Rafael Nakamasid ako sa aking bintana at tinatanaw si Liegh doon. Akala ko ay uuwi na siya ngunit hindi naman sumakay sa tumigil na taxi sa harapan niya. Tila may kausap sa telepono.m at panay ang linga. Nagtataka ako kaya lalo kong hindi inalis ang tingin sa kanya. Nang ibaba niya ang telepono niya, binalak ko siyang tawagan ngunit nang makita kong may itim na van na tumigil sa harapan niya, lalong hindi ako mapakali. Nagpalinga-linga pa siya at umangat ang tingin sa gawi ng opisina ko bago pumasok sa loob nang bumukas iyon. Sino at bakit sumakay si Liegh doon? I know her! Hindi naman siya nagpapadalos-dalos ng desisyon. Hindi rin siya basta-basta sumasama sa kung sino. Literally, that van is very suspicious pati na ang kinikilos niya. I opened my cellphone and track hers. Buti na

