THIRD PERSON Hindi alam ni Marlyn ang kanyang gagawin n'ong makaalis niya si Anton. Hindi niya kaya na salubungin ang mata ni Rafael na walang kurap na nakatitig sa kanya hanggang ngayon. Gusto niya sanang umalis ngunit parang ayaw naman humakbang ng kanyang mga paa. Bigla siyang natuod sa kanyang kinatatayuan at parang nanghihina ang kanyang dalawang tuhod. Hindi niya akalain na magkikita muli sila ni Rafael. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ni Marlyn na parang masaya dahil nagkita muli sila ni Rafael. Ngunit napansin niya kanina na parang galit ang mata ni Rafael sa kanya. Lalo ng hinalikan siya ni Anton sa kanyang noo. Nagtaka naman si Liz at palipat lipat ang tingin sa dalawa. Habang si Rafael naman hindi makapaniwala na ang babaeng mahal niya at matagal niya ng hinahanap ay dito ni

