CHAPTER 7: ENCOUNTER

1177 Words
Hetera's POV Nanlalamig ang mga kamay ko habang nakatingin sa mga taong nasa harap namin. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ni Dean at naisip niyang gawin 'to, hindi pa naman ako sanay sa ganito. Ang daming tao, madaming nakatingin sa amin. Si Wilson na maangas ang dating habang ako naman ay parang naligaw lang. Nanatili kaming nakatayo habang pinapakinggan ang sari-saring komento ng mga mag-aaral. Magaganda ang lumalabas na salita sa kanilang bibig at halos lahat papuri kay Wilson. I don't mind, mas gugustuhin ko na hindi pansinin kaysa maging sikat. Bahagya namang lumapit sa akin si Carly, "See? That's how people live, Hetera. In order for you to be known, you should have friends, right? Tingnan mo ang daming pumupuri kay Wilson. Paano ka?" I don't need friends.* Hindi ko na lang siya pinansin. Hindi naman basehan ang kasikatan sa mga magiging kaibigan mo. "Hindi mo ba talaga ako papansinin?" Sabi niya pa. "Lumayo ka diyan, Carly. Hindi siya karapat-dapat na maging kaibigan mo." Sumingit naman si Wilson. Anong oras ba 'to matatapos?*  "Shut up, Wilson." Nakangiti sila habang nag-uusap na akala mo'y hindi sila nagkakasagutan, magaling talaga magpanggap ang mga tao. "Okay. Quiet,everyone! That's all for today. Good bye!" Sabi ni Dean. Nakahinga naman ako ng maluwag at dali-daling bumaba sa stage saka lumabas na.  Nagtungo na ako sa parking lot dahil alam kong naghihintay na siya doon. Kakabasa ko lang ng text niya kanina na dito na lang kami magkikita dahil nakapag-park pa siya, matagal niya na akong hinintay kaya minadali ko na ang paglalakad. Nang makarating ako ay nakita kong nakaupo siya sa isang bench, nilapitan ko na siya. "You came." Nakangiting sabi niya. "Hindi ko naman hahayaan na maghintay ka ng matagal."  Marahan niyang inangat ang kanang kamay niya na may suot na relo upang tingnan ang oras, "15 mins, late." Sabi niya at sumimangot. "Isip bata!" Natatawang sabi ko naman. Ganito kami ni kuya, hindi rin ako nahihiya sa kanya dahil tanggap niya nga ako bilang kapatid niya. "Baby sis.' Sabi niya at niyakap naman ako, 'Na-miss kita." Dagdag niya. "I miss you too, kuya!" Sabi ko naman at niyakap din siya. Wilson's POV Saan punta non?* Ayoko pa naman sa lahat na biglang aalis nang gano'n na lamang, hindi man lang kami hinintay. Pababa pa lang kami kasama ang mga teachers, nauna na siya. Maski si lola ay bahagyang nagulat dahil sa inasal niya. "Is she, okay?" Nag-aalalang tanong niya imbis na magalit. Lola, wake up! Bakit mo pa tinatanong 'yan?!* "Yes, lola. Okay naman siguro siya." Sabi ko naman. Yak* "That's good to hear,' Nakangiting sabi ni lola sa akin. 'Mauna na ako. Bumalik kana sa room niyo, apo." "Yes, lola." Sumabay na akong lumabas kanila Von. Si Carly naman ay humiwalay na sa akin dahil pupunta pa siya sa coordinator's office. "Nakakahiya ka do'n, par!" Natatawang sabi ni Von. "Lul mo!" "Paano ba 'yan? Mag-aaral ka ng tuluyan, Wilson." Sabi ni Brentt. "Matatalo ko 'yon,' Nakangising sabi ko. 'Tiwala lang." "50/50" Sabi naman ni Reya. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya, "Bakit?" "Magaling si Hetera, nakikita ko sa kilos niya." Paliwanag naman niya. "Paanong?" "Wilson, ang sabi ni Reya parang introvert kasi si Hetera. Ayon pa sa ilang article na nabasa ko ang mga introvert ay napakatalino." Sabi ni Brentt.  "Talaga lang, ha?" Humalukipkip naman ako. "Hay nako! Tama na 'yan! Bumalik na tayong room!" Singit ni Von.  Introvert? Tsk, baka weird.* Bago pa man kami nakabalik sa room. Nakita ko si Hetera patungo sa parking lot, "Cr lang ako." Sabi ko sa kanila kahit ang totoo hindi do'n ang punta ko. "Sama ako." Sabi ni Von. "Ang bakla mo! Ako na lang!" Sigaw ko sa kanya. "Edi wag!" Sigaw din niya. "Mauna na kayo, susunod ako." Sabi ko sa kanila kaya iniwan na nila ako. Sinundan ko na si Hetera at nakita kong papalapit siya sa lalaking nakaupo sa bench. Huwag mong sabihin?!* "Boyfriend?" Bulong ko naman sa aking sarili nang mapagtanto na para bang close sila sa isa't isa.  Dahan-dahan akong nagpunta sa puno para magtago doon. Naghanap ako ng spot kung saan maririnig ko sila.  "Na-miss kita." Narinig kong sabi ng lalaki. Bahagya na akong lumayo sa kanila at nakita kong nagyakapan sila kaya tamang tama ito, inilabas ko ang aking phone at itinutok ang camera para kunan sila ng litrato. "Humanda ka sa akin, Hetera." Nakangiting sabi ko habang tinitingnan ang picture sa phone ko. Masaya akong naglakad pabalik sa classroom. Pumasok ako sa room nang nakangiti, "Hey!" Sabi ko sa kanila at umupo sa upuan. "Nag cr lang gan'yan ka na." Umiiling na sabi ni Von. "Masaya lang." Sabi ko. "Anyare sa cr?" Tanong ni Reya. Tumawa naman kaming tatlo ni Von at Brentt dahil sa naging reaksiyon ni Reya, seryoso pa naman siya. "Bantos!" Sabi ni Von. "Ikaw Reya, ah. Pati ba naman sa cr?" Natatawang sabi ko pa rin. Habang si Brentt ay patawa-tawa lang, hindi na nag-abala pang asarin si Reya. "Kayo ang GM, eh!" Sabi naman ni Reya at muli kaming tumawa. "So, bakit ka nga ba gan'yan?" Tanong naman ni Brentt sa 'kin. "Masaya nga!" Giit ko naman. "Nag cr lang naging masaya na?" Nagtatakang tanong niya. "Basta! Malalaman niyo rin, hintay lang." Sabi ko naman at ngumisi. "Full of surprises par, ah!" Sabi ni  Von. "Oo ba!' Sabi ko, 'Look." Dagdag ko sabay nguso sa babaeng kakapasok lang sa room. Sino pa ba?* "Anong meron kay Hetera?" Tanong ni Reya. "Wala." Sabi ko naman. Ayokong ipaalam sa kanila, mas mabuti na sa 'kin muna 'tong sikreto ko. Hetera's POV Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. "Sa bahay muna ako matutulog for 2 days," Sabi naman niya. Nanlaki naman ang mga mata ko, "Talaga?" "Oo, ayaw mo ba?" "Syempre, gusto." Nakangiting sabi ko. "Totoo ba 'yan?" Tanong niya at tumingin sa labi kong nakangiti.  "Oo naman." Sabi ko. Kahit hindi.* "Hindi naman." Nakataas na ang isang kilay niya hudyat na alam niyang nagsisinungaling ako. "Si papa kasi." At napabuntong-hininga na lang ako. "Huwag kang mag-alala hindi na mag-iinit ang ulo ni papa dahil nandoon na ako." Sabi naman niya at inilapat ang palad niya sa ulo ko. "I know, kuya." Sabi ko. "Bakit ayaw mo kasi sumama sa akin? Doon ka na lang sa condo ko. Malaki at dalawang kama naman ang mayroon do'n." Paliwanag niya. "Alam mo namang hindi na magbabago ang isip ko besides kuya malapit ang academy na 'to sa bahay natin." Sabi ko naman. "Okay, fine.' Sabi naman niya, 'I'll be back, later. Sige na baka may klase pa kayo."  "Take care, kuya." Sabi ko naman at muling ngumiti. "I will." Hindi ko naman inaasahan na pagpasok ko sa classroom makikita kong nakatingin sila sa akin. Si Wilson, Von, Reya at Brentt. Hinayaan ko na lamang at umupo na sa upuan ko. "Hetera?" Not again!* "What?" Nagsalita na ako. "Gan'yan ka ba talaga?" "Please, just leave me alone. Sinabi kong ayoko nga, eh!" Napasigaw na ako. "Ang harsh mo." Sabi niya at inirapan na ako. Bumalik na rin siya sa kanyang upuan.  Napailing na lamang ako at ibinaling ang tingin sa bintana. "Mahiya ka naman." Narinig kong sabi ni Wilson. Kahit kailan talaga pa-epal!* "Porket pinuri lang ang yabang na!" Hindi na si Wilson ang nagsalita. Kundi ang babaeng hindi ko naman kilala.  Matatapos yata ang school year na 'to na hindi ko kilala ang ilan sa mga kaklase ko. Anyway, mas mabuti ng gano'n hindi naman ako magtatagal sa school na 'to. Lumakas naman ang bulong-bulungan "Erika, kami lang. Huwag ka na sumali." Sabi ni Wilson. Erika pala.* "Duh?!" Nag-iinarteng sabi naman ni Erika. "It's okay, babe." Sabi ni Von kay Erika.  What the! Tuluyan na akong napatingin kay Erika. "Babe mo mukha mo!" Sabi pa ni Erika at napairap na lamang sa tumatawang si Von. Akalain mo nga naman si Von na pinsan kong walang pakialam sa akin, may gusto yata do'n kay Erika. Si Wilson na pa-epal sa buhay ko. Si Carly na makulit. Nasa iisang classroom lang pala kaming lahat. Sino pa ba ang mga taong kailangan kong layuan? Paniguradong maghihirap na naman ako ngayong taon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD