CHAPTER 1: MY LIFE

1481 Words
Hetera's POV  "Gumising ka na riyan!" Iminulat ko na ang aking mga mata at bumangon na. Narinig ko na naman ang nakakatakot at maawtoridad na boses ni Papa galing sa baba. Nang makababa ako sa kama, lumapit naman ako sa salamin at muli ko na namang nakita ang aking mga mata kaya kinuha ko agad ang contact lenses ko para maitago ang magkaibang kulay ng mga mata ko. Ito rin ang paraan para hindi ko makita o malaman kung ano man ang nasa isipan nila. Napabuntong-hininga na lang ako, pumasok na ako sa loob ng banyo at pagkatapos bumaba na ako. "Hindi ka ba talaga titino? Mala-late ka na tapos ang bagal mo pang kumilos! Nag-iisip ka ba, Hetera?"  sinermonan na naman ako ni Papa, palagi niya talaga akong pinagtataasan ng boses.  Matagal ng ganito si papa, ayaw niya kasi sakin, eh. Sa madaling salita, hindi niya ako tinuturing na anak dahil sa magkaiba ang kulay ng mga mata ko. Wala naman akong ginagawang masama, minsan lang ako magkamali pero sobra-sobra talaga kung pagalitan ako. Ang init talaga ng ulo niya sakin. Para sa kanya malaking kasalanan na nabuhay ako. Napayuko na lamang ako at umupo na sa upuan, hindi na ako nag-abala pang sumagot sa kanya dahil alam ko na para sa kanila mali ang sumagot sa nakakatanda.  "Hon, stop na. Kumain na lang tayo," Nagsalita na rin si mama kaya napatingin ako sa kanya at napansin ko ang pagngiti niya sa akin. "Hetera, kain na," sabi niya at inalok na ako ng pagkain. Thanks ma..*  Wala akong problema kay mama dahil tanggap niya ako at gano'n din si kuya, college na siya ngayong taon. Si kuya and the rest of the family, ako lang ang kakaiba. Nakakalungkot mang isipin na kakaiba nga ako sa kanila, ganito pa ang trato nila sa sakin. Masakit sa part ko pero hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil si mama at kuya ay nand'yan para sa akin. Okay na ako kahit silang dalawa lang ang taong nagmamahal sa akin. Kumain lang ako ng kumain, tumigil lang ako nang muling nagsalita si papa. "Hon, puntahan natin mamaya si Harles. Na-miss ko na ang anak natin, naging busy sa pag-aaral ang batang 'yon. Mabuti kung mag bonding tayo kasama niya," napailing na lamang ako dahil sa narinig ko. Si Harles pangalan ng kuya ko. Nasa condo siya, madalang na lang siya kung bumisita dito dahil ang layo ng university niya mula dito, ang condo na tinutuluyan niya ay malapit lang doon.  Ano pa bang silbi ko dito? Psh. Sanay na ako papa, eh. Sanay na talaga pero ang sakit pa rin. Hindi niyo naman kailangan ipamukha sa 'kin 'yan.*  Gusto kong sabihin 'yan sa kanya pero wala akong lakas na sabihin ang tunay na nararamdaman ko kaya heto ako ang hina. Nangingilid ang luha ko, iiyak na naman ako.  "Hon, si Hetera paano? Huwag na muna. Next time na kapag kumpleto tayo," sabi naman ni mama.  Pinunasan ko kaagad ang mga mata kong nagbabadyang tumulo na. "Mag-aaral 'yan." "Ma, okay lang po, kayo na lang. Katulad ng sabi ni papa, mag-aaral pa po ako," sabi ko naman at ngumiti kahit pilit lang. "Ayan tama 'yan, hindi 'yong pinapasakit mo ang ulo ko!" lumakas na naman ang boses ni papa kaya muli akong napayuko. "Hon," sabi ni mama kaya natigilan si papa. "Sige, anak. Dadalhan na lang kita ng pasalubong." nakangiting sabi niya sa akin. "Thank you po," mahinang sabi ko. Natapos na rin akong kumain at nag excuse na ako sa kanila para makaligo na. Nang makapasok ako sa kwarto ay nagtungo muna ako sa aking walk-in closet para ihanda ang susuotin ko.  Ang mama ko ay may-ari ng isang 'wedding shop' dahil designer kasi siya ng mga wedding gowns. Si papa naman ay simula pa lang no'ng bata siya ay mayaman na sila, ang pamilya niya ay may-ari ng iba't ibang hotels at resorts sa Baguio hindi katulad kay mama na nagsikap siya. Ikinuwento sa akin 'to ni Mama, masaya ako dahil lumalapit talaga si mama sa 'kin para kwentuhan ako. At least, hindi ko nararamdaman na mag-isa ako kahit pa-minsan lang. Tinanggal ko muna ang dalawang contact lens ko saka nilagay sa lalagyanan at pumasok na ako sa banyo. Pagkatapos kong maligo, muli kong nilagay ang isang contact lens sa kanan ng mata ko kung saan kulay blue 'to. Tinakpan ko ito ng kulay gray na contact lens para maging normal ako sa paningin ng mga tao. Gray and gray, normal eye color ang makikita nila.  Dahil isang contact lens lang ang gamit ko, gumagana ang mga mata ko kaya maaari kong basahin ang nilalaman ng kanilang isipan. Tuluyan na ako bumaba at sinalubong ako ni mama. "Are you ready?" "Yes, ma," sabi ko naman, hindi naman ako makatingin ng maayos sa kanya. "Okay, good." "Si papa?" tanong ko. "Nasa kwarto, anak," sagot naman niya. Wala nga pa lang pake sakin si papa.