MARLYN
"Ma'am excuse me for disturbing you! But there's a guy in the lobby looking for you. He said, he wants to see and talk to you." Napa ayos ako ng aking upo ng marinig ang sinabi ng aking secretary. Laking gulat ni Mommy at Lolo pagdating ko kahapon. Ang akala daw nila dalawang buwan ako sa Pilipinas. Kaya sinabi ko na lamang sa kanila na nasa honey moon si Khala at Kennedy. Saka si Analyn naman may sarili din problema kaya nagdesisyon nalang akong bumalik at mag trabaho. Mabuti nalang naniwala si Lolo at Mommy. Kaya kinabukasan bumalik na ako sa aking trabaho. Mabuti na rin daw na bumalik ako sapagkat si Maribel ay pupunta din sa kanila sa Masbate. Dahil alagaan niya ang kanyang Lola na may sakit. Ang nanay ng kanyang Mommy. Ang kanyang Daddy at si Mommy at mag pinsan. Kaya naging second cousin kami ni Maribel. Dahil siya ang gusto ng kanyang Lola. Ayaw pa nga sana ni Maribel, ngunit ng marinig niya na malaki ang kanyang mana na makuha. Pumayag din ang Loka. Mukhang pera talaga, Natuwa na lang ako sa sinabi ni Mommy. Kaya bukas na kaagad ang flight niya pauwi ng Pilipinas.
"Who?" Tanging tanong ko sa aking secretary. Parang gusto ko lang mag trabaho at huwag magsalita. Wala naman akong natandaan na bisita saka alam naman ng secretary ko, ang lahat na mga schedule ko. Bakit ngayon parang hindi niya alam. Tiningnan ko siya ng masama dahil ang ayaw ko sa lahat ang Hindi marunong sa trabaho. Hindi ko din alam sa sarili ko, kung bakit nag-iba ang ugali ko dahil sa ginawa ni Rafael sa akin. Parang wala na akong tiwala sa lahat. Kaya naging cold ako sa lahat na gustong kausapin ako. Kaya gusto kong kalimutan kung ano man ang nangyari sa akin sa Pilipinas. At magbagong buhay kahit maging matanda akong dalaga. Hindi ko na hahayaan na may tao na ma nakit sa akin. Lalo na sa mga lalaki na katulad lamang ni Daddy.
"It's Rafael De Castro, ma'am. He said he is your boyfriend." Magalang na wika ng aking secretary. Ramdam niya kasi na nagagalit ako ngayon kaya parang takot magsalita. Bigla kong naikuyom ang aking kamao sa narinig. Ang kapal ng mukha niya, para sabihin na girlfriend niya ako. Sumunod pa pala talaga siya. Ang akala niya muli niya akong mauuto. Biglang bumalik ang lahat ng sakit na ginawa niya sa akin. Kaya hindi ko maiwasan na tumulo ang aking luha. Mabuti nalang nakayuko si Fiona kaya hindi niya ako nakita. Pasimple kong pinahiran ang aking luha.
"Send him out in my company. I don't know him. Ban him in my company now." Mautoridad kong utos sa aming secretary.
"Ma'am." Parang hindi makapaniwala si Fiona sa sinabi ko. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"You don't want to do? Choose, I will fired you o send the guy out of my company now." Malamig kong sabi sabay turo ko ng aking kamay sa pintuan. Hindi na ako pinatapos ni Fiona sa pagsasalita ng nagpaalam siya kaagad na palabasin niya daw kaagad si Rafael. Paglabas ni Fiona napahilot ako sa aking noo. Gusto ko siyang sampalin, gusto ko siyang sumbatan. Pero kailangan kong pigilan ang aking sarili. Ayaw ko na siyang makita kahit kailan.
"Ahhhhh!!!! I hate you Rafael. Katulad ka lang ng hinayupak ko'ng ama." Sigaw ko, sabay tapon ng flower vase na nasa aking mesa. Nanginginig ang aking kamay sa galit. Kung saan nakaramdam na ako ng pagmamahal sa isang lalaki. Ngunit nasa maling lalaki pa pala. Binuhos ko ang lahat ng aking mga luha. Kailangan kong ipalabas lahat nag sama at galit sa aking puso. Dahil bukas simulan ko ang isang Maribel na walang pakiramdam. Nang guminhawa ang aking pakiramdam. Pumasok ako sa aking banyo saka nag hilamos. May sarili akong silid dito kaya paglabas ko ng banyo. Dumiretso ako sa aking silid. Bigla akong nawalan ng gana magtrabaho saka pakiramdam ko sobrang pagod ko ngayong araw. Kaya gusto ko munang magpahinga. Nag send ako ng message kay Fiona na i-cancel muna ang lahat ng appointments ko today dahil masama ang aking pakiramdam. Nang ma send ko na, humiga ako kaagad saka pumikit. Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako ng mahimbing.
