Chapter 59

1655 Words

Hindi ako makakilos, pinanood ko lamang na mawalang parang bula sa kumpulan ng mga tao si Raphael. Oo, alam kong si Raphael iyon. Pero  paano? Patay na siya? Narinig ko ang doctor noong sabihing patay na siya. Nababaliw na ba ako? Nakikita ko ba ang hindi ko dapat makita? Nanginginig ang buong katawan ko at tila walang maramdaman. "Liegh? Are you okay?" May narinig akong nagsalita ngunit tila kay layo. Kasing layo ng tingin ko dahil hinahanap pa rin ng mga mata ko si Raphael. Ang mukha ni Raphael. "Liegh?" Ngayon ay naramdaman ko na, na may humawak sa balikat ko. Tumingala ako. Nasalubong ng mga mata ko ang mga mata ni Ken. Napalunok ako. Sasabihin ko ba ang nakita ko? Baka namamalikmata lamang ako. Baka dahil sa laging siya ang iniisip ko kaya nakikita ko si Raphael? Baka dahil bigl

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD