Hindi tama na paghinalaan ko si Tranz dahil lang sa nalaman kong nandito si Lily sa Maynila. Your husband is better than this, Mina. Tama... Hindi ganitong klase ang asawa ko. He can't do anything like this. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na mapaglaro at kung sino-sino ang mga babae sa bisig. Pumikit ako at tumingala. I didn't know that the sky full of stars is a sad scene, not until tonight. Naiiyak man ako ay pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil wala naman akong sapat na ebidensiya para patunayan na nagkikita nga ang dalawa. "Mina, anak?" untag sa akin ni Nanay kaya kahit masakit ang lalamunan ko ay pinilit kong sumagot. "Nay, tatawagan ko po kayo bukas, ha? P-paparating na kasi ng asawa ko. Anibersaryo kasi namin ngayon, eh." Pinilit kong pasayahin ang boses ko para h

