AMERA JOY Nangingibabaw ang boses ni Jessica sa lahat, “heto na lang talaga magiging papel ko! Sana man lang may maduling sa beauty ko mamaya no!” Pasaring pa nito. Medyo napakunot ang noo ko sa huling sinabi nito pero hindi ko na lang binigyan ng pansin, mas natutuon kasi ang atensyon ko sa mag-ama ko. Isa si Jessica sa mga nag bolentaryong mag iihaw ng mga karne mamaya. Si Sol ay abala pa rin sa kusina, pinipigilan siya ni Daddy kanina at hinihila papunta rito pero nagpumilit siya. “I’ll make your favorite salad first, Babe. Alam ko naman na hindi ka masyado sa kanin e.” Niyakap siya ni Daddy at nilambing. “You’re really the best, Babe.. I love you so much..” “Naku, pinakilig na naman ni Sol ang matanda!” Napatawa ako. Binato siya ng masamang tingin ni Tito. Ni warningan siya

