MARLYN Habang papunta kami sa bahay ni Tita hindi ako mapakali sa loob ng taxi. May sasakyan naman ako na ginagamit ngunit hindi ko kanina sinakyan dahil nga sumabay ako kay Anton. Panay ang piga ko sa akiing mga palad. Hindi ko alam kung masaya ba si Rafael dahil may anak na kami. O magalit siya sa akin dahil hindi ko pinaalam na nagka baby kami. Malakas akong bumuntong hininga ng lumiko na ang taxi papasok sa subdivision kung nasaan ang bahay ni Tita Josephine. "Moo, what happened to you? Kanina ko pa napapansin simula pag pasok natin sa taxi parang hindi ka na mapakali. May problema ba? Magagalit ba ang Tita mo kapag kasama mo ako?" Malumanay na tanong ni Rafael sa akin sabay kuha ng aking kamay at pinagsiklop niya ito. Kinakabahan na umiling ako sa kanya dahil pakiramdam ko wala ako

