Cullen
"Naku Cullen!" nagmamadaling sabi sa akin ni Nana Sonya noong kapapasok ko lang sa bahay kasama ang mga bata.
"Bakit po Nana?" tanong ko sa kanya.
"Dumating dito si Liyue kasama ang nanay nito at kapatid ni Sage na bestfriend niya," sagot nito.
"Ano pong meron?" tanong ko sa kanya.
"Ngayon ang heat ni Liyue. Sabi ay kailangang si Sage lang daw ang alpha na kasama niya para raw magkaanak na sila kahit wala pang kasal. Plano iyan noong mga tatay nila. Ibig sabihin titira dito ng ilang araw si Liyue at sa kwarto mismo ni Sage ito magkukwarto! Kalandi talaga ng omegang iyan," inis na sabi ni Nana Sonya. "Napakadesperado na talagang mabuntis ni Sage," aniya pa.
Nasaktan ako sa sinabi ni Nana Sonya but who am I to say no to Sage? Magiging asawa na niya ito at natural lang na magkaanak sila. We ended our relationship years ago and it's just my stubborn heart who is still holding on. Nevertheless, tears form in my eyes. As soon as Liyue got pregnant, they will get married.
Nakita ko ang awa sa mga mata ni Nana Sonya. As if she knows what I feel.
"Cullen.." tanging usal niya.
"Ay naku Nana," natatawang sabi ko habang pinupunasan ang aking mga luha. "Okay lang ako. Huwag po kayong mag-alala," sabi ko pa bago tuluyang lumakad patungo sa silid namin ni Eon at doon ay tuluyan na akong nilukob ng sakit at pighati.
Nagising ako ng hindi ko alam kung anong oras na. Must be night already. Hindi naman ako ginising ng mga bata. They probably thought that I'm tired. Lumingon ako sa higaan ni Eon. He's sleeping soundly. Tumayo ako at saka inayos ang kanyang kumot. Napangiti ako. I consider him my son at napakalapit niya sa aking puso. Kung sakaling aalis ako dito, isasama ko siya kahit na attached na ang triplets sa kanya.
My plan is to leave Sage for good at mabayaran lahat ng perang nagamit niya. Kasi kung dito pa rin ako titira, magdudusa lang ako. I need to talk to Sage as soon as possible.
Lumabas ako ng kwarto. Tahimik na ang paligid. Tanging dim light na lamang ang tanglaw ko habang naglalakad patungo sa kusina. Nasa first floor lang ang kwarto namin kung kayat hindi ko na kailangang bumaba pa ng hagdan. Tahimik rin akong naglalakad sa carpeted floor ng sala.
"Shhh not here, Sage," narinig kong my bumulong ilang dipa lang ang layo sa akin sa madilim na bahagi ng pasilyo.
"I want it right now," sagot naman ng isang boses. Kumubli ako sa madilim na bahagi ng pasilyo upang masilip kong sino iyon.
Halos hindi ako makahinga noong makita ko ang scenario sa pagitan nina Liyue at Sage. Liyue and Sage are both naked. They are in the middle of mating. Hindi ako tanga para hindi ko alam ang ginagawa nila. Pakiramdam ko ay may isang malaking kamay ang pumiga sa aking puso at sa sobrang sakit ng pagpiga ay tumulo ang hindi ko napigilang luha.
Sa likuran ng aking kinatataguan ay naririnig ko ang mga ungol nilang dalawa. My heart finally broke into pieces as I silently walked away from there. Kung kanina ay gutom na gutom na ako, bigla akong nawalan ng ganang kumain.
Being here is torture. Wala akong lugar sa bahay na ito. Oo nga't mahal ko si Sage ng sobra to the point na pumapayag ako sa bawat pagniniig namin ng buong puso. I love her. I love her so much that I gave everything I have including my pride.
"Mama?" tanong ni Eon na nagising sa pagsara ng pintuan at ang aking mga mahihinang hikbi.
"Ako lang ito, anak. Sleep again," sagot ko sa kanya bago hinaplos ang kanyang buhok.
"Umiiyak ka po ba?" tanong pa niya.
"No," sagot ko sa kanya na pilit na pinipigil ang paghikbi.
"Okay Ma. Goodnight," aniya.
"Goodnight, Eon," sagot ko sa kanya.
Umiwas ako.
Iniwasan ko ang magkita kami ni Sage. Kung may free time ako ay gumuguhit ako ng mga bagong design para sa jewelry na ipapasa ko. Nabasa ko na rin ang content ng kontrata at mga condition ng Alta Maria roon. I need to make at least three designs exclusively for them.
Ilang araw din akong walang maisip. Blanko ang utak ko. Sobrang naapektuhan ako sa nakita kong scenario na paulit-ulit na nagpi-play sa aking utak. Ilang araw na rin akong tinanong ni Saffron if nabasa ko na ba ang contract. I said yes and I have to design at least three as per requirements.
I was struggling. Hindi ko na mabilang kung ilang bond paper na ang nilakumos ko at hindi nabubuo ang design na gusto ko. I need to breathe or take a day off.
"The kids will be with me on Monday. You don't have to go with us," sabi ni Sage habang nasa loob ako ng kwarto ng mga bata at naglilinis.
"Oh" kaswal na sabi ko sa kanya habang nakatalikod. I don't feel like wanting to see her. "Then can I go ask for a day off on that day?" tanong ko habang nagpupunas ng mesa.
