THIRD PERSON 28 AFTER 3 MONTHS "AHH! Hayop kayo! Pakawalan niyo ako dito. Ano ba ang kasalanan ko sa inyo? Mga ihudiputa kayo." Malakas na sigaw ni Arnulfo habang may piring ang kanyang mga mata. Sa tatlong buwan na paghahanap sa kanya ng mga tauhan ni Harlem sa wakas nahuli din siya. Kaagad na dinala nila si Arnulfo sa hideout ni Harlem upang parusahan. Nanggigil si Harlem na sinikmuraan si Arnulfo sapagkat nalaman niya din na kasamahan pala siya dati ni Cheska upang gumawa ng mga illegal na droga. Hindi alam ni Arnulfo na mga kaibigan ni Rafael ang may gawa sa kanya. Pabalik balik siya sa labas ng bansa at dito sa Pilipinas. Pagkatapos niyang makuha ang sampung milyon na binigay sa kanya ni Marlyn nagpaka sarap siya na mag libot sa iba't-ibang sulok ng bansa. Ang hindi niya alam sa kan

