chapter 9

1014 Words
"Excuse me!?" Naiirita ako dahil nalalanghap ko ang amoy alak buhat sa katawan o hininga ni sir Calle nang harangan niya ako patungo sa kusina upang magluto. "What!?" Pabalik na tanong nito sa akin habang nakangiti. "You smell like alcohol, are you drunk?" tanong ko sa kanya. "Just a little bit." Mas lalo pang dumikit sa akin si sir Calle at halos masubsob na ako sa kanyang dibdib. "Sir.. I need space, I want to go to the kitchen, I need to cook for our dinner," saad ko sa kanya. Nagulat ako sa kanyang ginawa dahil hinagkan ako nito sa labi nang mabilis. "Why do you do that?" Isang malakas na sampal ang ginawad ko sa kanya. "I told you I'm gonna kiss you if you call me sir," nakangiting tugon nito. Hindi ako nakatugon, nanatili lang na naka kunot ang noo ko. Ang busit na lalaki akala aalis dahil nasaktan sa sampal ko mas lalo pang dumikit sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay at kinabig ang bewang ko kaya wala akong kawala sa kanyang nais gawin. "Stop it! Pervert!! You wanted to harass me!?" singhal ko dito. Nakakainis, dahil imbis na umalis ito mas lalo pang nang asar. "I like you the way you treat me like that, a snobber," saad ni sir Calle bago niya tuluyang sakupin ang labi ko. Wala akong kapalag palag sa tangkad niya at lakas. Pamilyar sa akin ang halik na iyon, nagbalik sa aking isipan ang unang gabi na may humalik sa aking labi. Kaya buong lakas ko siyang naitulak at dalawang beses ko siyang nasampal sa pisngi. "I'm sorry," mahinang saad nito saka tuluyang umalis. Agad akong tumungo sa silid ko at pumunta sa sink upang maghilamos. "Nakakainis mukhang hindi ako magtatagal sa bahay na ito," saad ko sa aking isipan habang nakatitig sa salamin sa sink ng rest room ko. Hindi pa man ako nakakalabas ng rest room nang may kumatok sa kwarto ko. Ayaw ko sana pagbuksan dahil alam kong si sir Calle lang iyon. Pero tinungo ko pa rin ito at pinagbuksan. "Don't cook your dinner tonight, I bought some food online just wait here," saad nito saka agad umalis ni hindi nga nito hinintay na tugon ko. Narinig ko ang andar ng sasakyan nito, kaya sumilip ako at nakita kong umalis ito. Sa bulong bulong ko saan na naman kaya pupunta ang busit na lakaking iyon, kaya pala ang pagkakasabi your dinner dahil ako lang ang binilhan niya ng pagkain para sa hapunan. Ilang minuto lang nakalipas may nag door bell na sa main gate kaya agad akong lumabas upang alamin kung sino ito, ito na pala ang delivery man na naghatid ng pagkain. Agad kong kinuha ang pagkain at isa isang inilagay sa plato. Aba, nakakapagtaka dahil puro filipino foods ito kaya napangiti na lang ako at agad kinain ang pagkain lalo agad ko itong namis ang mga pagkaing pinoy. ******** Kinabukasan, tulad ng dati ng lunes may trabaho si sir Calle kaya maaga akong nagising upang magluto ng breakfast nito. Tahimik lang akong nakaupo sa upuan sa hapag kainan upang hintayin siya, kaya lang ilang minuto na nakalipas Wala pa rin ito kaya agad akong tumungo sa kanyang kwarto upang gisingin ito, napansin ko sasakyan niya sa parking lot ng mansyon kaya alam kong umuwi ito noong gabi. "Calle.... Calle..." Paulit ulit kong tinawag si sir Calle, may kasama pang katok upang magising ito maya maya pa pinagbuksan ako nito ng pinto. "What?" seryusong tanong nito na nakakunot pa ang noo at halatang bagong gising suot ang bathrub. "Your breakfast is ready po," tugon ko dito. Gusto kong kumilos ng actual at ibaliwala ang nangyari noong gabi. "Okay, wait for us," tugon nito. Nakaiwan na naka awang ang pinto dahil sa curiosity ko, sinilip ko na naman ang kwarto at kitang kita nang dalawa kong mata ang paghalik nito sa pisngi at labi ng babaeng nakabalot sa kumot na nakahiga sa kama niya. Napakunot ang noo ko. Kaya pala wait for us, at may kasama busit na lakaking ito samantalang kagabi ako kinikiss ngayon ibang babae hinahalikan at mukhang katabi niya pa matulog. Kaya nang makita ko ang lambingan ng dalawa, umalis na ako at tumungo sa hapag kainan, at doon na lang sila hintayin. "Hi good morning," bati nang babae sa akin at ngumiti. "Good morning ma'am," tugon ko dito at ngumiti. Pinasadahan ko ang babae, tiningnan ko mula ulo hanggang paa. Ang kinis, ang puti at ang ganda ng mukha parang artistahin ito. Pinagsilbihan ko ang dalawa, at hindi man lang nagsalita dahil sa kapwa sila Spanish nag uusap sila ng kanilang lengwahe iyong iba naiintindian ko iba naman hindi. Naiirita ako, kasi kahit sa hapag kainan nag lalambingan ang dalawa na para bang wala ako doon. Sabagay, sa panahon ngayon parang wala na iyong tipong kasal muna bago siping, kung ako hindi naging biktima ng lintik na alak at nagpabuntis sa lalaking hindi ko man lang nakilala eh ganoon ako, kasal muna bago siping. Pero ito, nagkamali na ako at nagbunga pa pagkakamali ko dahil nagkaanak ako ng lalaki. Naisip ko tuloy ang anak ko, kaya agad kong dinukot ang aking cellphone upang tingnan ang mukha ng aking anak na cute na nasa screen saver ko. "Is that your son?" Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala ang babaeng naroroon. "Yes ma'am," mabilis na tugon. "That is so cute, don't call me ma'am. I'm just an ordinary girl, so by the way thank you, your food is so good. Keep it up," saad muli nito at tinapik pa ako sa balikat. Ngumiti ako dito, napasulyap naman ako kay sir Calle na seryuso lang ang mukha na nakatingin sa amin. Pagkatapos nilang kumain, tumungo na ang mga ito sa parking lot. Sinundan ko lang ng tingin. Aba, ang nakakainis dahil parang walang kasawaan ang lambingan dahil kahit hanggang sa parking lot walang kasawaan ang harutan at kung mag halikan parang walang bukas parang miss na miss ang isat isa. Hindi ko alam bakit naiinis ako, ewan ko parang ako kasi ang nahihiya sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD