RING..RING...RING nagriring ang telepono sa bahay nina Maricar.
"Ako na Maricar maupo kanalang jan at kumain, total tapos naman na akong kumain. pagpigil ng tita Levy niya sa kaniya.
kaya hindi na niya itinuloy pa ang pagtayo.
nang makitang sinagot na ng tita niya ang tawag ay itinuon nalang niya ang sarili sa harap ng kaniyang plato at patuloy na kumakain.
nagulat nalang siya na biglang napasigaw ang tita Levy niya.
"What? where are you? Melanie Answer me? pagulat na tanong nito.
susubo na sana siya ng napatigil siya nang marinig ang pangalan ng kaniyang Ina. ilang sigundo pa ang kaniyang kinatigil at napatitig sa babaeng may kinakausap sa telepono bago siya nakatayo at tinungo ang area ng tita niya at inagaw agad ang telephono.
"Mom? sambit niya. at nang marinig ang boses ng kaniyang ina ay unti unting naglandasan ang mga luha sa kaniyang mga mata. at gayong din ang kaniya mommy.. hindi man niya ito nakikita ngunit sa boses nitong namamaos din ay alam niyang umiiyak ito.
nabigla pa siya ng kuhanin ang telepono ng tita levy niya.
"Hello, Melanie. its me levy, wala tayong dapat na sayanging oras. so tell me kung nasaan ka ngayon? tanong nito..
pilit naman niyang pinakiusapan ang tita niya na gusto niyang siya muna ang makikipag usap sa mommy niya. ngunit walang kwenta lahat ng pakikipag usap niya dito dahil alam din niyang namimis na din nito ang kapatid.
kaya hinayaan nalang niya.. dahil wala din namang siyang magagawa.
nakita niyang umiiyak na din ang tita niya, wala siyang kaideya ideya na kung ano na ang napag usapan nito at ng mommy niya.
at narinig niya na "Ano? hindi pa pwde ? bakit? namimis kana namin.. lalo na ni Maricar kaya please kahit na magkita lang tayo sekreto lang... pagkabila at pangungulilang sambit nito.
hanggan sa binaba na ang telepono.
"Tita? a-anong sabi ni m-mommy? pat tatakang tanong niya..
hindi niya kase alam kung anong napagusapan ng mga ito dahil matapos maibaba ang telepono ay maslalo lang itong umiyak at bigla nalang siya niyakap nito.
"Nakatakas daw siya sa Tito mo. pero maraming taong naghahanap sa kaniya ngayon kaya hindi pa pwding makita natin siya." malungkot na pag amin nito sa kaniya.
nang marinig ang sinambit nito bigla niyang naalala kung paano gulpihin ng Tito Rodulfo niya ang mommy niya.
"walang hiya kang babae ka..
ang lakas ng loob mo.
PAK....
nablanko nalang siya at nakatulala ng makita ang mommy niya na binubugbog ng tito niya .
narinig paniyang nagmamakawa ang mommy niya pero hindi ito pinakinggan.
bumalik lang siya sa sarili niya nang makitang naka bulagta na ang kaniyang ina at wala na sa ulirat nito.
"Mommy, please gising na po ... mommy. mommy. pagmamakaawa niya.
hanggan sa naramdaman niyang may humila sa kaniya palayo sa mommy niya . kinukuha na pala siya ng dalawang lalaki .para isakay sa isang kotse ng pinaandar na ang kotse ay nakita din niya na may bumuhat sa mommy niya para isakay sa Ambulance na kakarating lang.
..Mula nang pinauwi siya nang sapilitan ng tito Rodulfo niya sa tita Levy niya ay 5araw ang itinagal bago niya nakita ang mommy at yun na din pala ang huli.
"Hija.. alam ko na mas masakit sayo yun. dahil nakita mo kung paano siya saktan ng hayop na yun... sambit ng tita niya .. pero kilangan ngayon magpakatatag ka at manalangin na sana hindi siya muling makuha ng taong yun .. dagdag pa nito.