MARISOL "Mommy... Wake up...Our precious little one is here." dumaing ako pero hindi pa rin nagmulat ng mga mata. Ramdam ko pa ang matinding pagod at antok. "Your mommy still so tired, Buddy. Hayaan na muna natin siyang makapagpahinga..." Sa nangangapa kong diwa sa karimlan ay naulanigan ko ang mahinang iyak ng aking anak. "Okay, buddy. I will let you to hug and kiss your mommy, pero lalabas din tayo, at hahayaan natin siyang matulog at makapagpahinga." Naramdaman ko ang mahihinang tapik sa mukha ko. Akala ko'y parte pa rin 'yon ng panaginip ko, nang tila marinig ko ang cute na cute na boses ng anak ko. "Momma," anitong sabay haplos sa mukha ko. Dumaing akong muli. "Momma," muli dinig ko. Then, may kung ilang beses na dumapo sa mukha ko. "Ooh, no! Huwag mong paluin ang momm

