha,". Humalakhak sa pagtawa si Dianne .
"Anong, Nakakatawa? tanong niya..
huminto naman si Dianne sa kakatawa at tiningnan nalang siya ng mata sa mata na kapansin pansing may ibig sabihin ang tingin nito sa kaniya. at alam niya na kung ano yon.
Bumalik na sa pagkakaupo si Jordan
para ituloy ang pagkain niyang naudlot.
bago siya nagsimula , sunulyapan na muna niya ng tingin si Maricar na kaharap niya.
Nakita niyang nagpapatuloy narin ito sa pagkain.
kaya nagpatuloy narin siya.
..........