"Where will you go?"
"I'm thinking about going to the mall with Eon. Will that be okay?" tanong ko sa kanya sabay harap sa kanya at hindi tumitingin sa kanya.
"Who's with you? Kayo lang ba dalawa?" tanong niya na sa tingin ko ay para akong specimen sa higanteng microscope kung makatingin ito dahil ramdam na ramdam ko ang mga titig niyang nanunuri kahit na hindi ako nakatingin.
"Wala. Just us," sagot ko sa kanya.
Ilang sandali itong hindi nakaimik.
"Okay. But phone on. Do you understand?" aniya sa matigas na tono ng boses.
"Yes," sagot ko sa kanya at saka nagmamadaling tumungo sa pintuan.
"Cullen?" narinig kong sabi niya.
Napahinto ako sa paggalaw, my back on her.
"Do you need anything else?" tanong ko na pigil na pigil ang boses na hindi pumiyok.
"Nothing. Just go home before six in the evening," sabi niya.
"Okay," sagot ko at saka tuluyang lumabas na sa silid.
It hurts seeing her so bad. I want to just go as far as I can from her. Okay na ako sa ilang araw na hindi namin pagkikita. The kids like to play in my room at lumalabas lang kapag kakain or matutulog na.
Sage is always busy at nasurprise ako kung noong nasa bahay pa siya at pumunta sa silid ng mga bata.
"What are you doing inside with my fiance?" tanong sa akin ni Liyue na hindi ko napansin na nakaupo pala sa sala malapit sa kanaroroonan ko.
"May sinabi lang siya sa akin," sagot ko sa kanya.
"Liar!" sabi niya at saka tumayo upang lumapit sa akin. "Do you have hots on her huh? May I mind you that we will get married soon so back off," aniya pa.
Napabuntong-hininga ako.
"Hindi ko ugaling magkagusto sa taong may commitment na. So please, hold your horses. Sayo lang ang fiance mo," sagot ko sa kanya at saka nagsimulang humakbang palayo sa kanya.
"I'm not done yet!" sigaw niya.
Pumihit ako paharap sa kanya.
"Anything else you wanted to say?" kalmadong tanong ko sa kanya.
"And also dumistansya ka sa mga bata. In the future they don't need you because I will be their mother. I will be the one who will take good care of them," sabi pa niya.
"Do what you want. And I'll do what I was paid for," sagot ko sa kanya. "And also they don't like you. It's clear as glass. Make them want you first," dagdag ko pa.
"How dare you!" sigaw niya at humakbang palapit sa akin at dinuro-duro ako. "Isa ka lang na hamak na recessive, anong alam mo sa mga batang anak mayaman? Ah," aniya na tumawa ng nakakaloko. "You want to bring them pauper style? Like you do?"
Nainis ako sa sinabi ni Liyue. Gusto ko sanang sumagot.
"Liyue, what are you doing?" tanong ni Sage na nakalabas na pala sa kwarto ng mga bata b
Biglang naging maamong tupa ang bwisit.
"Oh nothing darling. I just greeted Cullen," sagot niya ngunit ang mata ay animo'y lion na gusto ng lumapa.
"So what's the result?" tanong ni Sage.
Hindi ko nakailangan marinig ang kanyang usapan ng dalawa. Nagpatuloy akong humakbang palayo sa kanila.
"It's positive. I'm two weeks on the way, Sage. We're having a baby," masayang sabi ni Liyue.
I can't swallow the lump that forms in my throat. Dahil sa pagsalakay ng milyong milyong kutsilyo sa aking dibdib. Hearing those words is like I was struck by lightning from above. Ayaw humakbang ng aking mga paa dahil panghihinang nararamdaman ko. Gayun pa man ay pinilit ko itong ihakbang habang kagat labing umiiyak ng walang imik.
At ng magtagumpay akong makalayo, nagkulong ako sa aking silid at doon, muli ang ibinuhos ko ang lahat ng sakit sa pamamagitan ng pag-iyak.
So this is it. I'm finally giving up this love I had kept for fifteen years. Sage isn't mine anymore. Ikakasal na siya at higit sa lahat ay magkakanak na siya sa omegang pinili niya. Wala na. Tapos na. Wala na akong pag-asa. The tiniest chance I felt back then was swallowed by pain and darkness na hindi ko na makapa sa loob ng aking dibdib. My heart beats irrationally, as it is suffering from the pain. Maybe, the heart won't be stubborn again to beat only for Sage.
Wala na. The thread of chance finally snapped.
To end it all, I need to get out of this house. Pero paano? Hindi ko alam kung magkano ang ginastos ni Sage sa pagbabayad ng mga utang ng mga magulang ko. At hindi ko rin alam kung paano ako makakabayad sa kanya.
"What?" tanong sa akin ni Sage.
Nilakasan ko ang aking loob na lumapit sa kanya aftet few days.
"I'm asking if magkano ang nabayad mo sa lahat ng utang ng mga magulang ko," sagot ko sa kanya.
"Fifty million, may pambayad ka ba?" sagot na patanong niya.
Napalunok ako. That is a freaking huge amount. How am I supposed to pay for it?
"So may pambayad ka na dahil nagtatanong ka kung magkano ang utang mo. Thinking of running away?" tanong niya.
Say it.
Iyon ang udyok ng aking isipan.
Say it so you can move on.
"Yes," sagot ko sa kanya making her flinch.