PUMASOK sa Skwela si Maricar at sa araw na ito naman ang kanilang final exam.
Maagang natapos ang klase dahil puro exam lang ang ginawa ng lahat at napag aralan naman ng mabuti ito ni maricar kaya hindi na siya nahirapan pa.
nakasalubong niya si Tiffany na kakalabas lang ng RestRoom.
nag aya agad ito sa kaniya na mag meriyenda sila sa isang fastfood.
"Ammm.. Mcdo?" Halos sabay nilang sabi.
Tumawa silang dalawa dahil sa pagkakasabay nilang magsalita. agad naman silang napalingun sa likod ng marinig nila ang dalawang kaibigan sina Anton At Jordan.
dumating din si Dianne na galing pa sa kabilang school.
"Ahermm.. Kain tayo? " sabi ni Dianne.
"treat mo?" sambit naman ni Jordan.
"Yes.. Oo naman siyempre .." pagsang ayon naman nito kay Jordan.
"Alangan naman ikaw, eh.. problemado ka diba," dagdag na wika nito.
napa takip naman si Dianne sa kaniyang bibig ng napansing di niya napigilan ang bibig.
" Pareho talaga kayong problemado ni Maricar.." buking naman ni Tiffany .
"Ohh. sha sha... tara na , maya na natin pag usapan mga problemang yan... "Sabat naman ni Anton.
lumakad naman ang lahat maliban kay Jordan na hindi pa nakagalaw mula nang marinig na problemado din pala si Maricar.
Agad naman na nakakilos sa paglalakad ai Jordan nang hilahin siya ng kinikilalang pinsan na si Dianne.
sumakay na silang lahat sa Toyota Rush ni Dianne.
"Manong, Tara na po." Utos naman ni Dianne sa Driver.
Agad naman na pumaharurut ang sasakyan at agad din silang naka rating sa Mcdo . di kase masiyadong matraffic kaya ang bulis nila.
Pumasok na ang lahat sa Tindahan.
.......
"LEVY, Natatakot ako Noon na isauli si Maricar dahil makukulong ako at hindi ko na din makikita ang anak ko na kung saan lang iniwan ni Camille." Maluha luhang sabi nito sa kaniya.
" Kung ganon. bakit mo pinagpalit ang anak mo sa iba? kung takot ka na mawala anak mo sayo? sunod sunod niyang tanong dito.
"Dahil gusto ko na guminhawa ang buhay ng anak ko. hindi ko naman alam na mabubuko ako kaagad." paliwanag nito.
"Gaga ka, alangan man hindi mahahalata, .. gender palang magkaiba na.. san mo ba nilagay ang utak mo? pasigaw niyang sabi sa kapatid.
"So Ano ? magtatago ka habang buhay? dagdag niyang sabi dito.
"Gusto ko monang makausap si Maricar, Gusto kong aiguraduhong hindi siya magagalit sa akin.. Sambit naman nito.
"Huh? ano? alam mo kung ako lang ang nasa position ni Maricar,? kagagalitan talaga kita. at kamumuhian.. " Bulalas niya dito.
Hindi naman kase madali na mawalay sa totoong mga magulang dahil sa kawalang hiyaang ginawa nito sa dalawang paslit.
Ngayon ay namomroblema na sila kong saan nila hahanapin ang totoong anak nito.
Dapat kase na lumantad na Agad sa publiko o magpakita na itong si Melanie kay Camille at humingi ng tawad ngunit hindi lang pala si Camille ang kinatatakutan nito kundi pati na rin ang asawa at mga magulang ni Camille.
siguradong Hindi siya palalampasin ng mga ito.
"Sa palagay ko, Sinisingil kana ng Langit." sambit niya sa kapatid.
Sana naman kase pinag isipan muna nio ng maraming beses ang gagawing krimen bago humakbang.
"Ngayon, Paiyak iyak ka dahil hinahanap mo ang anak mo. ang totoong anak mo." Huh.. satingin ko kinamumuhian ka rin niya. mapanakit niyang sabi dito.
"Alam ko. kaya nga ako lumapit sayo para humingi ng Tulong. Hindi para mas lalo mo lang akong pahirapan at takutin.." mahabang paliwanag sa punto nito sa kaniya.
Nakipag kita kase ito sa kaniya para humingi ng Saklulo. at para makahingi narin ng payo sa kaniya keep ng papaano nito mahaharap lahat ng taong naghahap dito.
.......
Nangmakauwi na si Maricar ay wala ang tita Levy niya. hindi narin niya ito hinanap at dumeretso na siya sa kwarto niya.
flashback
"Hoy, Jordan.. baka matunaw yan?" sambit ni Tiffany.
"hah? alin ang matunaw? wala naman tayong inorder na pwding matunaw?" tanong ni Maricar kay Tiffany.
" Ay sus, ang hina mo Dae... kanina pa kase titig na titig si Jordan sayo .. baka matunaw ka." paliwanag nito sa kaniya.
ngumiti naman siya sa sinabi ng kaibigan. at mayamaya ay napaisip siya kung bakit napangiti siya bigla.
"Alam niyo, Bagay kayo.." sabat naman ni Dianne.
Tumingin naman siya sa gawi ni Jordan na seryosong kumakain.
medyo hindi sila nito pinapansin..
"Ay, suss. Kunwari seryosong kumain , .. Hmmm. Maricar Kumain kana at huwag mo siyang tignan. para ikaw ang titigan niya... " pabiro nitong sinabi ni Tiffany.
tumawa naman sina Anton , Dianne at Tiffany. binalingan niyang muli si Jordan at nagsalubong ang kanilang mga mata.
iniwas naman niya agad ang tingin niya sa binata ng makaramdam siya ng bahagyang pagkailang dito.
.....End of Flashback.
Ngumiti si Maricar habang naka titig sa Kisame. , tumingin naman siya sa gawi ng pinto at nakitang pumasok ang tita Levy niya.
.......