Nagising ako nang marinig ko ang tunog ng aking cellphone na may tumatawag. Pagtingin ko, si Fiona ang tumatawag kaya kaagad ko itong sinagot. Nakita ko din ang mg message galing kay Mommy at Marlyn ngunit hindi ko muna binuksan.
"What it is, Fiona?" Kaagad na tanong ko kay Fiona ng sinagot ko ang kanyang tawag
"Ma'am, the man is still outside the building, and the security guard mentioned he hasn't eaten. He looks tired and sleepy. Maybe he's waiting for someone or needs rest after a trip. Did you want me to ask him to come in or call someone to pick him up?" Napa buntong hininga ako sa inis. Bakit ayaw niyang pang umalis? Ano pa ba ang gusto niya?" Tanong ko sa aking isipan.
"Let him be, and I don't want to hear about that man again. If you want to accompany him. Go and do it. Just don't show you're face me again in my company." Wika ko kay Fiona sabay off ng tawag. Binasa ko kaagad ang message ni Mommy. Tinatanong niya kung ano ang gusto kong ulam mamaya sa dinner. Naisip ko na baka hindi pa rin aalis si Rafael. Saka ayaw kong makita ako ni Mommy ng ganito. Kaya sinabi ko kay Mommy na hindi ako uuwi. Nag dahilan lamang ako sa kanya na kailangan kong tapusin ang mga naka tambak kong trabaho n'ong nasa Pilipinas ako. Mabuti nalang hindi na nagtanong si Mommy. Alas tres pa lang ng hapon kaya inayos ko muli ang aking sarili saka lumabas ng aking silid para mag umpisa ulit ng trabaho.
Isang oras na akong nakaupo ngunit hindi ko alam kung ano ang aking unahin kong gawin. Hindi ko maiwasan na isipin si Rafael kung nasa labas pa rin ba siya ngayon. Kung naka kain na nga ba? Kahit galit ako sa kanya, hindi ko naman kaya na may mangyaring masama sa kanya. Ngunit naisip ko na kung pa dalhan ko siya ng pagkain, baka 'yun pa ang kanyang dahilan na hindi umalis. Kaya hindi ko na tinuloy ang plano ko na bigyan siya ng pagkain. Pina-ikot ikot ko ang ballpen sa aking kamay habang iniisip kung kailan siya babalik ng Pilipinas dahil may kompanya din siya na dapat asikasuhin. Habang nasa malalim akong pag-iisip. May kumatok sa pintuan at bumukas ito. Si Fiona na may dalang bulaklak. Kaya nangunot ang aking noo kung bakit may bulaklak siya at kanino galing?
"Ma'am, Rafael wants to give this to you, before he, leave. He said, he will leave if i will I take the flower. And give this flower to you. That's why I decided to accept, so that he will leave outside the building. Many people asking who is he. If he will not go , maybe they will reported it to you're grandpa." Wika ni Fiona. Mabuti nalang naisipan ni Fiona. Hindi ko manlang naisip kanina na baka nga makarating kay Lolo at Mommy. Kaya nagpasalamat ako kay Fiona at sinabi na sa kanya na ang bulaklak at pwedi na siya makauwi. Sinabi ko din sa kanya na dito muna ako matulog sa aming opisina ng isang linggo. Sinabi ko din na kung ayaw niya ng bulaklak itapon niya nalang. May asawa't anak na kasi si Fiona kaya baka magtaka ang kanyang asawa kung may bulaklak ang kanyang asawa. Nagpasalamat naman si Fiona at sinabi na ilagay niya nalang sa kanyang mesa. Kaya tumango na lamang ako sa kanya. Habang palabas ni Fiona nakasunod ang aking mata sa bulaklak. Napangiti na lamang ako ng mapait dahil paborito ko ang bulaklak na binigay niya sa akin. Ramdam ko naman na mahalaga ako kay Rafael. Ngunit sobrang sakit lang isipin na ang bestfriend ko pa ang aking karibal. Hindi naman ako galit kay Khala. Dahil alam ko naman na mahal na mahal ni Khala si Kennedy. Ganun din si Kennedy kay Khala. Masakit lang isipin na narinig ko lahat na kanyang sinabi. Parang ginawa lamang ako ni Rafael na panakip butas. Tumulo naman bigla ang aking luha. Kahit ano kasing pigil ko, ngunit ang traidor kong luha kusang lalabas. Pakiramdam ko ngayong araw sobra akong napagod kahit wala naman ginawa. Kaya pagsapit ng alas singko ng hapon. Tumayo na ako at bumalik silid dito sa aking opisina. Kahit hindi pa ako nakapag palit ng damit. Humiga ako sa kama at pumikit. Parang gusto ko nalang matulog para makalimutan ang sakit sa aking puso at isipan. Hindi ko alam kung kailan ko siya makalimutan o kayang harapin . Pero hindi ako isang babae na marupok. Hindi ko hahayaan na malugmok lamang sa isang lalaki. Habang nasa malalim ako ng pag-iisip. Hindi ko namalayan, naka tulog na pala ako habang malalim ang iniisip na umiiyak.