MARISOL Parang biglang lumisan ang espiritu ng alak sa katawan ko nang makita ko kung gaano kagalit ang mukha ni Tito Sandro. Awang ang mga labi kong nakatingin lamang sa kaniya. Ang mga tao sa dancefloor ay nahawing bigla at napalayo. "Tara baka malaking gulo 'yan." "Halla si Harold, may malay pa ba siya." "The guy, looks familiar, parang nakita ko na siya." mga naririnig kong anasan at bulungan. Tito Sandro... What is he doin' here? Paano niya nalaman na narito ako? "Makita pa kita umaaligid kay Sol, babaliin ko na lahat ng buto mo, at magtangka ka ulit na halikan siya tatapyasin ko na 'yang nguso mo!" dinig ko ang pangangalit ng mga ngipin niya dahil sa galit. Napabaling ang mga mata ko kay Horold, he was badly hurt. Parang nadurog yata ang bibig niya. Hindi ko gusto ang