CHAPTER 20: REUNION, PART 3

1812 Words
Sera's POV Nang makaalis si Wilson para hanapin si Hetera bigla namang umingay dahil sa sunod-sunod nilang bangayan. Hindi ko lubos na maisip kung bakit nga ba talaga pumayag ang magulang ko sa plano ng dalawang matanda. Kung ano man ang nakaraan nila hindi na sana nila dinamay ang mga bata, gulo nila 'yon kaya dapat tinapos na nila noon pa. At saka may iba pang paraan hindi 'yong arranged marriage.  "Ano na lang ang mangyayari sa 'ting business? Hindi p'wedeng balewalain ang nasabi sa kontrata!" Sabi naman ni tita Venize.  Of course, I know her! Kaibigan ng anak niya ang kapatid ko at lahat dito kilala ko dahil bago ko pa sila makaharap, I did a background check on them at nalaman ko ang pamilyang Lim, Bervara at Peralla ay dating magkaribal, magkalaban sila dahil iba't iba ang kanilang angking kayamanan ngunit nang dumating si Miss Silvina which is lola ni Hetera at ng iba pang apo niya ay nagbago ang lahat. At sa hindi malamang dahilan, napagkasunduan nila na magkaisa para mapanatili ang kani-kanilang kayamanan para sa susunod pang henerasyon. Gahaman talaga sa pera ang mga taong 'to at hindi ko maitatanggi na gano'n din ang nais ng pamilya ko. "Huwag kang mag-alala, Venize. Nandito ako,' Sabi naman ni sir Rico. 'Hangga't nabubuhay ako walang makakasira sa 'tin." Kampanteng sabi niya pa. "Pero, dad! Isipin mo naman 'yong dalawang bata." Si tita Helzi naman. Normal naman na maramdaman ng Ina na mag-alala lalo na't anak niya ang pinili para pakasalan ang kapatid ko. "Helzi, my decision is final." "Excuse me? P'wede naman siguro na bigyan natin ng oras ang ating mga anak, miss Helzi. Baka sakaling pumayag din sila. Matagal pa naman ang kasalan kaya madami pang oras." Nagsalita na rin si mama.  Pabor na talaga ang magulang ko dito ngunit iba ang gustong mangyari ni mama. Nang makausap ko siya tungkol dito nalaman ko na kaya siya pumayag ay para magbago si Wilson dahil nakikita niya na mabait na bata si Hetera. Kahit na minsan lang sila umuwi, may balita pa rin silang natatanggap dahil kay lola. Habang si papa, katulad lang ni lola. Iisa lang ang kanilang hangarin.  At para sa akin, naniniwala ako kay Wilson kung ano man ang maging desisyon niya susuportahan ko siya. Kilala ko ang kapatid ko, gagawa at gagawa siya ng paraan kung ayaw niya talagang ituloy ang kasal. Kung magbabago man ang desisyon niya, isa 'yong milagro. Sumang-ayon naman si papa sa sinabi ni mama. "Hon." Narinig ko naman si sir Enrico na tinawag ang kanyang asawa na si miss Helzi. Tumango na lamang si miss Helzi at hindi na nagsalita pa. Hawak talaga ni sir Rico ang leeg nila, they all look like puppets because of him. Muli akong napabuntong-hininga dahil sa mga desisyon nila. "Hindi naman malabo na magkatuluyan ang dalawang bata na 'yon. Tutal para rin 'to sa ating lahat." Sabi naman ni tita Levia ang Ina ni Brentt katabi niya ang kanyang asawa na tahimik mula pa kanina na si tito Vee. Dapat talaga wala dito si tito Vee kaso importante ang pagtitipon na 'to kaya umuwi siya dito galing Amerika. Nalaman ko rin kay lola na mag-uusap din sila mamayang lahat kung saan labas na kaming mga anak at apo nila. "Right, son?" Tanong niya pa sa kanyang anak. "Y-yeah." Nauutal pang sabi ni Brentt.  I knew it! Napainom naman ako ng wine sa baso at marahang tumango. Kanina ko pa siya napapansin na nakatingin kay Hetera at nang malaman niya na ikakasal si Hetera kay Wilson nagbago ang kanyang ekspresyon. I trust my intuition, I'm a woman and I'm always right. Therefore, I conclude he likes Hetera! Bahagya naman akong napatingin kay Harles, 'yong panganay na anak ni miss Helzi at sir Enrico. Hindi ko naman inaasahan na mahuli siyang nakatingin sa 'kin. Gandang ganda ka sakin, noh?* Kaya naman inirapan ko siya kahit na may kasalanan ako sa kanya, I don't know pero naiinis ako sa kanya. He's so full of himself. Ayaw niya pang tanggapin ang offer ko, bahala siya. Pero, I should be thankful, right? Kasi hindi niya ako pinakulong pero kahit na! Nakakainis pa rin siya. "Bakit ba ang tagal nila?" Reklamo na ni miss Kyla. Isa sa mga Lim. "Matuto kang maghintay, sis." Sabi naman ni miss Thea.  Napailing na lamang ako. Madami talaga ang angkan ng Lim. Madaming anak si sir Rico at miss Silvina ngunit hindi ko alam kung ano ng nangyari kay miss Silvina. Kaming mga apo nila ay walang kaalam-alam. Masyadong misteryoso ang nakaraan nila. I wouldn't let my curiosity get the best of me. After all, curiosity killed the cat. "Mukhang may namumuo na." Biro naman ni sir Ben. "Malay mo naman?" Sabi naman ni miss Nicole. "Magsi-swimming pa kami!" Sabi naman ng batang babae na mukhang spoiled brat. Kanina pa nga nag-iingay, unti na lang tapalan ko na ng tape ang bibig niya.  I don't like kids. Wala yata akong balak na manganak.* Wala pa nga akong boyfriend, buntis na nasa isip ko. Kailan kaya? Just kidding!* "Ako rin!" "Me too!" "Me three!" "Me four!" Ang daming mga bata.  "Huminahon kayo, children.' Mahinahong sabi naman ni sir Rico pero alam kong naiinis na rin siya, 'Pupuntahan ko na sila." Dagdag pa niya, hindi n siya makatiis sa kakahintay sa kanila. "Grandfather, ako na." Bigla namang tumayo si Harles. Hindi ako magpapatalo. Gusto ko ring puntahan ang kapatid ko.*  "Ako rin po." Sabi ko. Bahagya namang napaawang ang labi ko nang makita ang ngiti sa kanilang mga labi. Kami naman ngayon, gano'n?*   "No, It's okay." Sabi naman niya kaya umupo na lang kami ni Harles. Walang patutunguhan ang usapang 'to kung magpupumilit pa kami dahil baka sa isang iglap mapunta pa sa 'min ang usapan.  Tuluyan ng umalis si sir Rico para puntahan ang dalawa. Hetera's POV Nang makalayo ako sa kanila nagtungo ako sa garden kung saan walang tao. Pinipilit ko na hindi umiyak ngunit hindi ko kaya. Kapag pinipigilan ko ang tunay kong nararamdaman, mas lalo lang akong sumasabog na parang soft drinks na nilagyan ng mentos. Kailangan ko pa talagang tanggalin ang contact lenses sa mga mata ko dahil maaaring lumabo ang mga mata ko kapag hinayaan ko lang 'tong nakalagay habang umiiyak ko. Akala ko ngayong taon magiging masaya ang reunion nguniti nagkamali na naman ako. Hindi nga ako napahiya pero hindi ko naman nagustuhan 'yong sinabi nila tungkol sa 'min.  "Hey." Napapikit na lamang ako na may taong biglang nagsalita sa tabi ko. Ayokong ipakita ang mga mata ko sa kanya dahil alam kong isa rin siya sa mga taong katatakutan ako. Siya pa talaga ang humanap sa akin. Wilson.* "Bakit ka nandito?" Tanong ko. "Masama bang samahan ka?" Oo masama dahil baka malaman mo ang sikreto ko.*  "Hindi ko kailangan ng kasama."  "Sus. Ba't ka ba umiyak, ha? Wala namang ginawa sa'yo 'yong lolo mo." Sabi naman niya kaya mas lalo kong niyuko ang sarili ko para hindi niya masilip ang mga mata ko. "Wala nga, wala ka namang alam." Hindi mo alam kung gaano kasakit na malaman na kaya  nagbabait-baitan lang sa 'kin si lolo ay dahil lang pala sa isang kasunduan nila at mas lalong masakit para sa 'kin dahil alam ni mama ang tungkol dito at wala man lang siyang nagawa, lahat ng kakampi ko walang nagawa para sa akin. Ano nga pala ang mapapala ko? Wala pala. Hindi na dapat ako naniwala at umasa.* Gusto kong sabihin ngunit napagtanto ko na buong buhay ko ni-isang tao wala akong napagsabihan tungkol sa problema ko. Hindi ko akalain na hanggang ngayon nakakayanan ko pa ring mabuhay. "Anong sabi mo?" "Bingi ka rin ba?' Hindi naman siya agad nakapagsalita, 'Iwan mo na lang ako."  "Inutusan nila ako. Kailangan kong bumalik do'n kapag kasama ka na. 'Wag ka ng umiyak. Hindi pa naman maganda sa babae ang umiiyak, mas lalong pumapanget."  Napabuntong-hininga na lamang ako sa kanyang sinabi. Matagal na akong panget. Mas panget pa sa inaakala mo.* Mayamaya naman. "Wilson,"  That voice. It's from lolo. Nanatili ako sa aking inuupuan, hindi makagalaw.  "Yes, sir?" "Iwan mo na kami." At sumunod nga si Wilson. Dapat pala sumama na lang ako sa kanya.* "Harapin mo ako, Hetera." Utos niya sa akin. Inayos ko muna ang sarili ko at tumayo na, hinarap ko naman siya. Wala na akong pakialam kung anong makita niya sa mga mata ko. Tinitigan ko ang kanyang mga mata at nabasa ko kung ano ang nasa isipan niya. Walang bahid na awa. /Kung gusto mo pang manatili sa pamilyang Lim. Sumunod ka sa 'kin Hetera. 'Wag mo akong bibiguin./ "Ano ang kailangan mo, grandfather?" Pinilit kong maging maayos ang pananalita ko. "Hindi kaaya-aya ang ginawa mo kanina, nakakahiya ka." Sabi niya.  Napatungo na lamang ako. "Pumayag ka na para walang maging problema." Naikuyom ko naman ang aking mga kamay at dahan-dahan siyang tiningnan muli. Nilakasan ko ang loob ko, "Paano kung ayoko?" /Paghihirap./  "Ayaw mo naman sigurong maranasan ang paghihirap?" Matagal na akong nahihirapan.*  "Kapag nakita niya ang totoong kulay ng mga mata ko? Tatanggapin niya kaya ako? Ikaw nga na kadugo ko hindi ako matanggap-tanggap, siya pa kaya?" Tuluyan ng lumabas sa bibig ko ang matagal ko ng gustong sabihin. Napahawak naman ako sa aking pisngi nang maramdaman ang palad niya na dumapo sa pisngi ko. Isang sampal ang binitawan niya at namanhid ang mukha ko dahil sa ginawa niya. Sa kabila ng pagsampal niya hindi ako nagsisi na sinabi ko 'yon. "Sumasagot ka na sa akin?! Oo! hindi ka niya matatanggap kaya kung maaari itago mo 'yang mga mata mo! Para sa'yo 'tong ginagawa ko, Hetera."  Mas gugustuhin ko na talagang maging bingi. Naririndi na ako sa kakasigaw nila, pati ang tainga ko napapagod na. "Para sa akin? Baka para sa inyo? Labas na ako riyan. Palagi niyo naman akong binabalewala, hindi ba?' Wala na akong pakialam kung magalit ulit siya sa 'kin dahil sinagot ko na naman siya. Just for once, gusto kong ipagtanggol ang sarili ko. 'Hindi niyo man lang iniisip na nandito ako may opinyon din na gusto kong sabihin sa inyo pero--" "Aba't--' Sasampalin niya na ulit ako ngunit muli niyang ibinaba ang kamay niya, 'Nandidiri ako sa mga mata mo! Sana hindi ka na lang ipinanganak! Kung ganito lang ang magiging apo ko, sana ipinalaglag na kita!"  Tagos sa puso ko na mas masakit pa kaysa sa sampal na natamo ko. Mga salitang binitawan na niya ay hindi na magbabago pa dahil muli na naman 'tong nakatatak sa puso't isipan ko. Mga salita na kahit paghingi ng tawad ay hindi na mababago pa. Kung ano ang nasa isipan niya gano'n din ang lumabas sa bibig niya. Hindi niya talaga ako tinuring na apo.   "Wala ka ba talagang pakiramdam? Hindi mo ba naiisip kung ano ang mararamdaman ko kapag sinabi mo 'yan, lolo? Ang sakit!' Sa kabila ng mga sinabi niya, nagawa ko pang lumaban. 'Bakit ba hindi mo ako matanggap? Kasalanan ko ba na ganito ang mga mata ko?" Napapikit na lamang ako nang maramdaman na nagbabadya na naman ang luha ko. "Tigilan mo na 'yang sinasabi mo, Hetera. Bumalik ka na sa loob, sumunod ka sa 'kin kung ayaw mong mapahiya ulit lalo na't may iba tayong kasama." Walang nagawa ang mga sinabi ko sa kanya. Tinalikuran na ako ni lolo at naglakad na palayo sa 'kin. Napaupo na lamang ako sa damuhan at tuluyan ng bumuhos ang aking luha sa mga mata  habang hinahampas ko ng aking kamay ang aking dibdib. Labis akong nasasaktan dahil sa nangyari. Hindi nila ako magawang tanggapin. Mas mabuti nga na hindi na lang ako ipinanganak. Edi sana hindi ko mararanasan 'to.*  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD