“Ano bang nangyari?” tanong ko para pahabain ang oras ng pag-iisip. Hindi umimik si Mommy. Si Daddy Armand ang sumagot sa nakakakabang tinig, “Nahuli ko ang Mommy mo kasama ang kalaguyo niya na palabas na ng motel habang papunta ako sa gym.” Dedma lang si Mommy sa galit na boses ni Daddy Armand. “Sasama ka ba o hindi?” pagalit na tanong niya. Tumingin ako sa mukha ni Daddy Armand. Naghahanap ako ng senyales na kahit katiting na pwede akong magpaiwan kahit ngayong gabi lang. Payagan akong makasama siya kahit ngayong gabi lang at pagsilbihan siya for the last time. Pero parang tinabunan ng makapal na ulap ang mukha ni Daddy Armand at wala akong maapuhap na pag-asa kaya humarap ako sa aking ina. “Mag-aayos lang ako ng gamit.” Lalong dumilim ang mukha ni Daddy Armand. Tumayo sa sofa saka

