AMERA JOY "Bakit nakabusangot ka dyan?" nakatikwas ang kilay na tanong ni Sol. Napairap ako sa hangin. Gagu kasi daddy mo e, binasted ako! Himutok ko. Pero s*yempre hindi ko naisatinig 'yon, baka ma-shock ang best friend ko. "Wala. Stress ang beauty ko sa school." dahilan ko. "Hindi ka naman yata nag-aaral ng mabuti, panay daw gala mo sabi ni Jessica," nakangusong buska niya. Sasabunutan ko ang pinsan kong 'yon kapag nagkataon! Bakit ko nga ba siya pinakilala sa best friend ko?! Pahamak. Sumbungera! "Sol, nakita mo ba 'yong mga pictures na naka-tag sa sss ng daddy mo?" imbes na sagutin ang tanong niya, ay 'yon ang nasabi ko, para rin ibahin ang topic namin. Kung about sa pag-aaral kasi ang usapin, wala ako sa mood, so please pass muna. Kaswal lang naman naging tono ko