MATAPOS ang nangyayari sa Grocery umuwi na agad si Maricar, pagka rating niya sa kanilang bahay ay puno siya ng saya at sigla , may mga ngiti sa kaniyang labi .
"Maam, Maricar. Ang saya niyo po ngayon!"
Lumingon sa kaniyang Likuran si Maricar nang marinig niya ang boses ng kanilang katulong na si Manang Lusing.
"Ahh. May nangyari lang kase na nakakatuwa manang ,." sagot niya sa Matanda.
"Ahh, Manang , naka uwi na po ba si Tita Levy? tanong niya dito."
"Hindi pa po maam." sagot naman nito.
ako na po maam, ang mag aayos ng mga pinamili niyo." dagdag na wika ni manang lusing.
Matapos ang ilang sandaling pagUusap ay agad naman na pumasok si Maricar sa kaniyang kwarto.
Napaisip si Maricar at napatanong sa Sarili dahil sa napapansin niyang madalas na pag alis ng Tita niya .
Nalulungkot lang kase siya sa Isiping wala siyang Tita Levy na makakausap o makakasabay kumain.
napapadalas din kase ang pag alis ng Tita niya ng Maagang Oras at pagka gising niya minsan ay wala na ito sa bahay. kaya solo nalang siyang kumakain sa hapag kainan.
wala din kase ang Asawa ng tita niya dahil sa Busy ito palagi sa Business nito.
dalawa o tatlong beses sa isang buwang lang umuuwi ang Tito Frank niya. kaya siya at ang mga katulong sa bahay lang ang kasa kasama ng Tita Levy niya.
Nasanay lang din naman kase si Maricar na palaging kasama si Levy kaya malungkot siya dahil sa pagiging busy ng tita niya.
wala na itong panahon upang samahan siya, hindi din kase niya alam ang mga dahilan ng pagiging busy ng tita niya.
at minsan napapansin niya n kung nakakauwi man ito ng tahanan ay hindi siya nito pinapansin. iniisip nalang ni Maricar na bka pagud lang sa trabaho ang tita niya at ayaw nito ng kausap at makakasalamuha. kaya hinahayaan nalamang niya ito.
Pumasok na si Maricar sa kaniyang Kwarto at napahinto sa may hamba ng pinto ng marining niya ang pag tunong ng kaniyang Cellphone na nakalagay sa kaniyang bulsa .
Tinignan niya ang Caller I.D, nakita niya ang pangalan ni Tiffany. sinagot naman agad ito ni Maricar.
"Hello, Tiff? bakit?" tanong niya sa kaibigan .
"Hello, Besty .. Picturial natin mamayang Hapon.. " pagpapaalala nito sa Kaniya.
"Ahh. Oo. muntik ko nang makalimutan".. sagot niya dito.
"Ano., naka pagpaganda kana ba?" tanong naman nito sa kaniya.
"Hindi panga eh, .. Siguro maglalagay nalang ako ng kaunting Foundation at lipstick, maglalagay narin ako ng blush on , at kurtehan ko kilay.. ako ako nalang para dina ako gagastos at di na din hahabol sa oras ." tuloy tuloy niyang sabi sa kausap sa kabilang linya.
"Ikaw talaga, ang tipid mo . " sambit nito..
Di naman nag tagal ang kanilang pag uusap ay naputol na din ang tawag mula sa kabilang linya.
Umupo si Maricar sa sa upuan na kaharap ang Make up table.
Tinutigan na muna niya ang kaniyang Sarili bago sinimulan ayusin ang sarili.
gaya nalang ng sinabi ni kanina kay Tiffany, ay naglagay na siya ng Liquid Foundation at face powder, naglagay narin siya ng Blush on, pangkurte ng kilay at lipstick.
Sinaktuhan lng niy lahat nang nababagay sa kaniya , di naman kase kailangan na kapalan dahil kahit pulbo lang ang kaniyang ilalagay mngingibabaw naman ang kaniyang maganda at simpleng mukha.
Matapos na makapag ayos ay lumabas na siya ng Kwarto , naka suot na siya ng uniporme . tinawag na din niya ang Nakakatanda sa lahat ng katulong na si Manang Lolita.
"Manang Kayo na po muna ang bahala sa Bahay, punta lang akong school para sa Picturial." sambit niya.
"Magtanghalian na po muna kayo maam bago kayo aalis. " aya ng matanda sa kaniya.
"Hindi na po manang, salamat po nalang po pero hindi pa naman po ako nagugutom. mamaya nalang siguro" sagot niya.
"Sige po maam. Ingat po kayo.." sambit naman nito sa kaniya.
......