*  "Halika na," dagdag niya pa at sumunod na ako sa kanya palabas ng bahay. Sumakay na ako sa kotse at umupo sa shotgun seat. Pinaandar na ni Mama ang sasakyan at nag drive na patungo sa school.  "Anak." "Yes po, ma?" sabi ko at sinulyapan siya habang siya ay nakatingin sa daan.  Nakikita ko lang ang isipan ng tao kung nakatingin ako sa mismong mga mata nila. Minsan ko lang din gamitin ang kakayahan ko dahil natatakot ako sa posibleng malaman ko, na-trauma na kasi ako. Madaming nangyari simula nang matuklasan ko ang kaya kong gawin sa isipan ng mga tao. "Magsabi ka lang kung ayaw mo sa school mo, ha?" "Okay lang, ma," sabi ko at ngumiti kahit alam kong hindi niya makikita. "I believe in you, Hetera." "Thanks, ma," at ibinaling ko na ang aking tingin sa labas. Mayamaya pa ay nasa harap na kami ng school. Bumaba na kaming dalawa ni Mama at niyakap niya ako. "Una na ako, ma," sabi ko naman sa kanya at kumalas na sa pagkakayakap niya.  "Magiging okay ka lang ba talaga, nak?" Bahagya ko namang tiningnan ang mga mata niya at napangiti na lang ako dahil nag-aalala talaga si mama sa akin. /Sana okay ka lang, anak./    Tumango ako sa kanya, "Promise, I'll be okay."  Kahit hindi.*  "Okay, take care," sabi naman ni mama at kumaway na sa akin. Pagkatapos non sumakay na siya sa kotse at tuluyan ng umalis. Napabuntong-hininga na lang ako.  Napatingala naman ako nang makita ang pangalan ng school. St. Vincent Academy*  napaawang na lamang ang labi ko dahil ang laki at mukhang exclusive ang school na 'to.  Pumasok na ako sa loob at napatingin na lamang ako sa mga babaeng tumitingin sa akin. Mabilis din akong makaramdam kung may nakatingin sa akin. /New student? Kawawa,  tsk./ Anong kawawa, do'n?* Sa pagkakaalam ko ang mga new students ay naka-civilian na suot muna para makilala ang mga bago habang ang old students ay naka-academic.  Paano ako magiging kawawa? Dahil ba sa suot ko?* Muli kong pinasadahan ng tingin ang damit na suot ko, long sleeve blouse with ribbon and skirt partnered in black flat shoes.  Umiwas na lamang ako ng tingin sa kanila at nagpunta na sa information board. Nandoon kasi lahat ng section. 4th year.*   "Ayun!" nasabi ko na lamang imbis na dapat sa isipan ko lang. Pagkatapos, hinanap ko ang pangalan ko pero naudlot nang marinig ko ang boses ng isang lalaki na sumigaw. "Tabi!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses, hindi ko naman siya tiningnan sa kanyang mga mata at may kasama pa siya na nasa likuran niya. Kaibigan niya yata o baka. Ah, mukhang girlfriend niya.*  "Ako?" tanong ko sabay turo sa sarili ko, hindi pa rin ako tumitingin sa mata niya. "Bulag ka ba? Saan ka ba nakatingin?!" ang lapit namin sa isa't isa kung makasigaw, wagas. Hindi naman ako bingi. At mas lalong hindi ako bulag! Edi sana kung bulag ako dapat wala ako dito, 'di ba?! Psh.*  Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na ako palayo. Ayokong makagawa ng gulo nang dahil na naman sa akin lalo na't bago pa lang ako dito at first day ng school. "Huwag mo akong tatalikuran!" rinig ko pang sabi niya pero hindi na ako nag-abala pang lumingon sa kanya. Ayoko talaga ng gulo!*  Isa 'to sa paraan na natutunan ko, takbuhan ang mga taong sa tingin mo delikado. Takbuhan ang problema kung kinakailangan dahil mas mainam gawin 'yon sa mga taong katulad ko na mahina. Ngunit, napaatras na lamang ako dahil may lumapit sa akin. Ang mga mata nilang nakakatakot na para bang mangangain sila. Ano bang ginawa ko sa kanila? Bago lang ako!  /Stupid b***h!/ /'Wag na 'wag mong ga-ganyanin 'yong master namin!/ /Boploks!/  Mga salitang masasakit na binibitawan nila sa kanilang isipan. Ang dami nilang sinasabi kahit hindi sila magsalita nakikita ko ang tunay nilang pagkatao, nababasa ko. Wala akong ginagawa sa inyo!*  Sigaw ko sa aking isipan. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanlalambot na rin ang tuhod ko na para bang gusto na nitong bumagsak at sumasakit na rin ang ulo ko.  Hindi ko na dapat ginawa 'to. Kaya ko lang naman ginamit muli ang kakayahan ko dahil para malaman kung ano ang tingin ng mga tao sa kanilang paligid ngunit ganito ang bubungad sa akin, mga salitang masasakit na maaaring makaapekto sa mental health ng isang tao. Mabuti na lang, ako lang ang ganito kaya ako lang din ang masasaktan sa mga nababasa ko. /Takot!/ /Ayan! Hindi ka makagalaw, girl? Wawa ka naman./ /Eww, isip bata pa ba 'to?/  And everything went black. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD